Chapter 20

70 17 5
                                    

Chapter 20

Lawrence POV

Sinagot ko ang tawag. Ang ingay ng phone eh.


"Bud!"

Si Hilary lang pala. Matagal-tagal din kaming hindi nag-uusap ni Hilary dahil pareho na kaming busy at akala ko rin nakalimutan na niya ang role ko sa buhay niya hindi pa pala.

Narinig ko ang mahinang mura sa'kin ni Shan. Kapag narinig iyan ni Hilary, nako makakatikim talaga yan ng sandamakmak na salmo at watawata niya. Mahilig sa chiness movie ang babaeng iyon, idol pa nga si Bruce Lee at ang martial arts ng China. Ibang klaseng babae talaga.

"Hmmf, what do you want?" I ask her.

"Merry Christmas. Thank you nga pala kagabi."
Hindi agad nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.  Kagabi?? Anong meron kagabi? 

"What are you talking about?" Naguguluhan kong tanong.

"Don't tell me hindi mo naaalala." I curled my eyebrow. Aish ano bang iniisip nitong babaeng 'to.
I heard her hissed.

"As usual nakinig ka naman sa drama ko. Thanks bud, you're a friend that I can count on." Now I get it.

Pero...

"Silly girl, hindi ako yung kausap mo kagabi. Maybe you're talking to the air. I'm with my family last night." Paglilinaw ko. Alam kong may nangyari na naman kagabi at dahil na naman iyon kay Sky. Palagi nalang talaga. 

And this time malala pa ang nagyari dahil nagka short breathing siya. It scared me out.

Muntikan ko ngang mabangsan si Shan nung dumating siya sa ospital.

Sarap sumbatan eh.

At akala ko titigil na si Hilary sa pag-iyak dahil sa lalaking iyon. Alam kong magkaibigan kami ni Sky pero hindi naman ata tama na palaging umiiyak si Hilary ng dahil sa kanya.

"kung hindi ikaw, sino?"
No one dares to talk hanggang sa nag call ended. Napaisip ako. Sino naman kaya yun?

"It was me." Bigla akong kinilabutan sa malamig na boses na iyon.

"Lawrence, sino kaba sa buhay ni Hilary?" He asks seriously and deadly. I smirk.

"A concern friend." I teased him. Nakita kong naiyukom niya ang kamao. Shit.

Without a second, lumanding na sa mukha ko ang kamao niya muntikan na akong ma-out balance mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko. Sakit brah.

"Lalaki ako Lawrence, alam ko na may ibang ibig sabihin ang pagiging kaibigan mo kay Hilary. Now tell me!" He shouts. Nag-ngitngit ang panga ko sa sakit ngunit ininda ko iyon at tiningnan ang mata niya. I can see, he's jealous. Umayos ako ng tayo at pinantayan ang mga tingin niya.

"Just a friend, nothing more nothing less." I smirk again at nilagpasan siya. Kahit pa aaminin kong gusto ko si Hilary dati wala parin akong mapapala dahil mahal niya si Sky. Simula palang ay alam kong walang saysay kung aamin ako kasi alam kong talo na agad ako kaya mas pinili ko nalang sarilinin at kalimutan ang pagtingin na iyon.

"By the way. Ako dapat ang nandun kagabi but naunahan mo lang ako." I teased him again. Timing naman talaga dahil nagcelebrate ako ng pasko kasama ang pamilya ko.

"You know what?" Simula ko at nilingon siya. "Sino kaba sa buhay niya para umasta ng ganyan?" Dinuduro ko siya.  He remains standing silently and stares me directly pero alam kong nagwawala na ang isip nito.

"Did you know what she've been through all this time? Sinasaktan mo siya ng hindi mo alam. Minahal ka niya ng hindi mo alam." Sumbat ko, napansin ko ang pagyukom muli ng kanyang kamao, gusto niya akong saktan? Aba, nananakit pala 'to ng kaibigan eh. Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa heart broken.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon