Chapter 1

304 28 6
                                    

Chapter 1

Hilary POV

IN the middle of our dinner my phone rang, hindi ko muna iyon pinansin at tinuloy ko lang ang pagkain and when I finished ay siya ring pag tawag ulit, the same caller.

"Payatot?"
"Asan ka? Pwede ba tayong magkita tonight?" I can sense something in his voice. Hindi ko lang masigurado kung ano pero may something ehh.

"Yeah sure. Nasan ka ba?" tanong ko.

He texted me the location at agad akong lumabas ng apartment ko. Hindi ako mapakali, maraming bumababag sa utak ko, ayoko mang isiping ngunit hindi ko mapigilan.

“Manong diyan lang po sa tabi.” Saad ko sa driver, agad naman niyang itinabi ang taxi, napansin ko ang nag-aalangan nitong mga tingin sa akin kaya naguluhan ako.

Napatingin ako sa pinaghintuan namin. I was surprised that the place is a bar. Kaagad nag sink in sa utak ko yung mga possible things that might happen inside that place. I know minsan rin siyang umiinom pero it's a first time na sa bar siya pupunta.

“Mag-ingat ka iha, maganda kapa naman.” Anito bago ikinabig ang manebela paalis nung bar. Hindi ko na lamang siya pinansin at pumasok na.

Nanginginig ang tuhod ko habang papasok sa loob ng bar. Maingay, maraming tao na nagsasayaw sa dancefloor, couples everywhere making love.

Urghhhh my innocent eyes.

I ignore things around at pinagpatuloy ang paghahanap kay Ian. Ang dami namang tao rito. Di ko tuloy makita ang taong hinahanap ko. Punyemas.

Habang naglalakad ako papalapit sa bar counter ay hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero yun talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Nakita ko siya sa bar counter, nakaupo at hindi siya nag-iisa. He's with another girl.

Hindi ko napigilan ang sarili kong sumugod.

*slapp*

Nagulat siya sa ginawa ko, maski ako nagulat, pero wala eh. Gumana ang pagiging amazona ko.

"What a surprise" I said sarcastically.

"Hilary, let me explain first. Please" he pleaded. Umiling ako. How could he do this to me. I thought he needs me, the reason why he called. But look what happened.

"Explain what? For another lie? I clearly saw you kissing that woman. Tapos hihingi ka ng panahon para sa eksplinasyon? Ang kapal ng mukha mo!"

Isang pang malutong na sampal ang natanggap niya. He remains silent kaya napaiyak na ako.

So, he won't say sorry for what he did? Ganun nalang yun?

"Look I didn't mean to..."

"Shut up!" Sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng bar na iyon.

I found myself walking away from him. Wala sa tamang huwisyo ang utak ko na naglalakad sa kalye. Pilit na tinatago ang impit ng iyak ko. Things running out in my mind. So many questions I want to ask pero wala ni isang sagot. Saan ba ako nagkulang? Bakit ba kilangan humantong sa ganito?

Niloko niya ako ng harap-harapan. Ang mas masakit pa dun, mukhang gusto niya rin nag magkaganito kami. Siguro sawa na siya sa'kin, sa ugali ko. Sino ba naman ang tatagal sa isang babaeng walang pakialam sa sarili, kahit nga magsuklay nakakalimutan na.

Paano na ako ngayon? Saan ako magsisimula? Kaya ko ba? Kakayanin ko kaya?

I understand him, I used to be humble para umiwas ng gulo. Giving to him whatever he wants. Sabihin na nating ako na ang dakilang babae na nagdadala ng isang relasyon, dahil kung hindi ko ginawa yun, for sure hindi kami aabot ng ganito ka tagal. Sa kabila nun minahal ko parin siya, tinanggap ng buo, now, why on earth could this thing happen?

Why all of sudden?

Napakurap ako ng ilang beses upang tuyuin ang nagbabadyang pagpatak ng aking mga luha. Ayoko sa pakiramdam nag anito, sobrang sakit!

Wala akong makausap kundi ang sarili ko, wala akong mapagbuksan ng hinanakit ko. Tangina naman kasi bakit ngayon pa?

Bakit ngayon pa na mahal ko na siya?

#

“Hilary?” tawag ni Ate Cacai mula sa labas ng kwarto.

