Chapter 32

46 14 0
                                    

Chapter 32

Sky POV

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naghahalo na ang nararamdaman kong sakit kaba takot at galit. Kung hindi lang sana ako naging pabaya sa kanya sa hindi mangyayari 'to. For the second time nasa bingit siya ng kamatayan.
Dali-dali namin siyang sinakay sa kotse at isinugod sa ospital. Hindi na namin nahintay ang ambulansya dahil sa pag-aalalang baka mawala siya ng tuluyan sa amin. Hawak-hawak ko siya at pilit na kinakausap kahit nakapikit.
"Pie, just hold on. Huwag mo akong iwan please." Pagmamakaawa ko. For how long she'll suffer?
Nasa labas ako ng ER kasama si Lawrence, at hindi ako mapakali.

"Brah pwede kumalma ka muna. Ako yung nahihilo kakalakad mo diyan pabalik balik."

"How can I calm down on this situation Lawrence. Nag-aagaw buhay ngayon si Hilary, ngayon sabihin mo sa'kin kung paano kumalma!" Galit kong saad. "Urghhh" Napasabunot nalang ako sa sariling buhok. Hindi ko alam kung anong iisipin ngayon. Bakit ba ang tagal nila sa loob. Ayos lang ba si Hilary?
Gigising pa siya di'ba?

"Nasan ang anak ko?" Boses iyon ni Mama.
"Nasa loob pa po." Si Lawrence na ang nakipag usap sa kanila. Hindi ko alam kung paano haharapin ang magulang niya. Nagulat na lang ako nang biglang bumagsak sa kinatatayuan si Tita. Agad siyang nadaluhan ni Tito at si Lawrence ay agad na tumawag ng tulong.

Ako? heto nakatayo. Walang nagsi-sink in sa utak ko. Hindi ko alam ang gagawin.
Halos mag iisang oras na kaming naghihintay sa labas. Nawawalan na ako ng pag asa. Pinanghihinaan na ako ng loob. Hindi ko yata kakayanin kung may mangyayari sa kanya na hindi maganda. Lumabas ang doktor mula sa loob.
"Who's the relative of the patient?" tanong nito.
"Ako doc. Kamusta na ang anak ko. Ayos lang ba siya?" Si Tito na ang nagsalita. Si Tita ay dinala sa isang kwarto at kasalukuyang nagpapahinga dahil nag collapse break ito kanina dahil nabigla sa nangyari. Binabantayan naman ito ng mga kapatid ni Hilary.
Parang kinakabahan ako kaya ayokong malaman ang sagot ng doktor.

"The patient receives a major injury. Her brain has blood clotting that results comatose." Sagot ng doktor.  Nanghihina ang tuhod ko nang marinig iyon.
"We're monitoring her from time-to-time para malaman kung may progress." Saad pa nito.

Nanatili lang ako sa labas ng ER, hindi alam ang gagawin, ano ang dapat isipin, nanghihina ang buong katawan ko.



Lawrence POV


Lahat kami ay bumagsak ang balikat nang malaman ang kondisyon ni Hilary. Masakit sa part na ang kaibigan mo ay nag aagaw buhay na naman at ngayo'y walang kasiguraduhan kung magigising pa ba siya o hindi. Hindi ko masisisi si Sky sa mga nasabi niya, nag-alala siya kagaya ko. Pero mas doble sa part ni Sky at sa mga magulang ni Hilary. Naawa ako sa kalagayan ng kaibigan ko ngayon. Tuliro at wala sa sariling pag-iisip lagi niya ring sinisisi ang sarili dahil sa nangyari.

"Brah, ayusin mo muna ang sarili mo. Sa tingin mo magugustuhan ni Hilary ang itsura mo ngayon?" Awat ko sa kanya. Umiinom ito ng alak kaya binawi ko ito mula sa kamay niya.

Nung isang araw hindi naman siya ganito. Kanina pa ito nandito sa minibar ng pad ko. Tinungga ang mga mamahaling alak ko. Nakakagago nga eh, ang mahal nun tas iinumin ng isang bisugong ito. Heto na naman ang role ko. Ang dakilang tagapayo. Haysss.
"Hindi solusyon ang alak sa problema pre. Akala ko ba bumalik na ang dating Sky na kilala namin hindi pa naman pala." Nagsimula na ako sa litanya ko.

