Special Chapter

90 15 3
                                    

Special Chapter

Hilary POV

ISANG TAON na ang nakalipas, marami ang nangyari. Naging masaya ang pagsasama namin ni Sky sa loob ng isang taon na iyon lalo na't ngayon ay buntis ako sa panganay namin kabuwanan ko na ngayon.

Nagpursige siya sa negosyo, lalo pang pinapalago ito para sa future ng mga anak namin. Just like what he said, kambal ang anak namin. Laki talaga ng tiwala sa semen niya.

Sa loob ng isang taon ay nabuo namin ang aming dream house. Karamihan sa desinyo ng bahay ay galing sa ideya ko. Nakatayo ito sa isang exclusive subdivision sa Quezon City, gaya ng pinangarap ko noon. Ang bahay ay may dalawang palapag, limang kwarto, apat sa taas at isang guest room sa baba. May sariling pool at garden ang bahay. Ako mismo ang nag-isip niyan dahil gusto ko may sarili akong garden para minsan doon kami magsa-sundate buong pamilya.

Hindi magarbo ang dating ng bahay dahil mas gusto ni Sky na simple pero modern.

Mawawala ba ang playroom at library? Huwag niyo nang itanong kung sino nakaisip niyan. Sino ba naman ang mahilig sa libro at paglalaro. Hehe ako lang naman.

Nandito ako sa garden at naglakad-lakad ng kunti. Exercise ng kunti sabi ng OB ko.

"Pie I'm home!"
Napukaw ang pagmumuni ko nang marinig ang boses ng mister ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng kabahayan gamit ang back door.

Naabutan ko siya na nasa salas at naghuhubad ng nicktie at coat.

"Welcome home Sky." Sinalubong ko ito ng halik sa pisngi ngunit naunahan niya akong halikan sa labi. PDA talaga.

"Si Blessy?" Pansin ko.

"Nauna nang umakyat sa kwarto. Alam mo naman iyon, hindi magkandaugaga pagdating sa bahay. Laging excited umuwi." Wika niya. Natawa na lang ako.

Kung noon ay bagnutin at antukin ang asawa ko dahil sa paglilihi, tamad pa magtrabaho kaya sina Prince ang natatambakan ng mga gawain.

Mabuti na lang at naintidihan nila kami. Pero noong nalaman niyang kambal ang anak namin. Aba, biglang umiba ang ihip ng hangin. Matiyaga at nagpupursige, nagiging workaholic, though ganyan naman dati pero na doble ngayon. Iyon nga lang, laging excited kung umuwi ng bahay.

Ewan ko ba diyan.

#

Kanina pa ako nakaramdam na humihilab ang tiyan ko. Hindi ito kagaya ng sakit kapag sumisipa ang mga anak ko. Mas masakit ito ngayon kaya hindi ako makatulog ng maayos.

"Sky, yung tiyan ko." Yugyog ko sa katabi ko. Sobrang sakit.
Pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang sakit. Para akong naiihi at natatae at the same time.

"SKYYYYY!" I shouted as I felt my water broke. Napahigpit ang hawak ko dito dahilan para mapabalikwas siya ng bangon.

"Pie, are you okay?" He hurriedly asks and checked me. Nasilayan ko lang ang mukha niya ay naibsan ang pananakit ng tiyan ko.

"Manganganak na ako." Iyon ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit nang makita itong namutla at nanigas sa kinauupuan.

"Hey, tumawag ka ng tulong. Manganganak na ako okay?" Tawag ko sa atensyon niya. Na froze eh. Mahina ko itong sinampal kaya napakurap ito. Agad niya akong kinarga palabas ng kwarto at dali-daling sinakay sa kotse ng walang lumabas na salita mula sa bibig.
Habang nasa kotse ay pinapakalma ko ang sarili at tiniis ang pananakit ng tiyan.

"Lawrence, pakidala ng mga gamit ng bata sa ospital. Dalian mo." Rinig kong utos niya kay Lawrence through phone. Napailing nalang ako. For sure nagmamaktol si Lawrence ngayon. Utusan daw ba sa gitna ng tulog. Hindi ko narinig ang boses sa kabilang linya.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat