CHAPTER 105

77 8 0
                                    

THE EFFECTS...

KALI'S POINT OF VIEW

"B-Bakit hindi ako makagalaw?" Tanong ko.

Naka-pwesto sa magkabilang gilid ang dalawang symbulo; sa kaliwa ko ay parang snow flakes, ang sa kanan ko naman ay pa-eks. Habang nasa harapan ko naman ang kakaibang hugis na symbulo na parang kalahati ng araw.

"Hindi ka talag makakagalaw sa mga runes na iyan. Ang rune of winter na Hagal ang nasa kaliwa mo ang nag-papayelo ngayon s amga nerves mo, habang ang runes of of partnership naman na Gebo na nas kanan mo ang nagpapalakas sa kasama niyang runes, at ang nasa harapan mo naman ang Sol rune na rune of destruction naman ang nagpapatigil sa Hold-Being mo sa paggalaw." Paliwanag nito.

"Sino ka ah?!" Sigaw ko.

Bunuo naman siya ng isang maliit na parang nakatagilid na hour-glass at itinapat ito kay Virii. Pagkatapos no'n ay nahimatay ang kaninang nag-dedelusion pang si Virii dahil sa hold power ko. Binitbit niya naman si Virii at saka tumingin sakin.

"Ako nga pala si Herel, ang Sempiternal of Runes. Hindi pa kita pwedeng patayin, Kali. Hindi pa iniutos ng aming leader. Sa ngayon, iuuwi ko muna ang talunang ito, paalam. Hanggang sa muli nating paghaharap!" Sigaw nito at saka itinaas ang kaliwang kamay niya.

Naglabas naman ito ng napakaraming simbulo na lumutang sa uluhan nito at ilang saglit pa ay mistulay bula silang nawala sa harapan ko at kasabay no'n ang pagkawala ng tatlong runes na pumipigil sa paggalaw ko. Napa-higa naman ako s alupa dahil sa sobrang pagod ang naramdaman ko.

"Shit!" Sigaw nang maramdaman ko na ang mga side effects ng mga Hold Power na ginamit ko. Wala na akong makita at sobrang sakit na rin ng ulo ko na parang pinupukpok ito ng martilyo. Marahil dahil sa side effect ng Destructive Eye na half day temporary blindness at ng Reality Destruction na one day extreme headache.

"Kuya! Anong nangyayare sayo?!" Dinig kong sigaw ni Guia. Pero dahil wala akong makita ay hindi ko alam kung nasan siya.

"G-Guia, nasan ka?" Tanong ko habang kinakapa-kapa ko sa ere ang aking kamay, ramdam ko namang may humawak dito. Napa-iyak naman ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Nandito ako kuya, ano ba ang nangyare sayo?" Tanong niya.

"G-Guia, patulugin mo na muna ako. Hindi ko na kaya!" Sigaw ko.

"Ah? Ano bang ginawa sayo ng nakalaban mo?" Tanong ni Guia. Umiling naman ako at biglang pumitik ang ugat ko sa ulo na nag-resulta ng sobrang sakit na sensasyon.

"S-Side effects ito ng paggamit ko sa Hold Power ko," Nahihirapang sagot ko.

Ramdam ko namnag dumapo ang palad ni Guia sa uluhan ko at may napaka-relaxing na sensyasyon ang bumalot sa katawan ko na naging dahilan naman oara makaramdam ako ng antok...

...

GUIA'S POINT OF VIEW

Nang mapansin kong nakatulog na si kuya sa paggamiy ko ng Healing Touch sakanya ay ipinatong ko ang ulo niya sa aking legs para maging komportable ito sa pagtulog. Tulog ang lahat ng napaggaling ko at ako na lang ang natitirang gising saming lahat.

"Nakakainip naman," Sabi ko. Nagulat naman ako nang may sampong pamilyar na tao ang bumabab sa harapan ko.

"Guia, anong nangyari kay Kali? Napuruhan ba siya ng isang Sempiternal?" Nag-aalalang tanong ni Santos Esmeralda. Umiling-iling naman ako bilang sagot.

"Hindi po ito dahil sa Sempiternal na nakalaban niya, dahil po ito sa side effects ng Hold Powers na ginamit niya kanina," Sagot ko.

"Pasensya naa kung hindi agad kami naka-responde. Mukhang hinarangan ni Yuwel ang buong Soberania Das Terras ng isa sa lima niyang Hold na Force Field," Sabi ni Santos Damien. Nginitian ko naman siya at inilingan.

"Ayos lang po iyon, Santos Damien. Naiintindihan ko po," Sagot ko naman. Naging seryoso naman ang mukha nilang lahat na nagpataka sakin.

"May naghihintay sainyo ngayon sa Campo De Iris Academy, kailangan namin kayong i-uwi agad," Sabi ni Santos Phobus. Napataas naman bigla ang kilay ko.

"Bakit po? Anong nangyayari?" Tanong ko nang mapabaling ako sakanya.

"Basta, malalaman niyo pagbalik natin sa academy." Simpleng sagot ng Santos at saka binuhat ai Kuya Kali.

"Kami na ang bunuhat sa mga prinsepe at prinsesa," sabi ni Santos Esmeralda at saka bumaling sakin, "Guia. Kaya mo namang mah-swift walk hindi ba?"

Tinanguan ko naman siya. Kaya nginitian niya ako at saka sila nag-swift walk papunta sa sinasakyan naming Fera kanina at saka na ako pumikit at ginamit na ang swift walk para makapunta agad sa Diretora's Office...

"Guia!" Isang pamilyar na boses naman ang nagpabukas ng mata ko. Pagbukas na pagbukas ng mata ko ay punatak na lang ng kusa ang mga luha ko at oatakbo akong yumakap sakanya.

"Nay Aurelia! Na-miss mo kita!" Sigaw ko habang nakayakao sakanya.

"Na-miss din kita, Guia. Nasan oala si Kali?" Tanong nito sakin. Kaya humiwalay muna ako sakanya at nagpunas ng luha.

"Pinatulog ko siya, nay. Inatake kase siya ng side effects ng Hold Powers niya. Linaban niya kase ang isang Sempiternal na nagngangalang Virii," Sagot ko na nagpatigil kay Nay Aurelia...

...

KALI'S POINT OF VIEW

"Since this is urgent, kayo muna ang ipapadala ko sa mission ito at maiiwan muna ang walang pang malay na si Kali," Dinig ko ang boses ng Diretora. Sinubukan ko namang imulat ang aking mata, pero hindi ko magawa para sana malaman nilang may malay na ako.

"Saan po ba ang mission na iyan, Diretora Anisha?" Dinig kong tanong ni Guia.

"Sa mundo ng mga mortal, may hahanapin kayong nilalang na dting naninirahan dito, ngunit piniling doon na lang tumira," Sagot ni Nay Aurelia. Ah? Bakit siya nandito?

"Sino namna po?" Tanong ni Ate Adhira.

"Si Yolanda Equinox, ang kapatid ng dating Haring Equinox," Sagot ni Santos Esmeralda. Para namang nabuhayan ang dugo ko at nagpalakas bigla sakin sa pagbanggit nila sa pangalang iyon. Dagli akong napatayo sa higahan at sunod-sunod na huminga ng malalim.

"Isa ma niyo ako, kailangan kong makausap ang babaeng iyon. Kailangan ko siyang makita!" Sigaw ko na nagpagulat sakanilang lahat...

...

Sorry for the long wait. Busy sa school, ang daming quizzes HUHUHU!

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now