CHAPTER 86

110 18 5
                                    

GHOULS...

GUIA'S P.O.V

Kasalukuyan na nga akong nakahalik kay Prince Elior at sinisip-sip ko na ang kanyang labi. Gosh! Sumasama dila niya sa bawat sip-sip ko, pero 'di ko na lang pinapansin iyon. Ang nasa utak ko ngayon ay maisalba ang mahal na prinsepe.

"Ayan! Pawala na ang kulay itim na bumabalot kay Kuya Tan-tan." Saad naman ni Princess Zen. Kaya mas diniinan at binilisan ko pa ang pagsip-sip ng labi ni Prince Elior. Hangang sa parang may kung anong na-ipon sa bibig ko kaya naman napabitaw ako sa pagsip-sip ko sa labi ng prinsepe at niluwa ang kung ano mang nasa bibig ko.

Nang mailuwa ko na ito ay doon ko nakita ang itim na likido na gumagalaw-galaw pa. "Yuck!" Nasabi ko na lang.

"Ahhh!" Sigaw naman ni Prince Elior habang nagpapakawala pa ng malalalim na buntong-hininga. "Ayos ka na ba, Tan-tan?" Tanong naman ni Prince Burnt.

"O-Oo, Kuya Burnt, ayos na ako." Sagot naman ni Prince Elior. "Kaya mo na bang maglakad o hindi?" Tanong ni Prince Burnt. "Kaya ko namang maglakad kung may naka-alalay sa akin. Isa pa ayaw kong maging sagabal sa misyon." Saad naman ni Prince Elior. Grabe ang laki ng pinagka-iba niya. Parang noon lang crush ko lang siya ngayon mahal k- wait Hala! Secret lang pala iyon.

Napansin naman ata ni Prince Elior na nakatitig ako sa kanya. Kaya naman tumingin ito sa aking sabay ngiti. Kaya anman napayuko ako. Hala kinikilig ako.

"Tsk, tsk, tsk. Parang mga tanga talaga mga in love." Parinig naman ni Ate Adhira. Kaya anman tinignan ko siya ng masama, ngunit nginisian niya lang naman ako.

"So, sino aalalay kay Tan-tan?" Tanong naman ni Prince Burnt. "Ako na lang kuya." Prisenta naman ni Kuya Rhys.

"K-Kuya, pwedeng si G-Guia na lang?" Sabat naman ni Prince Elior na nagpagulat sa akin. "Baka mabigatan si Guia sa iyo." Saad naman ni Kuya Rhys. "Hindi 'yan kuya. Mabibigatan ka ba sa akin Guia?" Tanong naman ng prinsepe habang nakangisi.

"H-Hindi man." Sagot ko naman. Wah! Bakit ako nag-agree. "See? Dito na Guia, alalayan mo na ako." Utos naman ni Prince Elior. Agad namang gumalaw ang katawan ko at umakbay ito sa akin, doon nga ay naglakad na kami. Bakit ganito, nakararamdam ako ng excitement tuwing lumalapit ako kay Prince Elior.

"Guia, may sasabihin ako, medyo magpahuli tayo sa kanila." Bulong naman sa akin ng prinsepe na agad ko namang sinunod. "A-Ano bang pag-uusapan natin mahal na prinsepe?" Tanong ko naman.

"Una sa lahat, huwag mo na akong tawaging Prince Elior. Kahit Tan-tan na lang itawag mo sa akin." Nakangiting saad naman nito. Nakararamdam naman ako nh kilig dahil doon. "O-Okay Prince Tan-tan." Sagot ko naman.

"Kahit huwag mo ng bigyan ng Prince." Saad naman nito. "O-Okay Tan-tan. A-Ano pa lang gusto mong sabihin?" Tanong ko.

"Guia, m-mahal na ata kita." Saad niya na nagapbigla sa akin. "A-Ano? Halos wala pa ngang isang linggo sa pagiging close natin eh. Baka nalilito ka lang at apektado ka parin sa break-up niyo ni Princess Guen." Palusot ko naman sa kanya.

"Hinde Guia, a-ang totoo niyan ay unang kita ko p-palang sa iyo noon ay may naramdaman na akong kakaiba sa iyo. Pinipilit ko pa ngang labanan kaso lalo lang lumala." Kwento naman nito na nagpabigla sa akin. "Tapos noong naging seatmate tayo ay mas lalong lumala, napabayaan ko narin si Guen. Yung mga dati naming ginagawa ay 'di na namin noon na gawa kaya nakipag-break siya sa akin. Sabi niya nga 'di ba nag-iba na raw ako." Paliwanag naman nito sa akin.

"K-Kung iyan talaga ang nararamdaman mo ay wala naman akong karapatang pigilan iyan." Simpleng saad ko naman.

"G-Guia, kung manliligaw ba ako sa iyo, magagalit ka ba?" Tanong nito an nagpabigla sa akin. Wah! Ano ba naman 'yan biglang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis tapos parang natatae ako na ewan kase parang may kung ano sa tiyan ko! Wah! Mababaliw na ata ako. Pero kalma Guia, kalma lang. Pakipot ka muna. Magagalit si kuya mo.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon