Chapter Sixteen

328 19 5
                                    

Chapter Sixteen

Kinawayan sya ni River hustong makarating sila sa Reception sa rest house. Tipid lang na ngumiti si Loralaine bago nilapitan ang Ate Maya nya sa table nito. Kakaupo nya palang ng mahagip nya ng tingin ang black wrangler sa labas.

Napaayos tuloy sya ng upo kahit hindi naman sya kita ni Sean. Kaso kita nya itong bumaba sunod iyong lalaking kasama nito. Kaagad na lumapit si Aliana kay Sean.

"Loralaine, pwede ka nang magstart kumanta." Ani Deedee sa kanya.

"Sige po." Tumayo sya at nagpaalam sa ate nya.

They all welcomed the newlyweds, tipid na ngumiti si Loralaine bago naupo sa pwesto nya. She cleared her throat and started singing. Nagthumbs up sa kanya si Ate Maya nya na kitang kita nya sa pwesto. Nagpasalamat naman iyong bagong kasal sa mga taong nandoon.

Naka-dalawang kanta ata sya bago dineclare na pwede nang kumain. Tumayo muna si Loralaine para pumila sa buffet table doon. Kumuha sya ng pinggan at tumayo sa gilid.

"Pasakay naman sa wrangler mo." Ani Aliana na kausap si Sean

"May limousine asawa mo." Sagot ni Sean dito.

"Ang haba, nakakaumay." Ngumuso pa si Aliana.

Napaharap sa kanya si Sean at ngumiti, napalunok naman sya.

"Ibibili kita ng wrangler." Singit ni Allen.

"Wag na! Gagatos ka na naman." Ismid ng asawa nito.

"Wag na daw. Pasakayin ko na si Aliana." Tumawa pa si Sean nang sabihin iyon.

"Ayusin mo." Ani Allen.

"Ako na maghahatid sa kanila mamaya sa hotel."

Tumapik si Sean sa braso ni Allen bago nilapitan si L sa likod. Kumurap kurap naman si L nang natantong nasa harapan na nya si Sean ngayon.

"Sean ha!" Habol pa ni Aliana. "Pasakay ako sa wrangler mo."

"Yes." Tumango pa si Sean bago bumaling sa kanya. "Will you stay till the night?"

"Ha? Ah, baka oo."

"Alright. Wait for me, may ihahatid lang akong demanding."

Sabay silang kumuha ng pagkain ni Sean. Nagulat pa sya ng lagyan sya nito ng beef brocolli sa plato nya.

"Okay na to, Sean."

"You should eat more, you look thin."

"Hindi ah." Nilampasan nya ito at kumuha ng dessert pero naunang dumampot si Lorraine ng jellyplan.

"Oh, I'm sorry,"

"Okay lang. Sige kuha ka na."

Lorraine smiled at her and saw Sean behind her.

"Hey Sean... Buti hindi ka tumutol sa kasal."

"I was about to... but Carmela would hate me."

"Ikaw talaga. Porke hindi ka pa kinakasal, kaya idadamay mo pa si Carmela."

Gumilid sya at kumuha nalang ng macaroni salad habang abala ang dalawa sa pag uusap.

"Hindi mo kasi ako hinintay." It was supposed to be a joke but for L, she take it seriously.

"Baliw ka, Sean."

"Ipaglalaban naman kita."

"May asawa na ako!"

Natawa si Sean at pinisil ang ilong ni Lorraine.

"I know..."

Hindi na nya pinakinggan ang pinag uusapan ng dalawa at agad na nyang tinungo ang table nila. Si Ate Maya at Kuya Benedict naman nya ang tumayo para kumuha ng pagkain. Kumagat sya sa fried chicken nang maramdaman si Sean sa gilid nya.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now