"Ayusin mo na ang sarili mo. Kailangan ka ni Pie ngayon. Magpakatatag ka. It's your time to be on her side dahil tapos na ako." Biniro ko pa ito. Kailangan ko na talagang awatin 'to baka magwala at magbasag. Nako, ako pa maglilinis ng kalat.
"Payong kaibigan lang ha, kailangan mong maging malakas ngayon hindi para sa sarili mo kundi para kay Hilary. Kailangan ka niya, kailangan ka ng anak mo, kailangan ka nila. Kaya pre ayusin mo na ang sarili mo. Tandaan mo walang may gusto sa nangyari kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo. Hindi makakatulong yan."
After my words he stood up at nagtungo sa banyo. Mayamaya pa ay lumabas na ito at nagbihis. Walang pasabi ay hinatak ako palabas ng unit at pinasakay sa kotse. Tamo nagiging cold na naman. Siya na may ganang uminom ng alak na hindi kanya, siya na itong tinutulungan at siya pay may lakas ng loob na mangaladkad. Pigilan niyo ako at uupakan ko na ito.

Nga pala nailipat na sa ICU si Hilary at kasalukuyan itong tulog. Yun nalang ang term namin kesa sa comatose.
"Kamusta na siya?" Finally! nagsalita na rin ang dakilang cold. "She's okay. Gumagaling na rin ang mga sugat niya at kasalukuyang tulog." I explained. Pumasok siya sa ICU at nagpaiwan ako sa labas.

Eksakto namang pagpasok niya ay lumabas si Sacky at Pam. Sila pala ang nagbabantay ngayon. Isang tipid na ngiti lang ang sumilay sa labi niya habang si Pam ay namumugto ang mata, halatang galing pa ito sa pag-iyak.
"Kape muna tayo." Alok ko sa kanila. Tahimik lang silang nakasunod sa'kin.
"Naaawa na ako kay Tita, lagi na lang umiiyak." Biglang imik ni Pam.
"That was shocking." Dagdag pa ni Sacky.
"Sino ba naman ang hindi magugulat kung biglaan ang nangyari." Puna ko.

Hindi ko lubos akalain na sa ganito hahantong ang lahat.  Nung gabing iyon, nakita ko si Amber na di kalayuan sa amin, nakatayo lang ito habang tiningnan kami. Hindi ko nakita ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinutuban.

Sky POV


Kaya ayokong pumunta rito dahil hindi ko kakayanin ang makita siya sa ganitong kalagayan. Sabi nga ni Lawrence ay kailangan nila ako. Sa akin sila kumukuha ng lakas ng loob pero saan ako kukuha non kung nakaratay siya rito.

"Ma, ako na po ang magbabantay. Magpahinga po muna kayo." Alo ko sa kanya.
Ito ang kasalukuyang nagbabantay ngayon dahil umuwi si Papa para asikasuhin si Blessy kasama ang dalawang kapatid ni Hilary.

"Mabuti at narito ka iho. Ikaw muna ang bahala sa anak ko ha." Paalam niya at tinapik ang balikat ko.
Nang makalabas ito ay nagsimulang umagos na naman ang mga luha ko.
"Pie, gumising ka na diyan. Miss na kita." Heto na naman ang pakiramdam kong parang matutumba ako anytime. Napaupo nalang ako sa upuan katabi ng kama niya.
Nawawalan ako ng balanse at lakas. Nanginig ang mga tuhod ko, nanlamig ang mga kamay ko.
"Pie, hindi ka ba napapagod kakatulog diyan, isang linggo kanang nakahiga diyan eh." Para akong timang na kinakausap ang tulog but I will keep on talking to her hoping that she could hear me.

"Magpagaling ka ahh, hihintayin kita kahit matatagalan basta ipangako mong gigising ka." I need to be strong to be at her side. That's what I need to be.
"Sky..." halos kumulo ang dugo nang marinig ang boses na iyon.
Amber.
My hands turn into fist.
Nanatili akong nakatalikod sa kanya at pasimpling nagpunas ng luha.

"I am so sorry for what happened. Hindi ko alam na ganun ang mangyayari. I am so sorry." Malungkot nitong saad.

I can see that she's sincerely sorry for what happened.
"Hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako. Sa lahat ba naman ng nagawa ko sa inyo hindi ko deserve ang patawarin." Tumawa ito ng mapakla sa pagitan ng iyak niya.

"Mabuti naman at alam mo yun." I coldly said.

"Aalis na ako bukas. I am going to France for good. Kaya pwede ba akong humingi ng favor?" Napalingon ako sa kanya nang naka kunot-noo.
"Pwede ko bang makausap si Hilary kahit saglit lang?" Malungkot parin ang boses niya, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ito.
Kahit nagdadalawang isip ay tumango lang ako at lumabas pero nanatiling nakaawang ang pinto.

Just in case, something would might happened.

Ayoko nang sumugal pa.

I have trust issues dahil dalawang beses na niyang nilagay sa alanganin ang buhay ni Hilary. I've learned my lesson. At hindi ko na hahayaang masaktan siyang muli.

Short ud muna, huhu babawi ako next time😊😊. Maharr ko kayo mga parecuy muaahh🥰😘

Heaven by Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now