CHAPTER 72

176 31 7
                                    

BREAK UP...

GUIA'S P.O.V

Naglalakad kami ngayon pa-uwi ng Dorm Room namin. Napagdesisiyunan naming maglakad na lang kesa gamitin ang quick step, dahil gusto naming magmuni-muni at makapagrelax sa pagtingin sa magandang kapaligiran.

"Ate Adhira, bakit naging ganon bigla si Kuya? Parang naawahan ata siya ng ugali ni Kuya Lucian." Tanong ko kay Ate Adhira. Napatingin naman sa akin ng masama si Kuya Lucian kaya napa-peace sign na lang ako.

"Di ko rin alam Gi. I never thought na magkakaganyan si Kali." Seryosong sagot ni Ate Adhira sa akin. Huminga lang naman ako ng malalim, ano kayang problema ni Kuya Kali? Sana okay lang siya.

"Ano kayang problema ni Kali ano? Nag-aalala narin ako para sa kanya." Saad naman bigla ni Xavier kaya napatingin ako sa kanya sabay buntong-hininga at kibit-balikat.

"Huwag mo nang masyadong isipin iyon babe." Walang ganang saad naman ni Kuya Lucian kay Xavier. Wow ah dama ko yung "sweetness" niya.

"Salamat Adrien." Nakangiting sagot naman ni Xavier kay Kuya Lucian. Wow ah, ang bastos naman! Walang respeto sa mga walang kasintahan oh!

"Ehem, respeto naman sa mga walang kasintahan oh!" Mataray na saad naman ni Ate Adhira kaya napasamid ako ng konti, dahil parang nabasa niya ang nasa isip ko hahaha.

"Kapag inggit, pikit." Walang ganang saad naman ni Kuya Lucian kay Ate Adhira na naging dahilan para kumunot ang noo ni Ate Adhira.

"Aba talagang-" putol ni Ate Adhira sa sasabihin niya ng biglang buhatin ni Kuya Lucian si Xavier. Nawa'y lahat.

Bigla namang magpapababa si Xavier, "uy, Adrien ibaba mo nga ako," tumingin naman sa kanya si Kuta Lucian at ngumisi, tapos ay tumingin sa amin at nagpaalam, "sige una na kami, may importante pa kaming gagawin." Saad niya sabay ngisi. What the heck!

"Wah! Nakaka-green minded!" Sigaw ko pero di man lang ako pinansin ni Kuya Lucian at dali-daling nag-quick step.

Nang makaalis na sila ay huminga naman ng sobrang lalim si Ate Adhira at nagpaalam, "Guia mauna na ako, may na-fefeel akong may gagawing karumaldumal yung kapatid ko, sige bye," paalam niya sabay quick step, "hays, di man lang ako hinintay sumagot."

Napag-isipan kong maglakad-lakad dahil ayaw ko munang umuwe...

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang ihinto ako ng aking mga paa sa harap ng isang garden na may pinto ng parang isang butterfly, " ito na ba ang tinatawag nilang Garden of Lepidoptera?" Saad ko sabay lapit dito. Hahawakan ko na sana ito nang maisip ko bigla na hindi pala ako makakapasok, dahil hindi ako Royalty.

"Hays, ang unfair mo naman." Saad ko sabay himas sa gate nito na may design ng pak-pak ng butterfly, ngunit napa-atras na lang ako nang biglang bumulas ang pinto nito, kaya naman dali-dali akong tumakbo sa loob nito at doon ko nakita ang isang napakalawak na hardin na punong-puno ng mga kakaibang bulak-lak at puno.

Sinulit ko naman ang napakagandang tanawin kaya naglakad-lakad pa ako hanggang makarating ako dito sa upuan sa ilalim ng punong may mga bungu na diamond, biglang yaman ka dito kapag kinuha mo ito at ibenenta sa mundo ng mga tao hahaha. Ano ba itong pinag-iisip ko, hays.

"Love, di ko na kayang ganito. Ayaw ko na, pagod na akong sundin lahat ng kagustuhan mo!" Sigaw na saad ng isang boses na pangbabae sa likod nitong puno. Wait parang pamilyar ang boses na iyon ah, kaya naman umakyat ako sa puno upang tignan kung sino ang nag-uusap na ito. Doon tumambad sa akin sila Princess Guen at yung ptinsepeng kupal na si Prince Dritan na nag-uusap.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now