Chapter 5

101 20 0
                                    

Chapter 5

Hilary POV

ON the other day as usual nakaharap lang ako sa monitor habang nagbabasa ng article tungkol sa PK. Kailangan daw sabi ni Miss Tap---Buniel para alam namin kung ano ang PK.

Si Sacky, ayun himala at natahimik sa isang tabi. Siguro dahil sa nangyari sa kanya kahapon. Kawawa naman siya, ang daldal kasi ayan pinagalitan. Kabago-bago pa raw sa trabaho at nagpapakitang gilas na, it's really hurt talaga ano? Mabuti na lang at hindi ako nadamay. Slight lang hehe.

“Hilary Delos Santos.” Tawag ni Miss Buniel sa pangalan ko, agad akong tumalima at pumunta sa desk niya.

Inutusan niya akong ibalik ang libro sa isang malapit na library na katabi lamang ng building na ito. Tumango naman ako at dinala ang mga iyon. Dumaan muna ako sa office naming upang kunin ang bag ko. Naabotan ko pang busy si Sacky sa kanyang monitor.

“Psst!” pasimple kong kinuha ang atensyon niya.

"Aalis muna ako. Ikaw muna bahala dito." Paalam ko sa kanya bago lumabas ng office. Tumango ito at binalik ang atensyon sa monitor.

Hindi naman ako nagtagal sa pagsauli ng mga libro kaya dumaan muna ako sa isang book shelves at namili ng mga wattpad books na bagong release. Ilang minuto rin akong nanatili ron, nagbabasa ng mga libro malamang. Nakakailang palit na ako ng libro ngunit wala akong natitipuhan.

Habang binabalik sa isang shelf ang librong binabasa ko may isang libro na kumuha ng atensyon ko. Walang pagdadalawang isip na kinuha ko iyon. Pamilyar kasi sa akin.
But.

"Miss, ako ang unang nakakita. Sorry." Anang lalaki habang hawak ang ibabang bahagi ng libro habang hawak ko ang itaas nito. Nakakainis ang boses niya. Ewan ko ba kung bakit. Pangit siguro nitong si kuya.

"I'm sorry but I saw this first." Mataray kong saad nang hindi tinitingnan ang kausap. Wag siyang feeling, hindi kami close.

"I said I saw this first. I saw you first." He said in manly voice that seems so familiar.

I looked up on him.
Napatitig lamang ako sa taong kaharap ko ngayon. Pinagmamasdang mabuti ang istura niya.

From his hair.

His coffee brown yes.

His pointed nose.

His lips.

The shape of his face.

"SKY?" Bulalas ko biglang pumitik ang puso ko. Napakurap pa ako ng ilang beses.
"Why are you here?" Naguguluhan kong tanong nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Yung puso ko talaga bakit biglaang pumitik. May sakit na siguro ako sa puso. Kilangan na ng check-up. Masama ito.

"Andito ako para sa business ko." Nakangiti nitong saad.

"Business?" Bulalas kong muli. This is a shit malo-malo. Pinag-aralan kong muli ang itsura niya, wee? Di nga?

"Yeah, business. Naitayo na namin ang matagal na naming pinagplanohang business. Remember the Master Mind?" Todo ngiti pa ito at pilit na inaagaw sa akin ang libro na hindi ko naman mabitawan.
I remember the word Master Mind, palagi iyong pinag-uusapan sa buong campus. Sila pala ang bumuo nun, tsaka naalala ko yung laptop ko may sticker rin na master Mind. Sa kanila pala galing yun kasi minsan na niyang hiniram yung laptop ko nung 1st year college pa kami at until now buhay pa laptop ko. Ang echus, natupad pala iyon?

"Congrats, natupad mo na rin ang matagal mo nang pinapangarap." Nakagiti kong saad at ibinalik ko sa shelf ang pinag aagawan naming libro kanina.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now