CHAPTER 83

109 16 2
                                    

CRACKS...

ARIOCH'S P.O.V

"Mahal na Haring Arioch, nahuli na raw po si Berno. Ano na pong hakbang ang gagawin natin? Ililigtas ba natin siya?" Pag-uulat sa akin ng aking Ministro. "Wala muna tayong gagawin ngayon HAHAHA." Tumatawang sagot ko na nagpatak sa kanya.

"Mukhang may pinaplano kayo, mahal na hari?" Nakangising tanong nito sa akin. "Huwag nating sirain ang kasiyahan, Albeo HAHAHA." Sagot ko naman ulit sa kanya.

"Sige kung iyan ang iyong nais, mahal na hari. Meron pa pala akong iuulat sa inyo na siguradong ikakatuwa niyo." Nakangising saad sa akin ni Albeo. "At ano iyon?" Tanong ko.

"Nasa bundok ng walang direksyon ngayon ang mga Royalties at kasama rin nila ang Life and Death Holder." Nakangising ulat sa akin nito na nakakuha ng buong atensyon ko. "Nangangahulugan ito na wala silang tagapagbantay." Saad ko habang nakangiti ng malapad.

"Ama! Nangangahulugan ding naroon si Zen! HAHAHAHA pupunta ako roon! Pupunta ako roon! Kukunin ko ang ulo nilang lahat! Lalong lalo na ang kay Zen!" Maligalig na sigaw ni Phobes, kaya naka-isip ako ng isang ideya upang matakot ang mga batang iyon.

"Phobes, gusto mo ba talagang makuha ang mga ulo nila, lalong lalo na ang kay Zen? Sige puntahan mo sila at ipakita ang iyong lakas HAHAHA." Utos ko sa aking anak. Ngumiti naman ito ng malapad.

"WAHHH!" Sigaw niya at sa isang pikit mata ay naubos na naman ang mga kawal na narito sa loob ng trono, dahil sa sobrang saya ni Phobes. Dahil sa sobrang bilis nito ay di ko namalayang nasa harap ko na siya at kita ngayon ang bahid ng dugo sa buong katawan niya, dahil sa mga kawal an napatay niya.

"Sige ama, paalam, hindi kita bibiguin." Nalangiting saad nito sabay naglaho.

"HAHAHAHA." Tawa ko. "Lumaking mabuting bata si Prince Phobes, mahal na hari, napalaki niuo siya ng tama." Puri ni Albeo na nginitian ko naman...

...

KALI'S P.O.V

"Sino ka?" Seryosong tanong ko rito.

"HAHAHA Ako si Phobes, Prinsepe ng Dark Continent HAHAHAHA." Pakilala nito sa akin. Bigla namang nagsigawan ang mga Lauma.

"Wah! Huwag mo kaming kainin!"

"Huwag!"

"Takbo!"

"Magsitakbo! Mga Lauma magsitago na kayo!" Sigaw ni Apo sa mga kasamahan niyang nagsisigawan na rin ngayon. Nagtaka naman kami sa mga isinisigaw ng mga Lauma na "huwag kainin?"

"HAHAHA ganyan nga mga Lauma! Matakot kayo sa akin! HAHAHA." Nakakatakot na sigaw at tawa nito. Tumingin naman ito sa akin sabay naglabas ng ngisi. "Nagpakilala na ako binibini, ikaw naman, sino ka?" Tanong nito sa akin. Nginisian ko rin naman ito at saka nagpalabas ng death aura, dahilan para mapa-atras siya at bumitaw sa pagdiin niya nv kanyang ispada sa aking payong.

"Ako? Ako nga pala si Sephtis Kali Picosa, isang hamak na Fantasian." Pakilala ko sa kanya, kita naman ngayong nagpapawis siya dahil sa kaba na naramdamdaman niya kaninang nagpalabas ako ng death aura - pero ilang saglit ap ay ngumisi na lamang ito.

"Napakagandang pangalan. Siguro mas gaganda ka kung idadagdag ko sa koleksyon ko ang ulo mo, kasama siyempre si Zen HAHAHA." Tumatawang saad nito na nagpataas ng kilay ko. Baliw ba ang lalaking ito? Nang tignan ko naman ang mga kasamahan ko ay bigla nilang pinalibutan si Zen na ngayon ay takot na takot, dahil siguro sa narinig.

"Kung iyan ang pakay mo ay hinding hindi kita papayagan sa balak mo." Seryosong babala ko rito. "HAHAHA tandaan mo, Kali, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko!" Sigaw nito sabay sugod sa amin. Kaya hinaramgan ko naman siya gamit ang aking payong, doon nga ay nagsalpukan ang mga ito na nagsanhi para mabuwala ang ilang mga puno rito sa bundok, dahil sa impact ng pagkalansing ng aming mga sandata.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now