Chapter 19

55 17 6
                                    

Chapter 19

Hilary POV

NATATAKOT na akong magmahal ulit, natatakot akong masaktan ulit.

Ganun na nga siguro ang buhay ko, magiging maswerte sa career pero hindi sa lovelife.

For the second time mawawala na naman si Sky sa buhay ko.

Si Sky na laging nandyan sa tabi ko, si Sky na hindi ako pinagtatabuyan palayo, si Sky na kilala ako at tanggap kung sino ako.

Si Sky na minahal ko ng paulit-ulit. Na kahit pinaghiwalay kami ng tadhana ay andito parin siya sa puso ko.

'No one can replace you in my heart'

Those words I hold on to. Those memories I treasure so much. Those moments we share, laughter and tears. All of that suddenly flush in my head.

>>>Flashback<<<

"I love you Sky."

"I love you too Pie."

"Sky I have something for you. Hehe ako mismo gumawa niyan." Wika ko at inabot sa kanya ang isang personalized envelop. Nakapaloob doon ang letter na sinulat ko kagabi.

"I made this for you too. Itago mo yan ah, diyan ko kasi isusulat ang 101 reasons why I love you." Iyon ang scrapbook na ginawa mo at nilagay doon ang mga litrato natin.

"Happy 1st anniversary Pie, sorry yan lang maibigay ko sayo, wala pa kasing budget eh. Hayaan mo next time bouquet naman."

"Ayos lang, basta nakasama kita ngayon. Happy 1st anniversary din. Salamat sa rose hehe. Napitas tuloy dahil sa'kin."

"Ang lungkot ng boyfriend ko. May problema ba?"

"Eh kasi sa bahay, lahat ng nakikita nila puro mali, ewan ko ba sa kanila. Kapag gagawa tayo ng mabuting bagay hindi naman naappreciate. Nakakadismaya lang kasi ako palagi ang mali." Maluha, luha niyang saad.

"Ganyan din naman sila sa'kin eh. Pero hayaan mo, as long as alam natin kung ano talaga ang tama ay walang dahilan para magpaepkto sa sasabihin nila. Huwag ng umiyak okay? Andito ako palagi sa tabi mo."

"Merry Christmas Pie." Bati mo at inabot sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng teddy bear.
At binigay ko naman sa iyo ang regalo ko. Teddy bear din kaya lang maliit ito kaysa sa binigay mo.

Pinangalanan pa nating baby Sky ang malaki at baby pie naman ang maliit. Ginawa ko pang mga anak natin.

Tuwing gabi ay kausap ko si baby sky, nagiging sumbungan ko sa mga nararamdaman ko at maging panyo at sandigan ko sa tuwing umiiyak ko.

Kinakausap siya na para bang naiintindihan niya ako at ang sitwasyon ko.

"Happy 2nd anniversary Pie." Bati mo habang hawak-hawak ang banner at isang bouquet ng red roses. Dinamay pa niya ang mga grade 7 students sa pagbibigay ng mga roses.

Hindi mo nga binigo ang pangako mo na bibigyan ako ng isang pumpon ng rosas.

"Happy 3rd anniversary Pie."  Imbes na bulaklak ay relos ang binigay mo sa'kin. Pinapahiwatig nito na kahit malayo tayo sa isa't isa ay hindi dapat tayo mawalan ng oras para sa isa't isa.

Ngunit anong nangyari?

Pagkagaling ko ng Siargao Island ay sinalubong mo ako ng break up.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Why do we have to end like this?"

>>>Flashback ends<<<

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now