Chapter 21

52 16 1
                                    

Chapter 21

Hilary POV

MATAPOS ang nangyari ay mas pinili kong maging tahimik muna. Inilalayo ang sarili sa taong iyon. Masyado na akong nasaktan. Kahit pa sabihin nating tanga ako, pero wala akong magagawa yun ang nararamdaman ko. Puso ko ang kalaban ko. Minsan nga natatanong ko ang sarili ko. Bakit sa kanya pa? Pwede namang sa iba nandiyan naman si Lawrence at Sacky ay bawal pala si Sacky dahil may Pam na siya, marami pa akong manliligaw sa'min tsaka may Lee Jung Suk pa ako.

Pero si Sky yun eh. Ang taong minahal ko ng sobra.
Ito na nga siguro ang magiging buhay ko.

"Are you sure of this?" Lawrence asks and his referring to those bags. I nodded.

Nandito siya sa apartment ko para daw e-check ang kalagayan ko after what happened last day. He told me about what happened between him and Sky. Hindi nga ako makapaniwala na ang isang Lawrence na tahimik, expressionless and cold ay may side na kayang kang ipagtanggol. I was blessed to have a friend like him. I don't know when we start to be friends basta one day nagising nalang akong close kami at siya ang naging takbuhan ko sa mga hinanaing ko kay Sky since they know each other.

"I don't regret of doing this." I spoke. He just smiled at me, kahit kailan ay hindi niya ako pinigilan sa kung anong gawin ko. Liban na lang kung magpapakabaliw ako at gagawa ng bagay na makakasama sa'kin tulad ng pagpapatiwakal. Charot

"Just take care out there." He pathed my head and smiled.

"Anyway, what about your investment?" He asked.

"Ipagpapatuloy ko parin since unti-unti niyo nang nabubuo ang project niyo." I said at sumandal sa sofa. But aside from that I'm planning about something.

I smirk while thinking of it.

"I have to go. Pupunta muna ako ng office to say my goodbyes." I said and stood up.

Sumunod ito at bumaba na kami sa parking lot.

Nauna na siyang umalis since maglalakad lang ako papunta sa PK.  Ang araw na ito ay isang ordinaryong araw lang para sa lahat ngunit para sa akin ay espesyal iyon. Maganda kasi ako at maganda ang panahon, maaliwalas at napakapresko ng paligid. Nakakawala ng stress.

"You're here." Pagkapasok ko palang ay sumalubong agad sa'kin ang nakangiting si Sacky.

"Iiwan na naman kita." Natatawang saad ko.

Bigla nalang niya akong niyakap. Hindi pa man nakakabawi sa gulat ay bigla na naman niyang hinalikan ang noo ko. Sacky, ano bang nagyayari sayo? Nasasapian ka ba ng kabaklaan? Hay trip talaga nila ang noo ko.
Masama ito. Baka makita pa kami ni Pam. Lagot ako.

"Alam kong palagi kang umaalis pero ito ngayon ko lang sasabihin 'to. Mag-iingat ka sa byahe mo." Medyo malungkot niyang saad. Palagi nalang kasi akong umaalis ng opisina kaya naiiwan tuloy sa kanya ang mga gawain.

Napayuko nalang ako dahil nakokonsensya ako.

"Ganito na siguro lagi." Biro pa niya. "Tsaka nabalitaan ko nga pala ang nangyari sayo dun sa party na dinaluhan mo." Wika niya kaya't napakunot noo ako. Tiningnan ko siya ng makahulugan.

"Bali-balita kasi ngayon ang issue tungkol kay Amber Laurente. Yung anak ng isang mayamang negosyante. Napakalaking issue sa pamilya niya dahil sa paghindi nito sa nasabing marriage arrangement at pagpapakilala sa publiko ng boyfriend niyang si Ybañez." Mahabang sagot niya.

Ngunit bakit si Sky pa? Pwede namang iba hindi ba? Marami namang iba diyan na pwedeng maging rebound niya, or boyfriend for hire, hindi iyong si Sky ko. Kahit, anong pilit kong intindi ay hindi ko talaga matanggap ang nangyari.
Nasasaktan ako.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now