Chapter 28

47 13 0
                                    

Chapter 28

Hilary POV

DINALA kami ni Sky sa Enchanted kingdom dahil gusto niya raw maranasan maging bata ulit. Tinukso pa ni Blessy na hindi raw dumaan sa pagkabata ang Papa niya kasi kung makaasta raw ay parang bata.
Ay ewan puro na bata ang nasa isip ko, trip ko na siguro maging Nanay na talaga ano? Chos.

Silang dalawa ang may gustong mag EK kaya pinayagan ko na, no choice ako kaya sumama na ako, alangan namang maghintay ako sa loob ng kotse ng mag isa habang sila andito nagbabonding.

Unfair kaya iyon.

Nang makarating kami ay agad nila akong hinila papasok at bumili ng mga ticekt para makasakay sa rides. Ang anak ko, dahil sa hindi agad makapili ng gustong sakyang rides ay kumuha pa ng mapa. Sabi niya para raw kaming mag-aadventure tas siya ang tour guide. Pareho naman kaming napatawa ni Sky sa inasal ng bata.

Nagsimula na kaming maghanap ng ride na kunti lang ang tao pero wala kaming mahanap kaya nag suggest ang tour guide namin na sumakay sa carousel, tuwang-tuwa pa si Blessy kasi para raw siyang sumasakay ng pegasus, aba may alam pala ito sa mythology. Akala ko ako lang ang fan ng mga ganun. Sinabayan nalang namin ang gusto ng bata.

Nag viking pa kami, ang pinaka-ayoko sa lahat ng rides ay yung parang hinuhugot ang laman ko. I am afraid of heights, ayoko rin sa mga nakakalulang bagay kasi feeling ko mamamatay ako anytime. Pinilit pa ako ng dalawa kaya no choice. Maayos naman ang viking nung una kasi para lang kaming dinuduyan dahil medyo mahina pa ang galaw nung sinasakyan namin pero muntikan na akong mahimatay kalaunan kasi dinuduyan na kami ng malakas.

Maayos sana kung nasa gitnang parte kami pero andito kami sa pinakadulo. Tili ako ng tili, feeling ko wala na akong tiyan, at feeling ko wala na akong boses. -_-

This is not an adventure but a torture. Huhu, sino ba kasing nakaisip ng mga ganitong rides ipapa Raffy Tulfo ko talaga.

Sumunod naman na ride ay ang octopus, ferries wheel, tas yung ano ba tawag dun. Yung tower drop?

Tama ba?

Halos isuka ko na ang laman loob ko dahil sobrang nakakahilo at nakakalula. Feeling ko gutay-gutay na ang katawan ko dahil sa punyetang rides na iyon.

Yung dalawa hindi magkamayaw sa tuwa, ang sarap ngang pag-umpugin ang ulo, di bale kapag medyo malakas na ako ay saka ko sila pag-uumpugin dalawa.

Ngayon kilangan ko munang kumain para makabawi man lang sa sinuka kong laman loob, nagutom ako eh.  Nakakafeel din pala ako ng gutom ano kahit wala na akong laman loob. -_-  Huwag tularan dahil vovo ako.

Nagtungo kami sa isang food stall para kumain. Si Sky na nag-asekaso kasi nga patay na ako diba? Si Blessy kanina pa nakangiti, enjoy na enjoy talaga siya sa adventure chuchu niya.

"Ma, ayos lang po ba kayo?" Tanong niya, halata sa itsura niya na pinagtitripan niya ako.

"Ayos lang ako, hindi lang halata. Salamat pala sa adventure mong nakakamatay." Puno ng sakasmo ang boses ko at inirapan siya. Tumawa pa ang bulilit.  Aba, lakas ng trip sa buhay.

Sakto namang dumating si Sky na may dalang pagkain. Natakam na ako kaya kinuha ko ang dala niyang tray bago pa niya mailapag ang mga iyon sa mesa.

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Ilang araw ka bang hindi kumakain Pie? Ang takaw-takaw mo." Tudyo niya at tumawa. Tiningnan ko siya ng masama habang ngumunguya. Lalo pa siyang tumawa sa ginawa ko. Luhh di na effective ang mga looks ko. Pumapangit na ata ako, kilangan ko na mag make over.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now