CHAPTER 73

148 30 7
                                    

KISS...

KALI'S P.O.V

Prinoproseso pa ng utak ko ang nakikita ko ngayon hanggang sa masambit ko ang katagang, "mama."

Para namang may kung ano sa katawan ko at bigla itong gumalaw at tumabo papunta sa babaeng matagal ko ng hindi nakikita, nakaka-usap at nahahagkan. Hindi ako maaring magkamaling siya ang aking ina, si Yolanda Anastacio. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanyang balikat. Naramdaman ko naman ang isang kamay na humaplos-haplos sa aking likod na nagpakalma sa akin, kaya naman humiwalay na ako sa pagkakayakap at doon ko na naman nakita ang mukha ng aking unang ina na nakangiti.

"T-Triste po, h-hindi ko po sadya." Paghingi ko ng tawad kay Mama Yoli, yan ang palayaw kase niya, kung siya nga ito. Pero sana siya nga. Ngumiti naman ito.

[Triste- Sorry]

"Ayos lang anak, marahil ay namimiss mo na ang iyong ina ano? Pero alam mo may pakiramdam ako na nagkita tayo noon, ano ang iyong ngalan iho?" Tanong nito kaya naman umayos ako ng tindig at ngumiti.

"Opo, mama, ay este Ms. Yolanda, namiss ko po bigla ni nanay at ang pangalan ko naman po ay Sephtis Kali Picosa, anak po ako ni Otima Mae Aurelia Picosa." Saad ko sabay nagpakilala, nakita ko namang nagulat ang mukha ni mama.

"Oh! May anak na pala si Aurelia? Noong umalis ako ay walang kapakya-pakyalam sa mundo iyon, di ko inaasayang may napakaganda siyang babaeng anak na ganito." Maligalig na saad ni mama. Kumpirmadong siya nga ang aking ina, dahil ganitong-ganito ang personality ni mama, walang duda. Ngunit nasamid naman ako sa sinabi niyang magandang babaeng anak daw ako haha.

"Hindi po ako babae at hindi rin po ako lalake. Ang totoo po niyan ay wala akong tiyak na kasarian." Saad ko naman kay mama. Yes mama na itatawag ko sa kanya tutal mama ko naman siya noon sa mundo ng mga tao.

"Ano? Genderless? Isa ka bang Dea?" Gulat na gulat na tanong sa akin ni mama. Ngumiti naman ako at sinabing, "hindi po." At saka namna siya tumnago-tango.

"By the way, pwede ba kitang tawaging Seph?" Nakangiting tanong sa akin ni mama. Napangiti naman ako at tumango.

"Yes naman po, pero pwede ko po ba kayong tawaging Mama Yoli?" Tanong ko dito kita ko namang nagluha ang mata nito at tumango.

"Lapit ka nga dito Seph nang mayakap kita." Utos ni Mama Yoli, kaya naman lumapit ako at niyak ko siya. Narmadaman ko namang nabasa ang aking balikat kaya humiwalay ako sa pagkakayakap at doon ko nakitang lumuluha na pala si Mama Yoli. Nginitian ko naman ito.

"Triste, naalala ko lang ang yumao kong anak, hays halos fourteen years na rin siyang patay ngayon." Saad ni Mama Yoli habang nagpupunas ng luha. Ngumiti lang ako, kung alam mo lang ma, buhay na buhay ako dito sa bagong katawan at bagong mundo.

"Siya nga pala Fuchsia, bakit kayo nandito sa Orion?" Tanong ni Mama Yoli kay Fuchsia.

"Ah, naghahanap kase ang aking Owner ng magandang lugar na pag-eensayuhan kaya dinala ko siya dito." Sagot naman ni Fuchsia. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Mama Yoli dahil doon.

"So ikaw pala ang napiling maging Owner ng isang Deus-like Fera na si Fuchsia na nangangahulugang isa kang napakalakas na Fantasian. Ano bang Hold mo Seph?" Saad ni Mama Yoli sa akin sabay bato ng tanong.

Sumagot naman ako, "uhm, ang Hold ko po ay ang Death Extinction Hold," kita ko naman napanganga si Mama Yoli, "ah?! So ikaw pala ang nakakuha ng Hold ng kapatid ko." Namamanghang saad nito kaya naman natatawang tumango ako dahil ganitong ganito ang ugali niya noong ako pa si Manuel Kagura Anastacio. I really miss her.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now