CHAPTER 91

123 15 0
                                    

MISSION ACCOMPLISHED...

KALI'S P.O.V

Nang masaksak ko na ang aking sariling palad ay lumuhod na ako. "Patawad." Nasaad ko na lang sa harap ng tatlong nilalang. Kita ko namang ngumiti ang tatlo.

"Kali! Bakit mo ginawa iyan?!" Galit na tanong sa akin ni Kuya Lucian. Kaya humarap ako sa kanya. "Shhh, tiwala lang." Saad ko. Tumahimik naman siya. Bigla namang hinawakan ng tatlo ang dugong tumutulo mula aa aking palad at bigla na lang silang nag-apoy. Habang tinutupok ng apoy ang buo nilang katawan ay unti-unting nagiging mga bola ng apoy sila. Ilang saglit pa ay lumipad ang talong bola ng apoy sa himpapawid at nagdikit-dikit sila. Nanag makapagdikit silang tatlo ay bigla na lang silang sumabog at napuno naman ng usok ang buong paligid...

"Kali! Dilikado ito!" Sigaw naman ni Kuya Lucian. "Kuya, kalma lang. Magtiwala ka sa akin." Saad ko anman. Huminga lang ng malalim si kuya na nangangahulugang kinakalma na niya ang kanyang sarili. Ilang saglit la ang may narinig na kaming sigaw ng isang leon, kambing at ahas, sumunod naman doon ang pagaspas ng pakpak na humawi sa sa usok na nakapaligid sa amin. Doon nga ay nakita namin ang Chimera na may ulo ng leon, ulo ng kambing, may buntot na ulo ng ahas at isang pares ng puting na pakpak.

"Kali! Mag-iingat kayo!" Nag-aalalang sigaw ni Xavier sa amin gamit ang TeleCom. "Tiwala lang Xavier, walang mangyayaring masama." Sagot ko naman sa kanya gamit ang TeleCom.

"Ikinagagalak naming tatlo na nalaman mo ang sikreto para mapalabas ang pakpak namin." Dinig ko namang saad ng Chimera. Kaya napaharap naman ako rito. "Nabasa ko lang sa isa sa nga pinagbabawal na libro ang bagay na iyan, Chimera." Sagot ko naman sa Chimera.

"Kaytagal ng panahon magmula ng may Fantasian ang gumawa ng bagay na iyan. Lahat kase ng pumunta para huminhi ng aking balahibo ay nakikipagpatayan sa amin na hindi muna inaalam ang tunay na pakay namin." Saad naman ng Chimera. "Nakakatuwa naman na ako pala ang naka-alam nito."  Sagot ko naman sa Chimera. Nagulat naman ako sa pagyukong ginawa nito.

"Bakit ka yumuyuko, Chimera?" Tanong ko rito. "Labis lamang ang kagalakan naming tatlo, dahil sa wakas ay may taong naka-alam ng pakay namin. Pagod na pagod na kase kaming pumatay. Hindi namin sinasadyang pumatay, talagang mang-mang lang ang ibang Fantasian kaya napapatay namin sila." Emosyonal na paliwanag ng Chimera. Tumango-tango naman ako.

"Alam ko namang hindi niyo talaga sinasadya iyon. Pero maiba ako, maaari ba kaming makahingi, kahit isang piraso lang ng balahibo ng iyong pakpak?" Pag-iiba ko sa usapan. "Hindi pwede." Saad naman nito na nagpagulat sa akin. "Sige, kung iyan ang nais mo. Tara na kuya." Malungkot na saad ko naman at saka niyaya ng umalis si Kuya Lucian.

"HAHAHA." Tawa ng Chimera. Kaya napaharap ako sa kanila at huminga ng malalim. "Hindi lang kase isa ang ibibigay namin sa iyo, kung hindi ang buong pakpak na ito." Saad ng Chimera na nagpalaki ng mga mata ko. "T-Totoo?" Nauutal na tanong ko. Tumango-tango naman ang tatlong ulo nito.

"Ngunit, hindi niyo na ba kailangan ng iyong pakpak?" Tanong ko sa Chimera. "Sa totoo lang eh ayaw na namin ang pakpak na iyan, dahil diyan ay maraming namamatay." Sagot naman ng Chimera na nagpangiti sa akin. Napakabuti pala ng Fera na ito. "Kung iyan ang iyong nais ay hindi ko ito tatanggihan." Saad ko naman. Pero may bigla namang pumasok sa isip ko. Kung ibigay ko na lang kaya kay Guia ang pares ng puting pakpak na ito. Mas bagay kase sa kanya para mas lalo siyang magmukhang anghel.

"Teka lang, Chimera, maaari ko bang ibigay ang iyong pakpak sa isang Fantasian na alam kong mas magpapahalaga nito?" Tanong ko sa Chimera. "Oo naman, may tiwala kami sa iyo. Pero, pwede ba naming hilingin ang pagbibigay niyo ng proteksyon sa mga Pessoas Mas sa amin dito? Kahit bigyan niyo lang kami ng pananggalang na katulad ng ginagawa ng anghel na iyon." Saad naman ng Chimera sabay tingin kay Xavier.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now