Chapter 11

63 17 0
                                    

Chapter 11

Sky POV


HINDI ko inasahan na pati sa bakasyon ko ay makikisingit pa ang trabaho ko. I wasn't busy last week pero busy naman si Hilary kaya hindi kami masyadong nagkakausap. Ayoko ring isturbuhin sa gabi dahil alam kong pagod siya sa trabaho at kailangan niyang magpahinga. I told you guys, I am a busy person and yet pagdating sa kanya I always spare a time for her. Kaya kong ipacancel ang mga appointments ko just for her and I am willing to do it. She suggested that instead of touring around Tandag City ay pupunta nalang daw kami sa VLP. We both know that we value that place too much kaya pumayag ako.

Nag text nalang ako kay Pie na hindi muna kami pupunta ng VLP High School sa ngayon dahil mas nagiging busy pa talaga ako. Mabuti at naintindihan niya iyon. Ito yata ang unang pagkakataon na inuna ko ang trabaho kaysa kanya. I hope na hindi niya iyon damdamin.

She's an understanding person I've known pero nakokonsensya ako. Pinaasa ko yung tao.

Nasa bahay lang ako habang ginagawa ang trabaho ko. In the middle of my work tumunog ang phone ko. Without looking the caller ay sinagot ko iyon.


"This is Master Mind Company how may I help you?" bati ko sa caller. Inipit ko lang ang phone gamit ang leeg at balikat habang ang kamay ay busy sa pagtitipa ng computer. I am in a middle of making codes.

"Sorry naisturbo yata kita Sky. Take your time." and she hang up. Sh*t si Hilary pala ang caller. Timang ko talaga, sagot ng sagot sa tawag hindi naman na tingin sa caller.

Tinawagan ko siya ulit at sinagot naman.

"I'm sorry about that." Paghingi ko ng dispensa. I heard her chuckle. It makes my heart beats fast. Nakakabakla man pero yun ang totoo.

"You seem so busy. Sigurado ka kayang mong magtype habang kinakausap ako?" anang kabilang linya. Nagiging baliktad talaga ngayon, last week siya ang busy, ngayon ako naman. Tadhana nga naman, mapaglaro.

"Nahh, kilala mo naman ako. I can do multitask. Haha I even cancel my appointment for you." Totoo yun.

Palagi ko siyang inuuna kasi minsan lang kung dumalaw sa bahay yan. Hindi ko din mapuntahan sa kanila kasi takot ako sa pamilya niya. Lagi nga niya akong niyaya na bumisita sa bahay at harapin ang mga magulang niya ngunit wala pa akong lakas ng loob para harapin sila at kahit magkita sa daan ay hindi ko maiwasang matakot at yumuko na lang. Ang lakas ng loob kong manligaw dati pero wala akong lakas ng loob na harapin ang parents ni Pie. Nanliit kasi ako sa sarili ko dahil wala pa akong napapatunayan sa kanila. Wala akong kahit ano na para masabi nilang safe ang future ng anak nila sa'kin, na kaya ko siyang panindigan, na kaya ko siyang buhayin.

Dati iyon kaya ngayon na may naabot na ako ay uumpisahan kong hingin ang kamay niya ulit ng pormal at may permiso mula sa parents niya. Kaya lang nag-aalangan pa ako kasi baka hindi niya na ako tanggapin ulit. Baka sanay lang siya sa ganitong set up. Sanay na siyang mag-isa at hindi na ako kakailanganin sa buhay niya. Baka hindi na niya ako gusto at kuntento na siya sa pagiging kaibigan namin.

Baka... wala na akong pag-asa sa kanya. Huwag naman sana. Kahit iyon lang ang panghahawakan ko sa ngayon. Dahil nakikita ko na kaya na niyang mag-isa.


Hilary POV

"Nahh, kilala mo naman ako. I can do multitask. I even cancel my appointment for you" I smiled hearing those words. He did it to me for a million times. Such a sweet guy.

"I'll hang up na kasi may gagawin pa ako. TYL!" I excused kahit di naman totoo. Ayaw ko lang siyang guluhin lalo't busy siya sa trabaho. Oh, how I miss those days, sarap sa pakiramdam na bumalik sa dati.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon