CHAPTER 92

113 17 7
                                    

BACK TO THE ACADEMY...

ARIOCH'S P.O.V

"Ama! Pabayaan mo akong putulin ngayon ang kanilang mga ulo! Maghihiganti ako! Maghihiganti ako!" Paulit-ulit na sigaw ng aking anak na si Phobes. "Anak, magtiis ka muna. Malapit ng matapos ang ginagawa ng mahal na Deus Lucifero." Sagot ko naman. Kita ko namang naluluha na ito. "AHHHH!" Sigaw naman niya nang hindi na niya mapigilan ang emosyon niya at sa isang kisap-mata ay naubos na naman niya ang isang daang kawal na nagbabantay sa trono.

"Anak, baka kapag tumagal ay maubusan na ng mga kawal ang ating kaharian sa ginagawa mo." Saad ko naman sa kanya. "Wala akong pakialam! Wala akong pakialam! Basta ang nais ko ay maghiganti! Puputulin ko ang ulo nila!" Nanggagalahiting sigaw naman nito.

"Kapatid. Kalamayin mo ang iyong sarili." Malamig na sabat naman ni Allure – ang pinakamatanda sa kanilang dalawa. Hindi ko naman anak si Akuji (Lilith) kaya hindi ko siya sinasama sa bilang ng mga anak ko. "Pero, Ate Allure! Tignan mo ang ginawa ng Kali na iyon sa mukha ko! Sinira niya ang mukha ko! Sinira niya! Sinira niya! Pupugutan ko siya ng ulo!" Sigaw ni Phobes habang umiiyak pa. Ngunit, sa halip na maawa ako ay mas kinatuwa ko pa ito, dahil mas lalong magiging hayok sa dugo si Phobes sa araw ng digmaan.

"Phobes, bakit 'di ka muna kumalma at antayin na mabuo lahat ng plano ng Deus Lucifero at ibuhos mo anv galit mo sa araw na magaganap na ang ang digmaan." Malamig na pagpapakalma ni Allure kay Phobes.

"Tama ang iyong ate, Phobes, kaunting hintay na lang at makakapaghiganti na rin tayo sa mga walang kwentang Fantasian na iyan." Saad ko naman sa kanya. Bigla namang ngumiti ito ng nakakatakot at umupo na lang sa isang tabi at dinilaan ang espada niyang puno ng dugo ng mga pinatay niyang kawal.

"Hahaha! Makukuha ko rin ang ulo mo Zen, hintay ka lang." Paulit-ulit na sa saad niya habang dinidilaan parin ang espadang puno ng dugo sa isang sulik.

"Ano na bang lagay ng plano ng Deus, ama?" Tanong sa akin ni Allure. "Malapit na, anak, malapit na." Saad ko na lang sa kanya...

...

GUIA'S P.O.V

Kasalukuyan na nga kaming naglalakad na sa bundok ng mga ghoul, akay-akay ko parin si Tan-tan, dahil nga 'di parin siya makalakad. Lahat ng madaanan namin ay kumakaway at tila ba ay may sinasabi na hindi naman naming maintindihan. Kaya kumakaway na lanvgkami ng pabalik sa kanila. Habang bumababa kami ng bundok ay bigla namang may tanong na pumasok. Sa isipan ko. Papaanong gumawa ng pananggalan si Xavier eh kasama namin siyang gumamit ng Hold Power kay Kuya Kali ah.

"Hoy, pst. Xavier, may tanong ako sa iyo." Pagtawag pansin ko naman kay Xavier na nasa likod ko. "Ano 'yon, Guia?" Tanong nito. "Hindi ba't kasama ka naming gumamit ng Hold Power kay Kuya Kali? Bakit nang kabukas ko ng aking mga mata eh nakagawa ka ng pananggalan? Hindi ba na-drain ang lakas mo?" Sunod-sunod na tanong ko kay Xavier. Tumawa lang naman ito.

"Sa totoo lang eh, noong maramdaman kong may panganib eh, bumitaw agad ako paggamit ng Hold Power kay Kali at nakipagpalit kay Nirvana." Sagot naman ni Xavier na nagpagulat sa akin. "Si Nirvana? Paanong siya?" Takang tanong ko.

"Mabait naman si Nurvana. Hindi lang talaga natin alam kung paano siya i-approach pero as sa nakita ko kanina ay masasabi ko g mabait sita kase walang kuskos-balungos siyang nakipagpalit sa akin ng sabihin kong emergency lang." Kwento naman ni Xavier na halos 'di ko mapaniwalaan. Pero dahil si Xavier ang nagkwento ay paninuwalaan ko na, thtal 'di naman marunong magsinungaling 'to.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now