Chapter 25

50 14 2
                                    

Chapter 25

Hilary POV

KAKALAPAG palang ng airplane na sinasakyan namin ay parang hindi mapakali ang puso ko. May halong saya, excitement, kaba at kung anu-ano pang pakiramdam, lalo na nung bumaba na kami. Para akong naiihi na natataeng ewan.

"Mama is that Tito Lawrence?" Turo ni Blessy sa isang lalaking nakatayo at nakasuot ng plain black t-shirt, basta all black from head to toe with shades pa. Nahipan na naman siguro ng masamang hangin. Para namang galing siya sa lamay eh.

"Yes baby. Tara." Tumakbo na kami papunta sa waiting area kung saan maraming naghihintay na taga sundo.

"TITO LAWRENCE!!!" Tawag ni Blessy kumakaway pa ito at sa lakas ng boses ay lumingon siya gawi namin. Aish ang ingay na bata.

"Hey there little Blessing." Kumaway ito pabalik at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Nahuhuli ako sa paglalakad dahil hila-hila ko ang dalawang malita.

"Tito naman eh, Blessy po name ko at hindi blessing!" Pagtatama nito. Natawa nalang si Lawrence sa inasta ng bata.

"Kamusta ang trip natin?" Salubong niya at kinuha ang mga dala ko.

"Maayos naman. Kayo kamusta?"
Naglakad kami papuntang parking lot.

"Okay naman si Sky. Masyado nang cold. Sarap ngang hambalusin ng thremos eh." Busangot niyang saad. Napailing nalang ako sa sinagot nito. Anlayo eh.

"I'm sure he wouldn't let you do that haha." Tukso ko.

Dumaan muna kami sa fastfood chain para kumain.

"Blessing anong gusto mo?" Tanong nito habang tumitingin sa menu na nasa itaas. Kunway nag-isip ang bata bago sumagot.

"I want my mama happy again with Papa Sky. Hehehe." May halong pilya nitong sagot at bumelat kay Lawrence.

"Ewan ko sayong bata ka." Ismid ni Lawrence at naunang pumila sa counter. Nagkibit balikat lang ako at naghanap ng hindi masyadong matao na espasyo.

"Why did you answer your tito like that?"

"Because he asks." Sagot nito at ngumuso. Napatampal na lang ako sa noo. Tama nga naman, ang vovong Lawrence kasi hindi ini-specific ang tanong. Buti nga. Atalino abata eri.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ito dala ang inorder niyang pagkain. Natakam naman ang bata kaya agad na sinunggaban ang fried chicken sa harap niya.

Nagkwentuhan lang muna at napagdesisyunang umuwi na.

Sinabi niya rin sa'kin na nakita niya si Amber kanina doon sa fast-food chain. He's worried baka raw ay sabihin ni Amber kay Sky ang nakita nito.

Natawa na lang nang maisip iyon.

"Come on. You think na sasabihin ni Amber yun? I'm pretty sure she wouldn't." I said confidently. Hindi niya hahayaang magkita kami ni Sky but I have a plan.

"Mama do you have a secret?" Napalingon kaming pareho ni Lawrence sa backseat. Pero nagbawi ito ng tingin at nag focus sa pagmamaneho. Mukhang kakagising pa ni Blessy at nagpupungas ng mata.

"None baby. It's an adult thing kaya hindi mo maiintindihan." I spoke. She looks convince at tumango pa ito. Bumalik siya sa pagkakahiga at natulog.

Wala naman akong sekreto at hindi ko kailangan magsekreto. I hate lies and I hate liars because I believe I am pretty and vovo and I thank you.
Kaway
Kaway

Katahimikan ang namayani sa amin sa loob ng ilang minuto. Rinig na rinig ko ang panay na pagbuntong hinga ng katabi ko.
Is something bothering him? May problema ba siya?

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now