Chapter 3

139 22 6
                                    

Chapter 3
Hilary POV

MAAGA akong nagising ngayon at nagsimulang mag ayos ng sarili. Naligo muna at syempre I am lack of things kaya nakiligo muna ako sa kapitbahay ko.

Little by little I received what had happened to Ian's, they said. There are many reasons to live, and that's your family, that's what you're waiting for and so much.

"Akira! Nanay Siling kakain na po!" Sigaw ni Ate Cacai mula sa kusina.

Kakatapos ko lang maligo at nagbihis na.

"Akira, diba may pasok ka? Bakit hindi kapa naliligo?"

"Ehh Ate Cacai naman. Mamaya pang alas nwebe pasok ko. Tss" maktol ni Akira habang sumusubo.

"Pagpasensyahan mo na kung maingay kami rito. Ganyan naman kasi lagi ang setting namin tuwing umaga. Kaya kung magigising ka dahil sa bunganga ni Cacai, palamunin mo nalang ng hotdog." Natatawang saad ni Nanay Siling. Natawa na rin akong umiiling.

"Uyy Lary, diba may interview ka ngayon?" Baling ni Cacai sa'kin na ikinatigil ko ng subo. Tama, trabaho ang ipinunta ko rito kaya heto ako naghahanda para sa bagong opportunity.

"Hilary po ate hindi Lary." Pagtatama ko. Sumimangot lang ito bilang tugon. Isang buwan pa lang ako rito sa apartment ngunit sanay na ako sa ingay at bangayan nilang dalawa ni Ate Cacai at Akira.

"Teka-teka, ano nga palang kompanya yun?" Dungtong nito.

"PK Company Ate." Saka tinuloy ang huling subo ko.

"WHATTTT???" Halos mabasag eardrum ko sa sigaw niya.

"Problema mo Cacai? Makasigaw 'to" sawata ni Nanay.
Magkagulo na't lahat lahat. Hindi parin matigil ang bunganga ni Cacai.

Narinig ko silang pinag-uusapan ang PK, nabanggit niyang doon siya nagtatrabaho dati bilang front desk, maayos naman daw kaya tumagal siya pero noong napalitan ang CEO nito ay medyo may nagbago at hindi niya nagustuhan iyon kaya nag resign siya at naghanap ulit ng trabaho. Good thing she find suitable job for her. Call center agent at night and a raketera sa umaga. She does direct selling of stuffs like clothes, bags, shoes and all things related to fashion.
Sana ganyan din ako kasipag. Hehe nakakainspire naman.

Matapos kong kumain ay kunting retouch at ready to go na.
"Alis na po ako!" Paalam ko sa kanila.

"Good luck!" Pahabol na sigaw nila mula sa loob.

Nilakad ko lang ang pagitan nung building total malapit lang naman. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang ma excite pero habang papasok ako dun sa building na iyon ay nilukob ng kaba ang dibdib ko. Para sa akin natural lang na kabahan ako. This is my first time.

Pero sana hindi terror yung mga interviewer. Geezz ganun kasi sa mga napapanuod ko sa mga drama. Hehe tsaka doon sa mock interview ko nung SHS pa ako. Pero syempre sanayan lang ang peg kaya sanay na akong humarap sa mga propesyonal pa sa akin. Pero kahit na ay kinakabahan talaga ako. Hindi ko kilala ang mga interviewer this time at mas totoo na ito kaysa sa mock interview ko dati.

Lord help me, tulungan niyo po ako, bigyan niyo ng kapayapaan ang utak ko para makasagot sa mga tanong nila. At sana po ay gabayan niyo ako. I promise to do my very very best to pass this. In Jesus name Our Lord. Amen.
Habang naglalakad papasok sa loob ay nanalangin ako. Hindi biro itong gagawin ko.

"Miss, do you have an appointment here?" Agad na tanong ni ate na nasa front disk. Mukhang sinusuri pa niya ako dahil panay tingin niya mula paa hanggang ulo ko. Naisip siguro nito na hindi ako empleyado dito dahil wala akong suot na ID. Talino ko talaga.

Heaven by Your Side (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant