Chapter 2

185 23 8
                                    

Chapter 2

Hilary POV

DAYS had past pero hindi ko pa siya nakikita. Wala rin akong planong puntahan sa bahay nila, wow, ako na nga niloko ako pa manuyo. Di joke lang.

Magmumuk-mok pa sana ako kaya lang naalala kong may OJT pa pala ako. Kaya no choice kundi ang pumasok kahit na nagmukha akong zombie dahil sa puffy eyes. Sino bang hindi eh halos gabi-gabi akong naiiyak, tangna naman kasi talaga.

Pauwi na ako galing trabaho nang makasalubong ko siya and guess who's with him? Yung babae lang naman sa bar.

Heto na naman ang mga memories, nagsisiunahan na sa utak ko, bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Nasasaktan parin ako.

Bakit ba nila ako pinapahirapan ng ganito?

Lalagpasan ko sana nang tawagin niya ako.

"Hilary." Tawag niya. I remain silent as I face them, no emotions to be seen. Hindi naman ako galit or nagseselos. Ngunit hindi ko rin maikakailang may kunting hinanakit paring natitira sa puso ko. Nasaktan ako eh.

"Y-yes?" my voice is almost broke but I manage to hide it. Kunting tiis pa Hilary, ipakita mo na hindi ka affected. Tinitigan ko ng mabuti ang mga mata niya, ngunit wala akong nakitang kahit kunting emosyon. Lalo akong nasaktan.

"Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang? Kung okay lang sayo." napabuntong hinga ako at marahang tumango bilang tugon sa kanya.

Wala namang mawawala kung pag-uusapan namin ng maayos 'to, eto naman ang gusto ko. Lilinawin ang lahat, sabihin ang gusto kong sabihin.

Gusto ko siyang murahin dahil sobrang sakit ng ginawa niya. Gusto kong iparamdam sa kanya yung sakit na nararamdaman ko.

"Crystal, mauna kanang umuwi. Mag-uusap lang kami." Mahinahon niyang sambit sa kasama niya. Tumango naman ito at nagsimulang maglakad palayo sa kinatatayuan namin.

Tinitigan ko ng mabuti ang babae. She's familiar. Maybe I've seen her somewhere.

Wait!! Naalala ko na!

Napamulagat ako ng mapagtantong si Crystal nga talaga ang kaharap ko. Ang laki kong tanga! Bakit ngayon ko lang naalala ang babaeng ito. Siya yung ex ni Ian.

Accckkk!!

Naglakad-lakad lang muna kami hanggang marating namin ang isang bakanteng lote. Walang masyadong dumadaan sa bahaging ito kaya tahimik ang paligid.

Tahimik lang kami, walang gustong magsalita, panay ang buntong hinga. Ganito ba talaga yung feeling na natatameme nalang bigla kahit yung utak mo ay parang sasabog sa dami ng iniisip at tanong pero hindi mo magawang itanong dahil yung bibig mo parang may sariling utak at ayaw bumuka man lang.

Hindi na ako mapakali and there is an urge na magsalita kaya gagawin ko na. This is all I want.

"Sana man lang sinabi mo na ganito pala yung magiging ending natin. Sana man lang sinabi mo na 'lot, andito na si Crystal yung first love ko'...." hindi pa man natatapos yung letanya ko pero nag uunahan na yung luha ko sa pag-agos.
He looks at me seriously and said...
"Sorry"

I'm not that surprise or whatever, but one thing in my mind... I'm happy for him, for both of them. Yes, but I'm dying inside it feels like my heart breaks into pieces and scattered. Parang baliw din eh, masaya ako para sa kanila pero heto ako at nasasaktan at umiiyak ulit.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Gusto ko siyang sumbatan kung bakit niya ako nagawang lokohin, kung bakit ganun lang kadali para sa kanya ang ipagpalit ako, kung bakit kailangan sa ganito humantong ang lahat. Ngunit mas pinili ko na lamang ang itikom ang bibig at hayaang umagos ang mga luha ko. I'd never wish this day would come, I'd never wish to have this heartache.

