CHAPTER 87

102 14 4
                                    

UNDERSTANDING...

KALI'S P.O.V

"Maaaring may nangyayari sa dimensyon mo na nakaka-apekto sa aking dimensyon o maaaring may nakakaramdam ng panganib ang iyong mismong katawan mo." Saad ni Death na nagpatakot sa akin.

"Maaari na ba akong bumalik sa tunay kong dimensyon, Death?"  Tanong ko naman kay Death. "Kali, alam mo namang hindi parin tapos ang side effect ng Hold Power mo kanina."  Sagot naman ni Death.

"Wala na bang ibang paraan? Baka nasa panganib na ang mga kasama ko." Kinakabahang saad ko kay Death. "Meron pang paraan, Kali, ngunit mapanganib ito." Seryosong saad ni Death. Napalunok naman ako dahil doon.

"I will take a risk, if it is for the sake of my family," seryosong saad ko rin kay Death, "ano bang gagawin, Death?" Tanong ko ulit. "Sasakupin ko ang katawan mo ata ako ang kokontrol dito. Iyon na lang ang paraan na nakikita ko." Saad ni Death.

"Wala naman sigurong side effect iyon 'di ba?" Nag-aalangang tanong ko. "Meron. Maaari kong makain ang kaluluwa mo at mapatay kita." Seryosong saad ni Death. Bigla naman akong na ngilabot dahil sa takot na naramdaman ko, pero inisip ko na lang ang kalagayan ng mga kasamahan ko. Kaya naman ibinuka ko ang aking mga bisig at pumikit.

"Sakupin mo akong buo, Death, kahit na buhay ko pa ang maging kapalit." Saad ko. Isinusuko ko na kay Death ang aking buong buhay.  Kita ko namang tumango si Death. Ibinuka na rin ni Death ang kanyang bisig at bigla na alang siyang naging usok na sumakop sa aking katawan. Nakaramdam naman ako ng kakaibang sensasyon sa buong katawan ko. Para bang naglalaban ang init at lamig, hanggang sa parang nawawalan na ako ng mga pandama at pakiramdam...

...

DEATH'S P.O.V

Nang magmulat na ako ng mata ay nakita ko namang dala-dala ng isang halimaw ang katawan ni Kali. Kaya naman agad kong ginamit ang Cursed Touch na naging dahilan para humiyaw ito sa sakit. Kita ko namang may isang Fantasian pa palang hawak ang haliwa kaya naman sinalo ko ang walang malay na katawan nito. Napansin ko naman ang mukha niyang napakagwapo, ang sarap sigurong ikama nito. Hays. Erase muna mamaya na kalandian.

"Kuya Kali ayos ka na ba?!" Dinig ko namang pagtawag sa akin ng isang nilalang kaya napalingon ako rito at doon ko nakita ang kapatid ni Kali na si Guia.

"Nagpapahinga pa si Kali, kaya si Death muna ang bahala." Sagot ko naman na nagpabigla hindi lang sa kanya, kung hindi pati narin sa iba pa niyang kasamahan. Kaya bumaba ako sa kanila. Kita ko naman ang mga lalaking kasama nila na may mga gwapong mukha at naapkasarp este napakagandang hubog ng katawan. Kali! Akin na alng katawan mo para matikman ko ang ma ito!

Nangyuluyan na akong makalapit ay agad ko namang pinahiga ang dala-dala konv katawan ng gwapong lalaki kanina.

"S-Sino ka?" Tanong ni Guia. "Gaga sinabi ko na ngang ako si Death kanina 'di ba?" Sarkastikong sagot ko naman dito, kaya naapkamot naman siya sa batok niya at nag-peace sign.

"Anong ginawa mo kay Kali?" Tanong naman ng isa sa kanila na may red na buhok at sa tingin ko ay isang prinsepe dahil sa suot niyong royal mantle, wait para g kilala ko ito ah, ito ata yung gusto ni Kali na nagngangalang Rhys. "Tulog pa siya." Simpleng sagot ko naman.

"ROARRR!!!" Pagsigaw naman ng nilalang na may dala sa katawan ni Kali kanina. Shit nakaririndi naman! Kaya naman humarap ako rito at mabilisang magteleport sa harapan niya at sinipa ito. Tumilapon naman ang nilalang sa malayo. Nahulat naman ako ng sabay-sabay sumugod sa akin ang mga alagad niyo na nagtatago lang sa dilim kanina. Kaya namanitinaas ko ang kamay ko at inisip na magkakaroon ng malaking ipo-ipo at bagyo ng kidlat sa kinatatayuan ko. Ilang saglit pa ng lundagin na ako ng mga alagad nv nilalang kanina ay sabag-saby silang natamaan ng kidlat at inihip ng ipo-ipo.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon