CHAPTER 99

68 8 5
                                    

THE LOTUS...

KALI'S P. O. V

Katapos nang paghila ng isang kamay sa balon kanina ay nakikita ko ngayon na nasa may side ako ng lawa na napapabilibutan ng mga makukulay at magagandang bulaklak ang gilid nito at may napakalaking lotus sa gitna. Nigla itong bumukas at lunabas ang isang lalaki na may kalahating buntot ng isda na kulay asul at kumikinang-kinang, may manipis din itong pares ng pakpak, at napakahandang mukha at slim na pangangatawan na tinatakpan naman ng isang manipis na telang kulay sky blue.

"You might be wondering right now on what place you are in, right Kali?" Tanong nito at nabigla naman ako sa paggamit niya ng Uni Language ng Mundo da Fantasia.

"Oo, s-sino ka?" Nauutal na tanong ko. Nginitian niya naman ako at lumipad paalis sa lotus. Nag-dive naman ito sa tubig at lumangoy papunta sakin.

"Ako si Deus Mar Fluindo, Sephtis Kali Picosa. Gusto sana kitang balaan sa papalapit na kaguluhan na kung tawagin ay Armageddon of Life and Death." Sabi nito na nagpataas naman ng balahibo ko dahil sa takot.

"Ah? Maayos na ang takbo ng Mundo da Fantasia, Deus Mar. Kaya na naman itong protektahan," Sabi ko.

Umiling-iling naman ito at lumipad papunta sakin. Nang dumampi ang kanyang buntot sa lupa ay unti-unti namang naging paa ang mga ito. Hinawakan niya ang aking mukha at binigyan ang aki ng mapait na ngiti.

"Kali, hindi pa nagaganap ang Propesia ninyo ni Guia. Huwag kang magpapalinlang sa mga nakikita mo sa paligid mo, tandaan mong maingay ang isang Wendigo kapag nasa malayo at pinagmamasdan ang kanyang target, at tumatahimik ito kapag nasa malapit na." Sabi nito na gumuhit ng pag-aalinlangan sa mukha ko.

"Deus Mar, meron bang paraan para mapigilan ang nakasaad sa propesia?" Tanong ko.

Nginitian namna ako nito at saka tumalikod. Itinaas ang dalawang kamay at unti-unti namang tumataas ang isang shield na may design ng lotus. Agad naman itong pumunta sa mga kamay ni Deus Mar Fluindo at nang makuha na niya nga ito ay humarap na siya sakin.

"Kali, walang makapipigil sa propesia, kung hindi kayo lang ng kapatid mo. Nasa inyo ang mga paraan kung paano ito sisimulan o tatapusin. Ang tanging magagawa ko lang ay tulungan kayo, ito abutin mo ang Lotus Deus Shield. Walang ano mang nilalang sa Mundo da Fantasia ang makakasira niyan, gamitin mo iyan ng maayos," Sabi ni Deus Mar Fluindo.

May malapad na ngiti namang kinuha ko ang shield and at tinanguan siya.

"Pangako Deus Mar Fluindo, gagamitin ko ito para protektahan ang buong Mundo da Fantasia," Sabi ko.

Hinawakan niya naman ang kaliwang balikat ko at tinapik-tapik ito.

"Mag-iingat ka parati, Kali. Magaganap ang dapat maganap at tanging ang mga sarili lamg natin ang makakapigil sa mga posibleng masamang mangyayari," Sabi niya, "Kailangan mo ng bumalik, Kali. Masaya akong nakausap ka. At nakiki-usap akong juwag mong ipagsabi ang mga napag-usapan natin dito, maaari kanang pumikit." Sabi ng Deus.

Ipinikit ko naman ang mga mata ko at ang sunod niyang ginawa ay hinawakan ang noo ko at pinitik ito...

...

GUIA'S P. O. V

Nag-aalala na kaming lahat kay kuya ngayon dahil sa nahulog siya sa balon at narito kaming lahat sa harapan ng balon at sinusubukang maki-usap sa babaeng nag-guide kanina kay kuya.

"Ayahan mo kaming pumasok sa balon, mamatay ang kaibagan namin!" Galit na sigaw ni Kuya Rhys. Kinakalma naman siya ni Nirvana at Princess Morren.

"Rhys, kumalma ka. Baka may kailangan ang balon sakanya, kalma ka lang walang mangyayaring masama." Sabi ni Princess Morren habang hinahagod-hagod nila ni Nirvana ang likuran nito.

Nakaramdam naman ako ng pagtapik sa balikat ko at nang pagtingin ko kung sino ito ay nakita ko si Prince Dritan habang nakatingin ng may pag-aalala sa mukha nito.

"Mukhang nag-aalala karin, Guia. Kita sa expression mo, gusto mo b ang yakap para medyo gumaan ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Kaya naman napayakap na lang ako sakanya at huminga ng malalim.

"Ano na kayang nangyayare sa kuya ko? Gustong-gusto kong mag-dive sa balon para tignan siya kaso, sabi ng babae ay masyado raw delikado at kabastusan iyon sa mga batas nila," Pigil luhang sabi ko.

"Everything will be okay, Guia. Just calm down, sigurado akong walang mangyayaring masama kay Kali dahil mas malakas siya kung sini man nandito satin dito ngayon," Sabi nito. Tinanguan ko naman siya.

Nakuha naman ng liwanag na nanggagaling sa balon ang aming atensyon at ilang saglit pa ay unti-unti namang lumutang ang basang-basa na katawan ni Kuya Kali na wala ring malay ngayon. Pero pinagtakhan ki lang ang Shield na may korteng lotus flower na bumubuhat sakanya.

"Kuya!" Sigaw ko naman at saka lumapit sa walang malay na katawna nito na dahan-dahang lumapag sa sahig. Paglapit ko ay ang pagbuga naman nito ng tubig at tuloy-tuloy na pag-ubo. Tumayo naman ito agad jaya napayakap ako sakanya.

"Kuya, nag-alala ako sayo! Ano bang nangyare?" Tanong ko.

Sasagot na sana si kuya nang yakapin namam siya ni Kuya Rhys habang umiiyak pa na nagpangiwi sakin. Parang siya ang kapatid ah, di nagpatalo sakin uh.

"Sephtis, pinag-alala mo ako!" Sigaw nito. Kita ko namang gumuhit ang ngiti sa labi ni kuya at saka yinakap pabalik si Kuya Rhys. Sabi na eh, may nararamdaman parin takaga itong kuya ko pakipot lang.

"Ano ba kayo, hindi naman ako mamatay doon ano. May kumausap lang saking entity, kaya huwag niyong masyadong isipin ang kalagayan ko," Sabi ni kuya. Napa-rolyo naman ng mata si Nirvana na nagpataas ng kilay ko.

"Parang sinadya lang mahulog sa balon para mapansin ni Rhys," Bulong ni Nirvana kay Princess Shainery.

"Narinig ko yun ah, ikaw kaya i-hulog ko sa balon?" Sarkastikong sabi ko. Umirap nalang siya at tumalikod.

"Guia, kalma lang beh," Sabi naman ni Ate Adhira. Kaya huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Oh, tara na at bumalik na tayo sa academy para madala na ang Tears of Deus na ito." Sabi naman ni Kuya Kali habang inaalayan siya ni Kuya Rhys sa pagtayo.

Lumapit naman ako sakanya at lunapit sa tainga niya.

"Kuya, ano pala yang shield na yan? Ang ganda kanino nagmula iyan?" Tanong ko.

"Sa room na lang tayo mag-usap," Sagot naman ni kuya na tinaguan ko naman.

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now