Chapter 17

48 16 2
                                    

Chapter 17

Hilary POV

TININGNAN ko ng pulang marka ang pitsa 22 sa kalendaryo. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nagtungo sa banyo. Ngayon na pala ang year end party namin. Naligo lang muna ako at nagbihis ng pambahay. Mamaya pa namanng hapon ang party kaya hihilata muna ako sa kwarto maghapon.

Wala naman akong gagawin kaya magbe-beauty rest ako para fresh ako mamaya. Nagtext sa'kin si Sky kanina, sabay daw kaming pupunta sa venue. Napangiti ako kasi akala ko hindi niya naalala yung request ko. Maski papaano ay naibsan ang inis ko sa kanya after nung sale party ng PK nung isang gabi.

Hindi na kasi yun nagte-text, tumawag or mag chat. Alam kong hindi niya nakahiligang gumamit ng phone kapag oras ng trabaho pero sana inisip niya man lang ang mararamdaman ko.

Pero bakit nga ba? Eh wala naman akong karapatan para gawin iyon at hindi niya ako priority. Kaya tigil muna tayo selp. Maghunos dili ka selp, huwag kang marupok baka masaktan kana naman.

Dahil ang sarap ng tulog ko, hindi ko namalayan na maggagabi na pala kaya heto ako ngayon, hindi magkanda-ugaga sa ginagawa.

Alas sais na ng gabi, abala ako sa pag-aayos ng sarili ko.

My phone rung.

"Sky." Bungad ko. Narinig ko pa ang ingay ng makina ng sasakyan. Saan naman ang lakad ng isang 'to?

"Susunduin nalang kita sa apartment mo. On the way na ako." saad ng kabilang linya.

"Hintayin mo nalang ako sa baba, mag-aayos lang ako saglit." Saka pinatay ko ang tawag. Naka pony tail ang kulot kong buhok at may nakalugay na kunting bangs sa gilid. Ay sorry wala pala akong bangs, kulot lang pala haha -_-

I put slight make up. Hindi naman kasi ako marunong maglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha.

Ako lang ata itong babaeng walang alam tungkol sa make up -__-.

Bumaba na ako ng building at dumiritso sa parking lot. Binabati naman ako ng mga nadadaanan ko, kesyo ang ganda ko raw, mas maganda pa sa pasko. Chos. Bigyan ko sila barya eh, kaso wala akong dalang coins.

Sosyalan tayo ngayon kaya wala akong dalang cash kundi purse lang at cellphone haha. Malayo palang ay nakita ko na kaagad si Sky na matiyagang naghihintay habang nakasandal sa kotse. He's wearing tuxedo with sky blue long sleeve polo shirt, gray necktie paired with black slacks and black shoes.

He is perfectly elegant.

"Let's go." Aya ko sa kanya. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng passenger seat ay naunahan na niya ako at masuyong pinagbuksan. Gentlemen lang ang peg? Aba dagdag pogi points ang isang ito.

Sige pagbigyan natin mga parecuy, crash out muna yung tampo natin sa kanya.

Maiba lang ako. Wala ba siyang napapansin sa'kin? Kahit sa istura ko man lang? Nag-ayos ako para sa kanya tapos hindi man lang ma-appreciate? Shakit sa bangs!

Kahit gustong-gusto kong magtanong kung maganda ba ang ayos ko tonight ay hindi ko nalang ginawa baka sabigin niyang kahit anong ayos ko mukha parin akong paa. Buti nga yung paa maputi pa. Kaya tahimik na lang ako at pinikit ang mga mata. Ramdam kong may mga matang nakatitig sa'kin.

"Eyes on the road." I said without looking at him. Naiinis parin kasi ako.


Narating namin ang venue. Marami na ring tao at mukhang magsisimula na ito. Sabi na eh, late na ako. Iginiya niya ako papasok at lumapit sa table ni Sacky.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon