Chapter 24

47 16 0
                                    

Chapter 24

Sky POV

IT'S been a while since Pie left me. Nabuhay ako ng wala sa sarili. Living a happy-go-lucky guy again. Hindi ko nga natupad ang gusto niya sa'kin eh. Live my life but how can I live my life, if my life isn't here? Sa loob ng ilang buwan ay marami ang nangyari.

Natapos na ang dream project ko kung saan nag invest si Pie. Our company had raised again.

And the worst thing is, Amber keeps on pestering me. Every day, she pleaded to love her back. At araw-araw ko rin siyang pinagtatabuyan.

Kahit alam kong nakakasakit na naman ako ng damdamin ng iba pero wala akong mapagpipilian.

Isang bagay lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Maghihintay ako. Hihintayin ko siyang bumalik and that time comes I will make things right.

Sinubukan kong sundan siya after kong malaman na nandun siya sa Singapore but when I was there, she left. Hindi kami nag pang-abot. Lawrence told me that she stays 1 week in certain place and then left. Tinanong ko pa kung saan ang susunod na pupuntahan ni Hilary pero wala siyang ideya kasi akala niya sa Singapore lang ito mananatili.
Tinanong ko rin si Sacky kung may alam siya pero wala rin dahil si Miss Buneil at ang Admin lang ang nakakaalam ng trabaho ni Hilary. Hindi rin sinabi sa'kin ni Miss Buneil dahil nasa policy ng kompanya nila iyon at kasali sa penirmahang kontrata ni Hilary.

Nakailang ulit akong nagtanong sa mga ka trabaho niya kung saan siya, nagbabakasakaling may alam. Pero lahat wala, ayaw magsalita. Naisip ko nga bakit hindi ko nalang e-track kung nasan siya pero magugustuhan niya kaya iyon? Gusto niyang lumayo, mapag-isa, mag focus sa trabaho at she needs time to heal kaya pagbibigyan ko. Aasa at aasa akong babalikan niya ako. Uuwi siya sa'kin.

Titiisin ko ang sakit at pangungulila. Kahit abutin ako ng ilang taon ay matiyaga ko parin siyang hihintayin. Kahit abutin kami ng end of the world.

"Lalim ng iniisip natin ah." It's Lawrence with his laptop on his lap.
He keeps on pestering me about how I feel towards his best friend. And I answered the same, my feelings won't change and I am sure of that. Humingi na ako ng dispensa sa ginawa ko sa kanya, tinanggap naman niya ito at tinukso pa akong ambakla ko raw umiyak muntikan ko ngang masapak ulit.

"Are you sure you're willing to wait? I mean, it's been a year now." This guy is impossible. His taking my hopes away.

"Yeah. I am willing to." Depensa ko, wala na akong dahilan para sayangin ang paghihintay na iyon.

Maghihintay ako until one day she'll come back.

Door opens. It's Amber with her creepy smile.

"Hi Babe, mind to have lunch with me?" Malandi niyang saad. Umiling lang ako. Kahit na umayaw ako ay nagpupumilit parin, at saka niya ako hinila.

Tiningnan ako ni Lawrence ng makahulugan kaya nagkibit balikat nalang ako. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.

Kahit pa pauli-ulit kong pinagtatabuyan si Amber ay lalo pa siyang lumalapit at pinagpipilitan ang sarili niya sa'kin. Minsan hinayaan ko na lang dahil nakakaumay na, na para kang sirang plaka na paulit-ulit.

Sapakin niyo nga ako mga parecuy, nakakagago na itong ginagawa ko eh. Hindi na talaga tama.

Ayoko nang may masaktan pa na kahit sino kaya sisimulan ko nang itama ang mga pagkakamali ko.

I stop kaya nahila siya pahinto.

"Mind to explain me why did you do those things?" Saad ko sa malamig na boses na ikinatigil niya.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now