CHAPTER 81

150 14 6
                                    

NO DIRECTION...

DIRETORA ANISHA'S P.O.V

"HULIHIN ANG TAKSIL!" Sigaw ko kaya naman nagsilapitan nagsilapitan sa Ministro ng Estados de brisa Unidos ang mga Anciàos Santos wt inilabas ang kanilang kanya-kanyang Held at itinutok ito sa leeg ng Ministro. Ngumisi naman ang Ministro at humalakhak ng sobrang lakas.

"HAHAHA." Malakas na tawa mg Ministro. Sinuntok naman siya ni Santos Esmael. Ang Clouds Holder at ang may pinakama-init na ulo sa kanila. "Huwag kang tumawa nakaka-irita! Sumuko ka na lang ng matino para wala ng gulo!" Sigaw ng Santos. Ngunit nginisian lang siya ng Ministro at bigla na lang nalusaw ng unti-unti ito hanggang sa maging itim na buhangin ito at inihip ng hangin. "Tumatakas siya! Pigila siya!" Sigaw ng Otima kaya naman dali-dali akong naglabas ng sobrang lakas na Sleeping Aura. Magsitumba naman ang ibang mga Ministro dahil hindi nila makayanan ang Aura ko at bigla namang bumalik sa dati ang Ministro.

"Maaring mapigilan mo ako sa anyong ito, ngunit paano kaya pag ito!" Sigaw nito at nabalutan ito ng itim na buhangin at doon lumitaw ang isang lalaking may malaking sugat na hiwa ang mukha, mataba at nakasuot ng itim na roba. Kilalang-kilala ko ang pigurang ito, nag pigurang pumatay sa aking ama.

"Nagkita tayong muli, Berno." Seryosong saad ni Otima Aurelia sa kanang kamay ng Hari ng Dark Continent. "Nagagalak ako na makita ka Aurelia, kay tagal na panahon simula ng makaharap kita HAHAHA." Tawang-tawang saad nito sa Otima.

"Papatayin kita!" Sigaw ko dahil sa biglang bugso ng aking emosyon. Kaya nilabas ko ang Held ko na may korteng sibat at tumalbo ako papalapit sa kanya. Ngunit nang masaksak ko na siya ay lumusot lamang sa katawan niyang mala buhangin ang aking sibat. "Tsk, tsk, tsk. Hindi mo ako mapapatay sa pipityugin mong Held, anak ni Irano. Parehas kayong walang kwenta ng iyong ama! HAHAHA." Tawang-tawang pang-iinsulto nito sa akin na lalo kong ikinagalit kaya tinadtad ko siya ng saksak na lumulusot lang sa kanyang katawan. "AHHH!" Sigaw ko habang gigil na gigil na masaksak siya.

"Anisha, tama na." Bulong naman sa akin ni Santos Emerald. Ang Utility Holder. Kumalma naman ako at itinigil ang pagsaksak ko. "HAHAHA iyon na ang kaya mong gawin?" Pang-iinsultong tanong nito sa akin.

"Mukhang lumaki ata ang ulo mo Berno? Nakakalimutan mo atang narito ang gumawa ng sugat sa iyong mukha Hahaha." Sabat naman ni Santos Andromeda. Ang Star Holder. Nakita ko namang naging takot ang ekspresyon ng mukha ni Berno nang marinig niyang magsalita ang Santos

"B-Bakit hindi kita nakita kanina Andromeda? Ah! Huwag mo akong sasaktan!" Natatakot na saad ni Berno habang nakasabunot pa sa kanyang buhok. "Hindi mo talaga ako makikita. Walang makakakita sa akin kung hindi ko pahihintulutqn ang kanilang mga mata na makita ako." Seryosong saad ni Santos Andromeda kay Berno. "Susuko ka ba o tatapusin na kita, Berno?" Nakangising tanong ni Santos Andromeda. Kita mo naman ngayon ang takot sa mukha ng Ministro. "AHHH!" Sigaw nito sabay nagpalabas siya ng Death Aura. Di naman kami matinag dahil napakahina lamang ng kanyang Death Aura.

"Yun na 'yon, Berno?" Walang ganang sagot ni Santos Andromeda. "HAHAHA hindi pa Andromeda!" Natatawang saad ni Berno at doon nga ay unti-unting naging itim na buhangin ito at doon nga ay humalo ito sa hangin at bumuo ito ng isang kulungan na kumulong saamin dito.

"Ngayon, wala na kayong magagawa dahil nakakulong na kayo rito sa loob ng aking katawan HAHAHA." Dumadagundong na tawa nito at unti-unti na naman siyang naging itim na buhangin na bumalot sa buong Optic's Room at kumulong sa amin. "Ngayon! Wala na kayong magagawa kung hindi antayin ang kamatayan niyo at mabaon sa aking katawan! Ah!" Sigaw nito sabay unti-unti kaming tintaabunan nito.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now