Chapter 4

115 22 3
                                    

Chapter 4

Hilary POV

NASA kalagitnaan ako ng pag-iisip ng tumunog ang phone ko. It’s a call from my mother.

“Ma, guess what?” Bungad ko. Nandito ako sa rooftop dahil gusto ko lang magpahangin at magmuni-muni. Nakahiga ako sa lapag habang tinitingnan ang mga bituin. They’re shinning like glitters. This is so relaxing. Gawain ko na talaga ang mag star gazing and I really love to do that. Because everytime I look up the sky it reminds me of hope. Today has gone and another day has yet to come. Handa akong harapin ang bukas na iyon nag buong buo.

“Anong guess what?” Ay ang slow ni Mudang.

“Natanggap ako sa trabaho ko. Isn’t that amazing?” Masigla kong saad. I heard her chuckle.

“Sabi na ehh, congrats nak. Oh! kamusta ang tinutuluyan mo?"
Patay ako neto. Tsk tsk.

"Ma, nagparenovate po ako ng kwarto. Bumili po ako ng mga bagong gamit from sala, kusina kwarto at banyo. Huhuhu muntikan ko na pong maubos yung pera sa credit card ko." I clinch my teeth cross finger. Yung credit card na iyon ang regalo ng buong pamilya sa'kin nung graduation ko. Tapos inubos ko lang sa mga gamit. Huhu mader sorry.

I am expecting na papagalitan niya ako because of what I did.
But.

"Ano kaba, mas mabuti nga yun para may maayos kang bahay at buhay diyan. Wag kang mag-alala bukas na bukas din magpapadala ako ng pera para may gagamitin ka. Tsaka wag mong kalimutan mag deposit dyan sa savings mo." Awww my mother is so sweet, caring and toughtful.

"I love you Ma. I promise babayaran ko po lahat ng sakripisyo mo for us." I swear from my heart.

"Ang drama mo babae ka. Sige na magpahinga kana diyan. Magpa party muna kami rito dahil natanggap ka sa trabaho. God bless nak. Bye love you too." My mom is unfair. Waahhh. Ako yung nataggap sa trabaho pero ako yung pinapatulog habang sila nagpaparty. Kaasar.

Pero ayos lang, masaya ako dahil masaya sila. See? Ganun ko kamahal ang mga taong nasa paligid ko.

Mahalaga sa'kin ang nakikita silang masaya at maayos. It makes my heart fall into content and peace.

Pinagpatuloy ko lang ang mag star gazing hanggang sa dalawin ako ng antok.

'Hmmf ano kaya ang magandang kainin ngayon?' tanong ko sa sarili ko. Fried egg, hotdog and bread with milk. Para naman akong bata nito.

"MAGANDANG MORNING!!!" Umagang umaga nambubulahaw ang boses ni Cacai.

"Akira! Gising na may pasok kapa. Nanay Siling may new mission tayo ngayon." Para siyang walking alarm clock, papasok kada kwarto at iisturbuhin ang matahimik mong buhay. Okay lang sana kung mahina lang boses niya, eh mukhang nakalunok ng mic sa lakas ng boses.

"Pwede bang dito kami kumain?" Todo ngising tanong ni Akira sa bukana ng pinto ng kwarto ko. Nasa likod naman niya si Nanay at Ate Cacai na may dalang kanin at ulam.

"Tara, tamang tama at mag-aagahan na ako." Aya ko sa kanila at nagsipwesto sa hapag kainan. Feel at home lang.

"Hoy Hilary! Anong ulam mo?" Hindi na ako nakatiis at sinubo ako buong hotdog sa bibig niya.


"Natakam ako sa niluto mong hotdog ehh, may cheese kasi." Nanunudyong biro ni ate Cacai. Umirap nalang ako bago naglakad pabalik ng kusina.

"Nga pala, kamusta ang interview kahapon?" Singit ni Nanay. Ngumiti ako bago nagsalita.

"Natanggap po ako sa trabaho. Nagyon na nga po ang first day ko eh." Lahat sila nagpalakpakan.

"Nay dapat sana kahapon mo pa tinanong yun! Mag secelebrate sana tayo. Di bale babawi tayo mamaya." Natatawang saad ni Akira. Ang agahan namin na puno ng ingay dahil mga pinagdadaldal ni ate Cacai.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now