Chapter Eighteen

347 17 5
                                    

Chapter Eighteen

"Good Morning."

Mabilis na napatayo si L nang marinig ang boses ni Sean sa may pinto ng headquarters. Pichie gave her a suspicious look and welcomed Sean.

"Sean."

Hinarang ni Pichie ang ulo sa kanya at ngumiti kay Sean.

"Hi. Yes?"

Sumulyap si Sean sa kanya bago tinaas ang dala nitong paper bag.

"I brought some breakfast. Since you already left when I drop by the house inn."

"Thank you!" Kinuha ni Pichie iyon at humarap sa kanya.

Pinanlalakihan sya ng mata.

"Bakit may pa-breakfast si Sean sayo?" Bulong nito.

Siniko ni L si Pichie at hilaw na ngumiti kay Sean na nakahalukiphip sa may door frame.

"Pasensya ka na, may patay gutom."

"Sakit ha. Parang hindi kaibigan."

Sean chuckled. "Anyway, I'll see you later then? Enjoy your breakfast."

Kinamot ni L ang likod ng batok nya, nahihiya. "Thank you,"

Hustong makaalis si Sean, narinig na nya ang tili ni Pichie at may pagyugyug pa sa kanya.

"Ganda mo! Kayo na?"

"Hindi."

"Hindi ako nagkakamali?"

Nilapitan ni L ang pagkain at nagsimula nang kumain noon, hindi nya sinagot si Pichie pero panay pa din ang tanong.

"Sabi ko na type ka eh."

"Pichie, mabilaukan ka. Kumain ka na."

Pumasok si Lim at nakita ang breakfast na dala ni Sean. Lumapit ito sa kanilang dalawa.

"Bigay ng manliligaw ni L!"

"May manliligaw ka na?"

"Ingay nyo. Kumain nalang kayo."

Buong duty ata nakatanong si Pichie sa kanya kung ano na bang score nila ni Sean dahil hindi nya sinasagot iyon.

"Emergency!" Sigaw ni Mac.

Ang bilis nilang tumayo mula sa mga pwesto nila, hinagisan sya ni Pichie ng salbabida bago sya sumakay sa likod ni Lim sa jetski. Mac was already there.

Safe nilang nailigtas ang dalawang dalaga na nalunod, hindi na sana nya papansinin pero involve na naman dito ang drugs.

"Check their breathing. Under influence sila ng drugs." Aniya sa doctor.

"May drugs nga sa loob nila."

Nakita nyang lumapit si Allen sa kanila. Hindi nya inalis ang pagtingin dito. Nilapitan nito ang  doktor doon at tinapik sa braso.

"We'll do everything to investigate."

"Excuse me, Sir Allen." Aniya.

Nagpaalam si Allen sa doktor at nilapitan sya. Mabilis nyang tinaas ang nakuha nyang mga sachet ng drugs sa aksidente. She licked her lower lip.

"Wala ka pa din bang gagawin?"

"Look, I already called that to the police."

"Buwan buwan may aksidente dito sa Isla Verde, Sir Allen. And that is because of the drugs that were spreading."

"Miss Iballo, what are you here?"

Kinuyom nya ang kamao nya at nakita si Sean na naglalakad na palapit sa kanila.

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now