Agad akong nagpunas ng luha at inayos ang sarili.
“Po?”

“May naghahanap sayo, gusto ka raw kausapin.” Wika nito.

“Sino naman yan?”

Narinig ko pa ang pagtutulakan ng dalawang tao sa labas ng pinto.

“Sabihin mo payatot.”

“Ikaw na magsabi.”

“Ikaw na lang po, please ate Cacai.”

“Ikaw ang may kailangan, ikaw na magsabi. Iiwan na kita diyan. Kausapin mo ng maayos”

Agad akong nanlumo nang makompirmang siya nga.

“Hilary, si Ian ‘to. Pwede ba tayong mag-usap?” pagsusumamo nito.

Hindi! Huwag mo akong idaan sa pagmamakaawa, hindi mo ako madadala sa mga drama mo.

“UMALIS KANA, HINDI NA KITA KAILANGAN, DUN KA SA BABAE MO. P*TANG*NA MO!!” sigaw ko mula sa kwarto. Huwag mo nang dagdagan yung sakit pakiusap. Napapagod na ako, napapagod na akong umiyak. Palagi na lang.

“Sige kung yan ang gusto mo. Aalis na ako.” Saad nito, narinig ko ang mga yapak papalayo sa pinto kaya napaiyak na lamang ulit ako.

Tangna naman kasi, bakit ngayon pa. Ian bakit ngayon pa nangyari ‘to kung kilan mahal na kita.

“Hilary? Hindi kaba kakain? Ilang araw ka nang nagkukulong diyan sa kwarto mo. Pakiusap naman, huwag mong gutumin ang sarili mo. Nag-aalala na yung nanay mo eh.” Pag-aalo ni ate Cacai mula sa labas ng kwarto ko. Wala akong balak lumabas ngayon, wala na akong ganang kumain, wala na lahat. Pagod na ako.

“Kung ayaw mong lumabas, iiwan ko na lang itong pagkain dito. Pakiusap naman Hilary, huwag mong sayangin buhay mo dahil lang sa manlolokong iyon.” Anito.

Napahiga na lang ako ulit sa kama at nagmukmok saglit. Unti-unti kong naramdaman ang maiinit na likido sa mga mata ko. Kinapa ko ang kaliwang dibdib ko. Ang sakit parin. Sumisikip ang dibdib ko, yung puso ko parang hinihiwa ng kutsilyo, ang sakit. Ian bakit ba tayo humantong sa ganito? May kulang ba sa’kin? Bakit mo ako nagawang lokohin? BAKIT???!!!

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Tang-inis naman, kung kilan tulog yung tao eh. Kinapa ko ang cellphone sa ibabaw ng study table upang tingnan ang oras.

“Alas kwarto y medya. Ang aga pa pala.”
Lumabas ako ng kwarto upang magtimpla ng gatas para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan ko. Dalawang araw na pala akong nagkulong at heto buhay pa ako, gutom nga lang.

Pagdating ko sa kusina ay agad akong nagsalin ng mainit na tubig sa tasa at naglagay ng powdered milk at hinalo iyon.

“Buti na lang hindi ko naisipang magwala, kundi puro basag at basura itong apartment ko.” Natatawa kong sambit sa sarili ko.

Madilim pa sa labas dahil sa makulimlim na kalangitan, umihip rin ang malamyos na hangin kaya naisipan kong maglakad-lakad na lamang sa labas. I didn’t even mind fixing myself up before lumabas ng apartment, nakabukas ang street lights kaya maliwanag sa dinadaanan ko. Ilang metro pa ang nilakad ko hanggang sa marating ko ang puno ng manga, doon ko naisipang huminto muna habang inuubos ang dalang gatas sa mug. Napakatahimik ng lugar, napakasarap langhapin ang pang-umagang simoy ng hangin, nakakarelax. Kung ganito lang sana palagi ay hindi ko na maiisip si Ian.

Madali lang sa’kin ang makalimot kaya lang napaka-imposible naman ng sinasabi ko.

“Bakit ba ang selfish nila?” tanong ko sa kawalan.

“Tangna, bakit baa ko nagtatanong eh wala naming sumasagot. Makauwi na nga.” Pagtalikod ko ay hindi ko inaasahang may makikita ako. Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at isa-isang pumatak ang mga luha ko.

Heto na naman ang sakit.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now