Chapter 12

51 17 0
                                    

Chapter 12

Hilary POV

IT’S good to be with him again. Walang asaran, walang siraan ng feeling, hindi inaalala ang masasakit na yugto ng aming kahapon. Yung parang kami parin.

"It's good be like this again Pie. Pero alam mo iyon mas masaya sana kung totoo." Malungkot niyang saad. Nanghihinayang din ako kasi alam naming hanggang dito na lang talaga kami.

After naming magroad trip ay dumiretso kami sa burol na ito. Sightseeing ng sunset. This is my first time in this place kaya masasabi kong maganda ang lugar na ito para mag camping. Sa mga mahilig mag adventure diyan, perfect place ito para mag camping. Charing haha.

"Ang serious mo. Huwag ka nga. Tsaka alam naman natin na hanggang dito nalang talaga tayo hindi ba? Wala eh. Past is past." Wika ko at ngumiti.

Siguro sign na talaga na ihihinto ko na ang muling pagbubukas ng puso ko para magmahal ulit. Hayss.

"Tara, iuuwi na kita." Agad niya aking hinila patayo, napalingon naman ako sa senet-up niyang tent.

"Eh paano ang tent. Nag effort ka pang dalahin at iset up iyan tas hindi mo naman gagamitin." Saad ko. Ngumiti lang ito at umiling. Eh? Natatanga na naman ang isang ito. Tss. Pinulot niya ang jacket niya at isinuot iyon sa'kin.


"Hayaan mo na yan diyan. Kilangan niya ng space eh." Biro niya. Akma siyang lalakad ngunit pinigilan ko siya. Tiningnan niya ako ng makahulugan. Ngumiti lang ako. This is what he wants naman eh kaya sige kahit ngayon lang. Promise hindi na ako uulit at kung uulit man ako iyon ay sa tamang panahon na.

"Naka set up na eh. Edi gamitin. Sinabi mo naman noon na gusto mong mag set up ng tent kasama ako. So ito na yun." Wika ko at hinila siya pabalik at pinaupo, gusto niya ‘to kaya I wanted to give this to him. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Ang ganda niya." Sambit ko at ngumiti.

"Tama ka. Ang ganda nga niya." Wika nito kaya napalingon ako sa gawi niya. He was looking at me at agad na binawi ang tingin niya. Napailing na lang ako.

"Y-yung sunset ang ganda." He stutters. Tumawa ako ng malakas. Ang cute niya hahaha.

Ngunit sa kaibuturan ng buto ko gusto ko nang mamatay sa kilig, malaking bagay na para sakin ang sabihan akong maganda. Chos.

Urghh ano ba kasing pumasok sa isip ko at nasabi ko iyon. Tsk. Ayos na sana yung uuwi na ako eh, hindi yung ganito. Akala ko kasi hindi niya seseryosohin yung sinabi ko. Tsk. Vovo talaga tayo selp eh. Lalo mo pang pinapahirapan ang sarili mo. Hindi yung na stock ka sa pagtatago ng feelings mo, yung tinitiis mo ang awkwardness.

Isang katahimikan ang namayani ng ilang minuto sa pagitan namin. Wala na ang araw, binalot na ng dilim ang buong paligid, sumasakit na ang pwet ko kakaupo sa damuhan. Nanatili lamang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa langit na unti-unting pinupuno ng mga bituin. Perfect timing mag star gazing. Napansin kong tumayo siya at nagtungo sa loob ng tent. Mayamaya pa ay lumabas na ito dala ang isang basket.

Eh? Saan galing yun? Wala naman akong dalang basket kanina ah. Tanging lalagyan ng tent lang. Di kaya may secret pocket ang tent niya at doon nikagay ang basket? Yung parang pocket ni Doraemon?
Inabot niya ito sa'kin kaya sinilip ko ang laman. Natakam ako haha.

"How did you bring it here? I mean wala akong nakitang basket kanina nung dumating tayo dito." Tumawa naman ang loko. Timang talaga ito eh, nagtatanong ng matino yung tao tas tatawanan niya lang? Jombagin kita diyan eh.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now