CHAPTER 82

131 19 10
                                    

MEET THE PSYCHO...

KALI'S P.O.V

"Narito na tayo, kaya magsihanda na kayo sa pag-akyat sa bundok ng walang direksyon." Paalala sa amin ni Prince Burnt. "Paganahin mo na ang Ring Map, Flame." Utos naman niya sa kanyang kapatid.

"Kuya, matanong ko lang, 'di ba ikaw ang nilalapitan ng mga Fantasian na nagnanais puntahan ang Chinera?" Tanong ni Prince Glenn kay Prince Burnt. "Yup." Sagot naman ni Prince Burnt. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit nag-iiba-iba ng direksyon ang bundok?" Tanong ng prinsepe. Napa-isip naman ako bigla dahil doon, nang tumingin ako sa aking mga kasamahan ay ganun din ang kanilang naging ekspresyon.

"Well, malaking misteryo nga ang bundok na iyan, sa totoo nga ay kahit ang mismong hari na aming ama ay hindi alam kung bakit ganyan ang bundok. Isa pa bago kami makababa noon dito ay umaabot kami ng thirty days." Sagot naman ni Prince Burnt na nagpaguhit pa lalo ng pagtataka sa aminv mga mukha.

"HAHAHA." Tawa naman ni Princess Shaine bigla na kumuha ng atensyon namin. "Ano namang tinatawa-tawa mo riyan sis?" Tanong naman ni Prince Glenn sa kanyang kapatid.

"May naisip lang ako. Ano kaya kung imbistigahan muna natin ang misteryo ng bundok na iyan?" Tanong nito sa amin. "I agree." Simpleng sagot ko naman. Kita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Shaine at ilang oras pa ay nginitian ako nito.

"I also agree, ako rin kase ay nagtataka kung bakit nagkakaganyan yang bundok na iyan." Sagot naman ni Rhys na nagpabigla sa akin. Shit bakit ba kapag naririnig ko siya ay nagiging awkward pakiramdam ko.

"Yay! Adventure!" Sabay na sigaw naman nila Guia at Princess Zen. Nagkatitigan at nagtawanan naman sila.

"How about others? Gusto niyo rin ba?" Tanong ni Prince Burnt sa iba. Nagtanguan naman sila. "Kung gayon ay magsi-akyat na tayo sa bundok at alamin ang misteryo nito." Saad naman ni Prince Burnt at nagsimula ng maglakad pa-akyat ng bundok, kaya sumunod naman kami.

"Buksan mo na ang Ring Map, Flame."  Utos ng Prince Burnt sa kanyang kapatid na agad naman nitong sinunda at doon namin nakita na talaga ngang ibang iba ang Ring Map na pagmamay-ari ng Hari kaysa sa Ring Map ng aming akademya – dahil naka-project ngayon ang buong struktura ng bundok na ito.

Maganda naman ang gubat dito sa bundok, dahil sa naglalakihang mga puno at mga bulalak na may iba't ibang kulay. Pero napansin ko lang, bakit kaya mga walang neutral fera akong nakita sa paglalakad naming ito. Ilang saglit pa ay humangin ng malakas na nagpatigil kay Prince Burnt na nasa unahan na pinagtaka namin.

"Bakit ka tumigil, mahal na prinsepe?" Tanong ko. "Nag-iba na ng direksyon ang bundok, mali na ang tinatahak nating direksyon." Sagot naman nito. "So, saan na ang direksyon na dapat nating tahakin?" Tanong ko ulit.

"Kailangan nating tumalikod at tahakin ang direksyon sa ating likod." Sagot naman ni Prince Flame na may hawak ng Ring Map. "Ano? Babalik tayo sa ating pinanggalingan?" Takang tanong naman ni Ate Adhira.

"Hindi, dahil kapag patuloy pa nating tinahak ang daan na ito ay maliligaw na tayo ng husto, tandaan mo. Nag-iiba-iba ang direksyon ng bundok na ito bawat isang minuto." Sagot naman ni Prince Burnt. Kaya wala na kaming magawa kung hindi sumunod na lang. Kaya naglakad na kami sa sinabing direksyon ng prinsepe. Naramdaman ko naman ang mga yabag ng hindi lang isang nilalang. Sabi ko na nga ba eh, mayroong mga nilalang namamahala rito. Kaya naisipan kong kausapin silang lahat gamit ang MassCom (Mass Telephaty Communication.) Para isahan na lang ang apgbibigay alam ko sa kanila.

"Guys, may mga yabag ng mga nilalang ngayon-ngayon lang." Saad ko gamit ang MassCom. Bigla namang napatingin silang lahat aa akin, at nagtinginan naman sila sa isa't isa ng may pagtataka sa kanilang nga mukha.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now