CHAPTER 106

133 10 9
                                    

THE MORTAL WORLD...

KALI'S POINT OF VIEW

"Ad mundi ianuam aperiendam, Hemisphaerio mundi huius praecipio ut nutrimenta ipsa sacrificent, permutatione centum annorum vitae meae!" Sigaw ni Nay Aurelia.

[Translation: To open the portal of the world, I command the Hemisphere of this world to sacrifice itself's nutrients, in exchange of my one hundred years worth of life!]

Bigla namang umilaw ng matindi ang cloud tree at lunitaw sa harapan namin ang napakalaking bitak na parang binasag na salamin sa manipis na hangin at mula doon ay nabuo ang parang black hole. Napaluhod naman si Nay Aurelia at biglang namuti ang buhok nito. Kaya naman lumapit kami ng mabilis sakanya para alalayan siya.

"Nay, ayos lang po ba kayo?" Tanong ko.

Nginitian naman ako ni Nay Aurelia at tumayo na inalalayan naman namin ni Guia.

"Pumasok na kayo, bago pa magsara ang portal."

Kaya naman tumakbo na ang mga Royalties at sila Guia sa loob. Hinawakan naman ni nanay ang balikat ko. Kaya napaharap ako sakanya.

"Yes po?" Tanong ko.

Inabot naman niya sakin ang isang crystal na kulay rainbow na may korteng bulaklak na dahlia.

"Ano po ito?" Tanong ko.

"Kunin mo, iyan ang Solitaire of Floresta. Kapag napunta kayo sa mapanganib na sitwasyon ay basagin mo lang iyan para madala kayo nito sa Floresta Encandata agad," Sabi niya.

Linagay ko ito sa pocket ng bulsa ko at nginitian ang aking ina at saka ito hinalikan sa may noo. Pagkatapos ay tumakbo na ako papasok sa portal at natumambad sakin ang parang tunnel na gawa sa galaxy na nahpabilib sakin.

"Ang tagal mo naman kuya," Sabi ni Guia.

Bumalik ako sa wisyo at nakitang naglalakad na sila papunta naman sa dulo ng galactic tunnel na ito na kita ang pagbusina at usok ng mga pamilyar na jeep sakin at ang mga nagtataasang gusali.

"Mukhang babalik na naman ako sa dati kong mundo," Bulong ko.

Mukhang narinig naman ito ni Guia kaya napangiti ito sakin.

"Should I say welcome home?" Tanong ni Guia.

Napangisi naman ako at iiling-iling na pumunta sakanya at niyakap siya.

"Ang bagal niyong dalawa, malapit nang magsara ang portal!" Sigaw ni Ate Adhira.

Tumakbo namna kaming dalawa papunta sakanila at nang pagkatapak ko sa mundong pinagmulan ko ay siya namang pagsara ng portal at siya rin namang pagbalik ng masasakut na ala-alang iniwan ko rito.

"Ano ang mga nilalang at mga bagay na nakikita ko? Hindi sila pamilyar, may i ang klaseng damit, may mga naglalakihang guslai. Ang gulo, nasaan tayo napunta? Sa pamilihan?" Sunod-sunod na nagtatakang tanong ni Rhys.

Napasapo naman ako ng noo dahil sa pagka-dismaya sa napuntahan naming lugar.

"Dyusko Cloud Tree, sa lahat ba namna ng lugar bakit dito pa sa divisorya?" Bulong ko sa sarili ko.

Kuha namin lahat ng

May bunggo naman sakin at nang pagkatingin ko ay isang binatilyo na gwapo, ngunit sira-sira ang suot na damit. Mga batang hamog ba ang tawag sa mga ito?

"Hoy, kung mag-cocosplay kayo, huwag kayo haharang-harang sa daan. Maraming mamimili ngayon na magpapasko pa naman!" Sigaw ng binatilyo sabay lakad paalis.

Parang napikon naman ako at akma sana itong kukutusan nang pigilan ako ni Guia.

"Kuya, maghunos-dili ka. Need mo pa kaming i-guide sa mundong ito," Sabi niya sabay kindat, "Hindi ba nakabasa ka na ng librong patungkol sa mundo ng mga mortal dati, kuya? I-guide mo namn kami!"

Nakuha naman ni Guia ang pansin ng iba pa naming mga kasama.

"T-Tara, may alam akong matutuluyan natin ng pansamantala,"  Sabi ko.

Alam ko pa naman ang itsura at ang eksaktong lugar kung saan nakatayo ang ng bahay namin dito, kaya baka posible kong gamitin ang swift walk.

"Saan ba iyan? Baka ipahamak mo kami ah?" Sarkastikong tanong ni Norvana na kapit na kapit ngayon kay Rhys na parang tatakas ito.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at tumingin sakanya ng malamlam.

"Edi kung ayaw mo, huwag kang sumama," Malamig na sabi ko.

Umirap na lang ito ang suminga na nahpangisi sakin.

"Humawak na kayo sakin para makapunta tayo agad doon."

Humawak naman silang lahat sa balikat ko.

"Pumikit na kayo ngayon," utos ko.

Pumikit naman silang lahat at pipikit narin sana ako ng maramdaman ko ang isang kamay na nahpadausdos papunta sa kamay ko.

"Rhys." Bulong ko habang umiling-iling.

Hinahiwi ko ang kamay niya at saka ito kinuha at inilagay sa balikat ko. Pagkatapos ay pumikit na ako at ginawa ang swift walk...

Nang maramdaman ko nang nasa destinasyon na kami ay binuksan ko na ang mga mata ko at nakita kong may napakalaking shot gun na may korte ng isang puting usa ang nakatutok sa ulo ko na nagpabigla sakin.

"Sino kayo? Isa ba kayo sa mga Sempiternal na ipunadala ni Yuwe para patayin ako?!" Sigaw ng isang pamilyar na babae na nasa harapan ko ngayon.

"K-Kalmahan niyo po, hindi po kami Sempiternal. Pinadala po kami rito ng mga Santos para sunduin ang babaeng nagngangalang Yoli Equinox," sabi ni Guia.

Ibinababa naman ng babaeng kaharap ko ngayon ang shotgun at sinabing, "Ano ang kailangan ng mga Santos sakin?"

"Oh! Kayo po si Yoli?" Tanong ni Ate Adhira.

Wala naman akong masambit na salita dahil sa kaharap ko na naman ang inang nagsilang sakin sa mundong ito. Nakaramdam naman ako ng tapik sa balikat.

"Pasensya na, mukhang nagulat ata kita," sabi nito.

Nginitian ko naman siya at huminga ng malalim.

"Ayos lang po," sagot ko.

Niliitan niya naman ako ng mata at saka itinabingi ang ulo nito na nagparamdam naman ng pagtataka sakin.

"May dumi po ba ako sa mukha?" Tanong ko.

"Nagkita na ba tayo? Pamilyar kase ang mukha mo sakin."

Napangiti naman ako at saka napakamot sa ulo ko nang maalala kong nagkita nga kami noon.

"Opo, sa Orion."

Tumango-tango naman ito at sa nhinitian din ako.

"Kaya pala, nice meeting you again."

Inoffer niya sakin ang kamay niya na kinuha ko naman. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito at hinila ako papunta s alikuran niya at saka ito tumalon at saka niya tinaas ang kanyang kanang kamay na bumuo naman sa kulay itim n barrier na humarang naman sa napakalakas na sound wave.

"What, paanong hindi natin narinig ang sound wave na iyon?" Takang tanong ni Xavier.

"Sempiternal of Sound Waves," bulong ni Nay Yoli habang nakatingin sa itaas.

Napatingin naman din kami sa tinitignan niya. Kaya nakita rin namin ang tatlong nilalang na pababa galing sa itaas...

"Kali, pumasok kayo sa loob. Iligtas niyo ang dalawang mortal na nas aloib ng bahay, mauna na kayong pumunta sa Mundo da Fantasia at susunod ako kapag nakahanap ako ng tyempo," sabi niya.

"Paano ka nay—I mean Yoli, kaya mo na silang tatlo?"

Nginisian niya namna ako at nag-tumbs-up pa.

"Ako pa ba? Bilis na, sundin niyo na ang sinabi ko!" Sigaw niya. Kaya naman nagmadali kaming pumasok sa loob...

...

Sorry sa madalang na update, super busy ko na talaga. Akala ko katapos ng Wednesday wala ng mga gagawin, mas tinambakan pa kami.

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now