Chapter 16

48 16 3
                                    

Chapter 16

Hilary POV

NAGPUNTA muna ako sa boutique to buy new clothes for the party. Iniwaksi ko muna ang naging tagpo namin ni Amber kahapon. Nakakawala ng mood eh.

Ngayon lang yata ako naging hands on dahil sa party na iyon. Psh anong nakain ng organizer at naisip pang magdala kami ng date. As in outsiders, pweding relatives mo, friends, parents as long as opposite gender. Masu-survive naman siguro ang party ng walang ganun. Ka ekekan lang talaga.

>>>Flashback<<<

"Hilary sabay na tayo uuwi." Alok ni Pam. One of my collegues, naging close kami since last day kasi tinulungan ko siyang gawin ang report niya, as in that day pa binigay at iyon din ang deadline. Hayon si girl na loka kaya humingi ng tulong at sakto namang wala akong ginawa nung araw na iyon.

"Okay. Nga pala may pinabigay sayo si Sacky." Wika ko at inabot ang isang folder sa kanya.

Nakita ko namang lumiwanag ang mukha niya. Bakit? May light kasi. Chos.

"Aww ang sweet." Bulong nito.
Hindi ko maiwasang hindi magtaka.

"Sis, listahan yan ng magiging task mo this month. Loka 'to."
Lalo pa siyang ngumiti at nangisay.

Hala!

"Anyare sayo babae? Hoy!" Yugyog ko sa kanya. Baka mamaya mahimatay 'to lagot pa ako.

"Wala ka na dun. Yieee!" Saad niya at umayos na. Ang weird niya pramis.

Para siyang may bulate sa tiyan na ewan.

*Bogsshh*

"Pam, pinatawag ka ni Sir Sacky dali!" Anang lalaki at nagtatalon habang nagsasalita. Isa ring weird.

Si Pam naman ay walang kung ano-anong nagtitili habang lumalabas ng office. Yung mga kasama ko lahat nakangiti. Natitimang na ata sila.

At napapaligiran ako ng mga weird na mga nilalang. Buti na lang vovo ako at hindi weird.

"Guys anong meron?" Tanong ko sa kanila, pare-pareho naman ang naging ekspresyon nila like saying -you're so clueless- look.

Bakit ba? Ano bang meron?

Dahil sa wala akong nakuhang sagot ay kinuha ko na lang folder na nasa table ni Pam at tiningnan iyon. Halos magulantang ako sa gulat nang makita na walang laman ang folder kundi isang blankong puting bondpaper. Yun lang? At kung makatili wagas?

Teka mali ata itong folder na nakuha ko.

"Dala niya yung folder. Mautak yun eh" sinyas ni Sally sa'kin.

#

Hanggang sa mag-aalas otso na ng gabi ngunit wala parin si Pam, at kanina pa ako naghihintay dito sa may lobby. Tinext ko naman pero walang reply, out of coverage din. Hayss.

First time kong maghost ng ganito.

"PIE!!"

Lingon

Lingon

Teka, hindi naman siguro multo yung tumawag sa'kin di ba?

Nagsimula na akong maglakad papalabas ng lobby dahil kinilabutan ako, wala pa namang tao.

"Hahaha!"
Hala tumatawa pa yung multo. Lalo tuloy akong natakot.
"Hey!"

"Ay gwapo ay este multo."

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now