Chapter 9

63 19 1
                                    

Chapter 9

Hilary POV

ANG tanga ko talaga nung isang araw. Bakit ba hindi ako tumitingin sa kalendaryo, at anong purpose nun kung di ko ginagamit. Ayan tuloy di ko napaghandaan yung unwanted dalaw ko at nadamay pa si Sky sa mood swing ko. Naiintindihan naman daw niya iyon at sanay na siya dun. Haha minsan ko nga pala siyang napagsalitaan ng di maganda dahil sa mood swing ko but he's an understanding person which I like the most.


"Late yata tayo ngayon?" Bungad sa'kin ni Sacky. Prente lang itong nakaupo sa swivel chair niya ng naka de kwatro. Ganda ng araw ah, porket tapos na yung reporting namin at review wala nga lang exam.

"May dinaanan lang." Sagot ko at naupo sa area ko. Dumaan kasi ako sa cash transfer para magpadala ng pera kina Mama.

Biglang may kumakot sa pinto ng office namin.

"Pinapatawag ka ng head ng Admin." One of my colleagues spoke.

"I think papayagan na akong mag-resign." ngiting wika ko sabay kindat kay Sacky.

"Or maybe not." Bara niya.
"Sesss, ayaw mo lang maiwan dito eh." I teased. Sumimangot lang siya.

Matapos ang asaran namin ni Sacky ay tinungo ko ang Administration department. Pagkapasok ko pa lang ay tumambad na sa akin ang maaliwalas na mukha ng head ng admin. Lumapit ako sa tapat ng desk niya.

"Sir, pinatawag niyo raw po ako." Saad ko habang nakayuko.

"Yes, at dahil dito iyon. This will be your assignment for two weeks Miss Delos Santos." Nakakingiting inabot niya sa'kin ang white envelope at tinanggap ko naman ito.

"Thank you, Sir and I promise to not disappoint you." Saad ko at lumabas sa office niya. Ito kasi ang isa sa mga napag-usapan namin sa meeting nung last time. Iyon nga lang sa team ko, ako ang napiling magvolunter na puntahan ang liblib na lugar to promote our products. Hindi ko kasama si Sacky kasi may iba siyang assignment. Hayss kakausapin ko si Sir or si Miss Tapia na mag conduct naman sila ng exam, nakakavovo na kasi talaga ang palaging review, report at assignment. -_-

Bumalik ako sa office. Naabutan ko siyang nakaupo sa desk ko habang hawak ang cellphone niya. Mukhang may kausap ito. Hindi ko iyon pinansin at naupo sa swivel chair ko at nagpaikot-ikot.

"Someone’s happy today. Imba ka rin eh. Kilan nga pala ang alis mo?" Tanong sa akin ni Sacky. Tapos na pala itong makipaglaindian. Haha may pa 'I miss you too bhe' lumalablyp din pala.

"Sa makalawa na. Basta Sacky ikaw muna ang bahala dito ah." Nagpacute pa ako para papayagin siya. Tumango naman ito saka pahapyaw na sumaludo. He's the only person I can trust with.

"Don't mention it. Just focus on your assignment there. Pasalabong ko ah." Tumango lang ako at binuksan ang envelop na iyon. Laking gulat ko nang mabasa ang address nito. Sa probinsya namin 'to ah. Ayos, madadalaw ko sina Mama.

"It seems like you’re shock. Saan ka ba na assign?" Usisa pa nito kaya todo ngiti naman ako bago sumagot.

"Surigao del Sur. Probinsya ko yan, at doon mismo sa Tandag City ako naka assign. That's my home town." Masigla kong saad. Oh, my ghad. Hindi talaga ako makapaniwala na doon ako maa-assign. Nako si Sir talaga may pa letter pa eh, kung sinabi nalang ng harap-harapan e di sana nayakap ko siya. Chos.

"Good for you dahil makikita mo family mo." May bakas na kalungkutan sa mukha ni Sacky ng sabihin niya iyon.

“Yeah, blessing diba.” Nakangiti kong saad ngunit napansin ko ang malungkot niyang mga mata.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now