I'd never wish to be dump again.

"Thank you for being there for me when I needed someone." usal nito. Tangna, pakiramdam ko para akong panakip butas sa mga pagkukulang niya.
Ang sakit pala ano? Tatlong taon kaming nagkasama then one day magigising  na lang ako na panaginip lang pala ang lahat.

He caressed my back gently na lalong nagpa iyak sa'kin. I probably miss him so much, his presence, his smile, his care, love and all. Pwede bang maging ambisyosa kahit ngayon lang? Pwede akin muna siya ulit kahit ngayon lang, hindi ko kasi kaya na mag-isa lalo't nasa ganitong sitwasyon pa ako. Pwede naman siguro yun diba? Kahit magiging panyo ko lang habang umiiyak ako.

"I have to go." Paalam ko. Ayoko nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko, ayokong maging selfih ulit dahil kahit pa ipilit ko ang sarili ko'y hindi na kami magiging masaya. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanya kaya lang ang mga paa ko'y parang may sariling utak na imbes na humakbang palayo ay lumiko ito papunta kay Ian.

Mahigpit ko siyang niyakap as if this would be the last time na gagawin ko ito. Kung kilan ibibigay ko na ang puso ko sa kanya ng buo ay saka pa ito nangyari.

Pinaglalaruan yata ako ng tadhana.
Tama na Hilary, sinasaktan mo lang ang sarili mo.

"Palayain mo na ako Hilary, I don't deserve your love. May iba diyan na kaya kang mahalin ng higit pa kaysa sa akin. Sorry kung sa relasyon natin, ikaw ang nagbubuhat, ang totoo niyan, may agam-agam ako na baka hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. I love you Hilary, paalam." Wika niya gamit ang malalim na tono.

Lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Hindi! Ayokong palayain siya, hindi ko kaya.

"You deserve someone better Hilary." Aniya at kumalas sa yakap.

Wala akong nagawa kundi ang panuorin siya na unti-unting lumalayo sa akin. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga masasaganang luha, nanginginig ang mga balikat ko dahil sa pag-iyak, nanlambot ng mga tuhod ko dahilan upang mapaluhod na lamang sa mainit na semento ng kalyeng kinatatayuan ko. Ang sakit!
Pakiusap tama na! sobrang sakit na!

Nanatili muna ako roon upang mahimasmasan ng kunti, dahil ayokong umuwi ng ganito, baka mag-alala sila at baka ay malaman pa nila ang nagyari sa'kin.

May dahilan siguro bakit ito nangyari sa'kin. Siguro sila talaga ni Ian at Crystal ang tinadhana at hindi kami, pero bakit kilangan ko pa siyang makikalala kung hindi naman pala kami para sa isa't isa?

It seems like history repeats itself. Way back in my Highschool life naranasan ko na rin ang ganitong break up in my first boyfriend. Though it's not a bad break up pero masakit parin dahil yun nga, I respect his decision even it hurts so much. Even if the pain is killing me inside.

I hope that mahanap niya ang tunay na happiness kay Crystal.


Napatingin ako sa relos ko, kilangan ko na palang umuwi dahil baka hinahanap na ako. Pinagpagan ko muna ang sarili ko bago humakbang paalis doon. Napakatihimik ng paligid at napakalamyos ng hangin ang dumampi sa balat ko, napasarap langhapin. Sa hindi malamang dahilan ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Yung puso ko ay unti-unti nang kumakalma. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Heto ba ang tinatawag nilang closure na after niyong mag-usap upang linawin ang lahat ay ganito ang mararamdaman mo?
Bakit ang sarap sa pakiramdam. Parang kanina lang ay ang bigat ng dinadala ko.

Move on state na siguro ako. Handa na akong kalimutan siya.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now