CHAPTER 89

112 12 0
                                    

REVEAL...

ADHIRA'S P.O.V

"MAGSIHANDA KAYO! SINUSUGOD TAYO NG MGA DESPERADO!" Sigaw na utos ni Prince Burnt sa amin na nagpa-alerto sa amin. Ilang saglit pa ay may mga nilalang na nakasuot ng Ninija Armor. Ano ang mga ito?

"Ano ang mga iyan, mahal na prinsepe?" Tanong ko sa prinsepe. "Ang tawag sa kanila ay Desperado, isa silang grupo ng mga bandido rito sa bundok ng Chimera. Ninanakawan nila ang kanilang mga biktima, pagkatapos nun ay papatayin na nila ito at ipapakain sa Chimera." Sagot naman ni Prince Burnt sa akin. Shit na mga 'to, napakabrutal. Hays patumbahin ko na nga agad. Baka makagulo pa sila sa ginagawang pagbabalik kay Kali.

"KAMINARI!" Sigaw ko. "Anong gagawin mo?" Tanong naman ni Prince Burnt. Bigla namang dumilim ang kalangitan, makikita at maririnig ang kidlat at kulog ngayon sa kalangitan. Kaya tinaas ko ang kamay ko. "Basta, ako ng bahala." Sagot ko naman sa prinsepe. Doon nga ay mabilisang tumama sa aking ang kidlat.

"HOY ADHIRA!" Nag-aalalang sigaw ng prinsepe sa akin. Nang mawala na ang nagngangalit na kidlat ay doon naman lumitaw ang aking dalawang pakpak na gawa sa kidlat.

"Sige, maya na lang." Saad ko sabay humarap sa mga Desperado na pasugod na ngayon.

"LIGHTNING LURE!" Sigaw ko sabay may lumabas na bala ng baril na gawa sa kidlat na tumama sa mga pasugod sa amin. Nang matamaan sila ay nanginig at nagkalasog-lasog ang kanilang mga suot, doon mga ay nakita ko ng maigi ang kanilang mga itsura; may iba't ibang ulo sila, tulad ng leon, kambing at ahas ang mga ulo nila na may katawan ng isang tao. Ano ang mga nilalang na ito?

"Prince Burnt. Anong klaseng mga nilalang ito?" Tanong ko sa prinsepe. Lumapit naman ito at pinakatignan ang mga nakatumbang katawan.

"Hindi ko alam, ngayon ko lang nakita ang itsura ng mga Desperado na walang takip sa mukha." Sagot naman ng prinsepe sa akin. Nagulat naman kami ng maging usok ang mga nakatumbang katawan at nagsamasama sila. Nang mamuo ang usok ay bigla namang sumabog ito na nagresulta ng pagkakaroon ng usok sa buong paligid.

Ilang saglit pa ay nakarinig na kami ng tatlong malalakas at magkaka-ibang sigaw ng leon, ahas, at kambing.

"Iyan na ang Chimera." Saad naman bigla ni Prince Burnt.

"Paanong nangyaring lumitaw ang Chimera?" Tanong ko naman. "Maaaring totoo nga ang sinabi ng isa sa mga nakaligtas sa pagsagupa sa mga Desperado na isang pagbabalat-kayo lamang ng Chimera ang mga Desperado." Sagot naman ni Prince Burnt sa akin.

"KUYA!" Sigaw naman ni Princess Zen, ngunit dahil sa usok ay hindi namin siya masyadong makita. "ZEN! NASAAN KA ZEN!" Kinakabahang sigaw naman ni Prince Burnt.

"Paano natin matatanggal 'tong usok na ito?" Tanong sa akin ng prinsepe. "Ako ng bahala." Saad ko naman.

"Sou eu, um de seus sobrinhos. Dea do Vento, dê-nos ventos que possam repelir esta fumaça." Pag-chant ko mh Enchanment na tamging ang mga Semi-Deus lang ang nakagagawa. Bigla namang may malakas na hangin ang umihip at tinangay ang usok na bumabalot sa kapaligiran. Doon nga ay nakita namin si Princess Zen na pinapaluputan ng Ahas na bundot ng Chimera, habang sa gawi naman nila kali ay kasalukuyan ng nagbubuga ng apoy ang dalawang ulo nito.

[Translation: Ako ito, ang isa sa iyong pamangkin. Diyosa ng Hangin, bigyan mo kami mg hangin na maaaring magtaboy sa usok na ito.]

"ZEN!"

"PRINCESS ZEN!"

Sigaw naman ng mga Royalties at ng iba ko pang kasamahan nang makita namin ang kalagayan ng prinsesa.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon