Chapter 35

44 13 4
                                    

Chapter 35

Hilary POV

KAKA-DISCHARGE ko palang kaninang umaga at heto ako ngayon nagpapahinga. Maayos naman ang kalagayan ko, hindi na masyadong kumikirot ang ulo ko. Gezz sa lahat ba ng pwedeng ma damage eh ito pang best asset ko. And yeah, I still undergo massage therapy pero nakakalakad na naman na ako dahil sa mga masahe ng pagmamahal ng pamilya ko. Mabilis akong naka recover kaya pwede na akong makipaghabulan ulit. Charot. I'm still in a wheelchair, nakakalakad naman pero kailangan ng support.

Mag-isa lang ako dito sa kwarto. Siguro ay nandoon sila sa baba ngunit kahit na ganun ay feeling ko mag-isa parin ako. Hindi rin nagparamdam si Sky mula kanina.

>>>Flashback<<<

Nandito kami sa kwarto ngayon. He's preparing my breakfast in bed. Gezz ginawa pa akong baldado but imbes na magproptesta ay hinayaan ko nang alagaan niya ako. I love this side of him. Maalaga, hands on, pero overprotective.

"Pie, ano pa bang bagay na gusto mong mangyari aside sa travel around the world, magkaroon ng masayang pamilya and work of course?" Tanong niya habang sumampa sa kama. At ako nama'y kumakain ng niluto niya. Gezz he is such a good cook.

Napaisip naman ako sa tanong niya.

"Hindi ko gets."

Umayos ito ng upo at nagsalita.

"I mean, yung mga bagay na gusto mong ginagawa ng boyfriend mo. Yung something na nagpapakilig sayo." He explained. Nag isip ulit ako. Kahit alam kong wala akong utak ay nag-isip parin ako.

"Yung ideal guy parang ganun?" Kunot noo kong tanong. Tumango naman siya.

"Let's put this simple. God fearing, trustworthy, maalaga..." he cut my words.

"It's not that. I mean yung mga bagay na hindi mo pa nararanasan sa'kin or yung mga bagay na gusto mong maranasan ulit."  Inis niyang sambit.
Nagpout na lang ako. Aish ang gulo niya kausap.

"If you love me then do it on your own way. Hindi yung tinatanong mo pa sa'kin kung anong gusto at ayaw ko. Gezz. You should know me first. Aigoo.!" Singhal ko sa kanya.

How could he ask those? Dapat alam na niya iyon.

Well, sa tinagal-tagal ba ng panahong hindi kami magkasama maybe he thinks that I change my standard. Kakatampo. Ang malala pa doon ay hindi niya ako binati.
It's my birthday. Hindi niya dapat kinakalimutan iyon. Kakaasar.

>>>Flasback ends<<<

Good thing ginawa muna naming infirmary ang isang guest room dito sa baba kung saan ang namamalagi, lumabas muna ako para uminom ng tubig, hirap pa akong  naglakad dahil hindi maigalaw ng maayos ang mga paa ko. Napansin kong busy ang mga tao sa bahay.  Ang lakad nila ay paroo't parito.

"Ahm Ma, saan po kayo?" Tanong ko kay Mama habang busy sa cell phone nito palabas ng main door.

She just smiled and left. Napatanga ako.

Really? Mudang really ignores me? What the fish?

"Joy nasan si Blessy?" Tanong ko sa kapatid ko may dalang isang box mula sa taas.

"Nasa school." Maikli nitong sagot at nilagpasan ako.

Mukhang busy talaga eh.

Hinanap ng mata ko si Papa at ayun siya sa garden.

"Pa!" Tawag ko sa kanya pero agad siyang humarang sa daraanan.

"Sorry nak, ako muna ang magmamay-ari ng garden mo. You are not allowed to enter." Tinutulak niya pa ako pabalik sa loob at pinagsarhan ng pinto.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now