Chapter 37

74 14 2
                                    

Chapter 37

Hilary POV

DAYS HAD PASSED. All of us is busy preparing for the wedding. Everyone is excited habang ako ay kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang kaba na nararamdaman ko. Hindi katulad ng kaba na nakagawa ka ng mali.

Tama ba ang term ko? Kaba ba ang tawag dun? Or maybe excited lang din ako.

"You're spacing out." Sky snap beside me. We currently doing a prenup in the garden.

"May iniisip lang ako." Bulong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at mahina itong pinisil.

"Everything will be fine so don't worry be happy." Kinanta pa nito ang huling kataga kaya natawa na lang ako.

"Okay good shot!" The photographer exclaimed.

"Ngumiti ka lang lalo kang gumaganda."

"Nambola pa eh. Gezz. Oo na. Gwapo ka rin." I said sarcastically and rolled my eyes on him.
Napaigtad ako ng kilitiin ang tagiliran ko.

"Don't you dare!" Pinanlilisikan ko ito ng mata pero imbes na matakot ay tumawa pa. He tickles me again. He keeps on ticking my waist.

"Stop! Okay. Just stop doing that!" I laugh as hard stopping him from poking me. Sa lahat ng pinakaayaw ko ay iyong kinikiliti ang tagiliran ko. But when he does it, hindi ko mapigilang matawa instead na magalit. Iba talaga tama niya sa'kin eh.

"They're such a good couple. Nakakainggit."

I heard someone murmured. I smiled at her. She's one of the staff in doing my make up a while ago.

Buong araw puro photoshoot lamang ang ginawa namin. Ayaw paawat nitong isa eh. Lubus-lubusin na raw dahil once in a lifetime lang ikasal kaya pinabigyan ko na. Gusto ko rin ang idea niya eh. Who can't say no to capture every sweet moment with your lover di ba? Kung tutuusin nga gusto kong ayaw nang matapos ang panahon, patigilin ang oras to make us stay forever like this.

"Matanong nga kita, ever since hindi ka nagselos sa mga naging kaibigan ko lalo't karamihan sa kanila ay lalaki?" Pansin ko. Nasa terrace kami at nagpapahinga. Mahina itong tumawa at tumingala sa langit. Gaya ng nakasanayan. Star gazing. Ang daming stars pero walang shooting star.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Well, oo nagseselos ako, lalo na kay Lawrence at Sacky na iyon. Mahal kita kaya hindi ko maiwasang magselos. But I trust you. Ikaw?" Tumingin ito sa gawi ko kaya napatingin ako sa kanya pabalik at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Natural lang magselos dahil mahal natin ang isa't isa. At oo nagseselos ako, sino ba naman ang hindi eh boyfriend kita. I mean soon to be mister. Kahit nga sa mga naging ex mo, pinagseselosan ko rin eh." Pag-amin ko.

Totoo naman eh, tsaka hindi lang basta selos dahil sa tuwing masaya siya sa piling ng iba ay pakiramdam ko ano mang oras ay mawawala siya sa'kin.

All those years I was scared of losing him. Losing the chance of taking care of this good guy. Losing the chance God given me. Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya. Inabot ko ang kanyang mga kamay at marahang pinisil iyon at nagsalitang muli.

"It's okay to be jealous, just put it in the right place. At pangako, hinding-hindi tayo gagawa ng bagay na makakasakit sa'tin pareho." Wika ko at ngumiti, tumango naman siya. He kissed my forehead and whispered.

"I promise Pie."

Sina Lawrence at Prince na ang gumawa ng invitation card, sina Mama din ang naghanap ng magandang reception, at si Danica at Pam ay tinutulungan ako sa pagsusukat ng wedding gown ko. Sky was busy too with something na hindi ko alam. I didn't think of something bad dahil kilala ko siya and I trust him.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now