Chapter Twenty four

352 21 8
                                    

Chapter Twenty Four

"Ingat nalang at vitamins." Bilin ng doctor para sa check up ni Loralaine.

Tumango sya at nagpasalamat dito bago lumabas. Diretso syang lumabas at pumara ng tricycle. Anim na buwan na ang nakalipas at anim na buwan na din ang tiyan nya.

Mahirap magbuntis pero kinakaya nya. Todo supporta ang mga kapatid nya lalo na noong sinabi ni Ate Maya ang tungkol dito. Si Nell ang kasa kasama nya lalo na noong nakakuha ito ng scholarship dito. They agreed to keep it a secret, pero makulit ang mga kapatid na baka daw kapag lumabas ang bata. Kamukha ni Sean.

Hindi nalang nya pinapansin iyon, there is still a part of her that keep on thinking about Sean. Huminga sya ng malalim at napahawak sa pader, mabilis syang hapuin kapag naglalakad.

"Ate sorry, may exam kasi kami kaya di na talaga kita nasamahan." Bungad ni Nell noong makapasok sya sa maliit nilang apartment na galing kay Benedict.

"Okay lang." Dumiretso sya ng upo. "Kumusta naman?"

"Naitawid ate." Inabutan sya ni Nell ng tubig.

May kumatok sa pinto kaya tumayo si Nell at binuksan iyon. Sumilip doon si Nell, sumimsim naman sa tubig si L bago nya narinig ang matipunong boses na iyon.

"Ate, may bisita ka."

She looked up and saw Dash smiling at her. May dalang mga prutas para sa kanya.

"Dash... may trabaho ka diba?"

"I just dropped by for this. And uhm to ask if you're okay?"

Tumayo si L at tinanggap iyon. Bumaba ang tingin nito sa tiyan nya at ngumiti.

"Nakapag-pa-check up ka na ba?"

"Yes."

"Hinihintay kitang kumatok sa bahay. Para magpasama."

"I don't wanna be a burden, Dash. But thank you."

Tumango ito. "If you need anything, you can call me."

She mouthed thank you before Dash bid his goodbye. Pagbalik nya sa pwesto nya, nakatitig na sa kanya si Nell.

"Type ka talaga ni Dash. Nararamdaman ko."

"Shh. Malisyosa ka."

"Kasi hindi sya mag eeffort para sa ganito. Tyaka sabi nya, willing syang maging ama ni baby moon."

"Maglinis ka jan. Magpapahinga lang ako."

ABALA Si L sa ginagawa nya sa trabaho. Sumasideline sya pansamantala sa isang pwesto sa bayan na bilihan ng mga pasalubong doon.

"Miss."

Iniwan nya ang inaayos na paninda at binalingan ang lalaking tumawag sa kanya. Nagulat sya at natigilan nang abutin ang binibili ng lalaki. Hindi basta lalaki, kundi si Allen. Ngumisi ito at hindi man lang nahalata sa mukha ang gulat.

Tumikhim si L.

"Ito lang po?"

"Magkano?"

Hindi nya sigurado kung tama ba ang binanggit nyang presyo. Hindi na sya makatingin kay Allen ngayon. Nang maibalot nya ang binili nito, kaagad itong nagbayad at hindi na sya inimikan.

Malalim na napabuntong hininga si L matapos makaalis ni Allen. Sana lang ay hindi nito mabanggit kay Sean na buntis sya. Tahimik na sya dito sa baguio, ayaw na nya ng gulo. Ayaw na nyang mainvolve sa drugs at sa kung ano man na pwede syang mapahamak.

Pagkasarang pagkasara ng tindahan, nakita nya agad si Dash na tila nakaabang sa kanya doon. Isang ngiti agad ang pinakita nito sa kanya.

"Dash.."

Island Series: Loralaine IballoWhere stories live. Discover now