CHAPTER 80

140 23 6
                                    

THE STORY OF SEMPITERNAL...

DIRETORA ANISHA'S P.O.V

(At Campo de Iris Academy.)

"Mahal na Diretora, narito na po lahat ng Ministro at parating na po lahat ng Sampung Anciàos Santos." Ulat ni Migs sa akin – ang aking vice. "Kung gayon ay ihanda na ang Optic's Room para sa gagamiting pagtitipon." Agad namang tumakbo paalis si Migs upang ihanda ang Optic's Room.

(Note ko lang guys. Optic's Room ay isa sa mga room na hindi pwedeng pasukin ng mga Irisian. Nasa Rules and Regulations yan sa Book#01)

Paanong nakalaya sa pagkakahimlay ang mga Sempiternal? Ang pagkaka-alam ko ay matagal na silang tinalo ng mga Deus at Dea gamit ang pinagsama-samang Hold nila ay napatay at hinimlay nila ang mga Sempiternal sa isang lugar na kung tawagin ay Himlayan ng mga Sempiternal. Ngunit paano silang nabuhay muli?

"Mahal na Diretora, narito na po ang mga Ministro at ang Sampung Anciàos Santos." Ulat naman sa akin ni Migs nanpinagtaka ko naman. "Ang Sampung Anciàos Santos mismo? At hindi gamit ang kanilang mga Fera upang makipagpulong?" Tanong ko. "Oo Diretora, sila nga." Seryosong tugon naman ni Migs. Tumango naman ako at lumakad na papuntang Optic's Room.

Ilang saglit pa nang makarating na ako sa harapang pinto ng Optic's Room ay kumatok muna ako. Bumukas naman ang pinto at doon ko na nakita ang mga Ministro at ang Sampung Anciàos Santos na naka-upo sa long table na nasa gitna ng hall, ngayon ko lang ulit masilayan ang mga mukha ng Sampung Anciàos Santos, kaytagal na ng panahon magmula ng ipinakita nila ang kanilang mukha, jaya siguro hindi sila nakikilala ng mga ministro ngayon. "Boa Noite, mga Ministro at mga Anciàos Santos, ikinagagalak ko ang inyong prisensya ngayon." Pagbati ko sabay yuko sa harapan nila.

"Anong atin Anisha?" Tanong naman ni Santos Damien, ang namumuno sa Sampung Anciàos Santos. "Marahil ay mabalitaan o nasabi na sa inyo ni Santos Esmeralda na buhay ng muli ang mga Sempiternal." Saad ko naman. Nakita ko naman ang namuong takot sa mukha ng Sampung Anciàos Santos, samantalang sa mga Ministro ay parang wala lang ito.

"Ano bang kinatatakot niyo eh, minsan na sipang gunapi ng ating mga Deus at Dea." Saad naman ng Ministro Abadel, ang Ministro ng Casa de Luz. "Mali ka riyan!" Sigaw naman ng pamilyar na boses sa may pinto. "Sino naman ang batang ito at nakikisali sa ating usapan?"  Nakataas kilay na tanong. Kita ko namang nagsitayo ang Sampung Anciàos Santos at biglang yumuko sa batang babae.

"Lapastangan!" Sigaw naman ni Damien na leader ng Anciàos Santos. "Anong karapatan mong tawagin moa kong lapastangan ah?! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang Ministro ng Casa de Luz!" Galit na sigaw naman ni  Ministro Abadel.

"Ako ba nakikilala mo? Ako nga pala si Damien, ang leader ng Sampung Anciàos Santos! At ang mukhang batang babaeng sinisigawan mo ay ang aming tanyag na gurong si Òtima Màe Aurelia Picosa!" Galit na sigaw din naman Santos Damien. Kita naman ngayon ang pagkagulat sa mukha ng ministro. Ang ibang ministro at ang aking mga Apresintador naman ay nag-umpisa ng magbulong-bulungan.

"Tahimik!" Sigaw naman ng Otima, dahilan para tumahimik ang lahat. "Maaari na kayong umupo Damien, uumpisahan ko na ang pagsisiwalat ng lihim tungkol sa mga Sempiternal." Utos ng Otima na agad naman sinundan ni Santos Damien.

"Ikaw din Anisha, maaari ka ng umupo, alam kong pagod ka na ngayong araw." Nalangiting utos sa akin ni Otima na agad ko naman sinunod. Kaya lumakad ako papunta sa inilaang silya sa akin na katabi ng aking mga Apresintador.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon