CHAPTER 84

116 14 5
                                    

CURSED...

ARIOCH'S P.O.V

"Mahal na hari, malala po ang lagay ng prinsepe." Saad bigla ni Albeo na kalilitaw lang sa harapan ko habang buhat-buhat si Phobes na napakaraming sugat sa mukha. Napatayo naman ako sa aking nakita. "Ipatawag lahat ng Healer Holder!" Sigaw ko sa mga kawal, agad naman silang nagsitakbo. Lumapit naman ako sa kilalagyan nila Albeo at kinuha mula sa kanya ang aking anak.

"Sinong may gawa nito! Sinong may gawa nito!" Galit na sigaw ko.

"Anong-"

"PHOBES!" Putol ni Olivia sa sasabihin niya nang makita niya si Phobes at saka tumakbong pumunta sa kilalagyan namin. "Anong magyari sa kanya? Sinong may gawa nito?!" Umiiyak na sigaw ni Olivia.

"Ang Death Holder, mahal na hari at reyna." Sagot naman ni Albeo. "Kali." Dinig ko namang bulong ni Akuji.

"Gaganti tayo. Gaganti tayo!" Sigaw ko. Nagulat naman kaming lahat ng may kulay itim na bilog na Energia ang biglang lumitaw sa harapan namin.

"Gyehoeghan daelo jinhaenghaji maseyo, Arioch. geudeul-i meonjeo jeulgeobge jinaego joyonghan salm-eul nulige hala HAHAHA." Pigil sa akin ng Deus Lucifero.

[Translation: Huwag mong itutuloy ang iyong binabalak, Arioch. Ayahan mo muna silang magsaya at namnamanin ang kanilang tahimik na buhay HAHAHA.]

"Geuleona nae adeul Deus Luciferoneun eotteohseubnikka? naneun bogsuleul haeya handa!" Galit na saad ko sa Deus, nginitian lang naman ako nito na pinagtaka ko.

[Translation: Ngunit papaano na ang anak ko, Deus Lucifero? Kailangan kong maghiganti!]

"Geogjeonghaji maseyo. gakkawoss-eoyo, Arioch. sigan munjeil ppun-igo uli gyehoeg-i sewojil geos-ibnida. geu modeun geos-eul pagoehago sipseubnikka?" Nakangising tanong sa akin ng Deus. Huminga naman ako ng malalim dahil sa napa-isip nga ako sa mga sinabi ni Deus Lucifero.

[Translation: Huwag kang mag-alala, malapit na, Arioch, kaunting oras na lang at mabubuo na ang mga plano natin. Gusto mo bang sirain lahat iyon?]

"Jeoman mid-euseyo, geunyang mid-euseyo." Saad sa akin ng Deus at saka ito nawala. Siya naman pagdating ng mga Healer at sinusubukan ng pagalingin ang walang malay na si Phobes.

[Translation: Magtiwala ka lang sa akin, tiwala lang.]

"Humanda ka sa akin, Kali, sa araw ng magkita tayong muli ay sisiguraduhin ko ng mawawalan ka na ng buhay." Bulong ko sa hangin...

...

KALI'S P.O.V

"Iyon ay dahil kami ang Anti Hold Barrier." Saad ni Apo na nagpabigla sa amin.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" Tanong naman ni Guia.

"Ang puso namin ang sangkap upang magawa ang isang Anti-Hold Barrier." Sagot naman ni Apo na nagapbigla sa amin. "K-Kung ganon ay isang puso para sa isang barrier? Napakawalang awa naman ng mga taga Dark Continent." Tanong ko.

"Sa totoo niyan, Kali, di lang usang puso ang kailangan sa isang Anti-Hold Barrier - ang kailanhan para makabuo ka ng isang maliit na barrier ay isang daang puso ng mga Lauma." Saad naman ni Apo na nagpatulala sa akin, dahil sa naisip kong napakalaki ng Anti-Hold Barrier na ginamit sa amin noon ni Lilith na nangangahulugang naapkaraming pinatay na Lauma para lang mabuo iyon. Kaya naman di ko alam na tumulo na pala ang mga luha ko dahil doon.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now