CHAPTER 95

111 18 4
                                    

AQUATICS...

KALI'S P.O.V

"Pupunta kami sa aming kaharian? Pupunta kami sa Republica de Agua?" Tanong ni Prince Breeze na nagpabigla sa amin at nagpaningning sa mga mata nila Guia at Ate Adhira.

"WAHHHH! ATE!" Sigaw ni Guia kay Ate Adhira na halatang excited.

"Oo nga Guia! Isang accomplishment na naman." Sagot naman ni Ate Adhira kay Guia.

"So, anong oras po ang alis namin?" Tanong naman ni Princess Zen.

"Ngayon na kayo aalis, pero may hihintayin muna kayo na mag-guguide sa inyo sa Republica de Agua." Sagot naman ng Diretora sa prinsesa.

"Wait a minute, don't tell me si Morren ang hinihintay namin?" Nag-aalalang tanong ni Prince Breeze sa Diretora.

"How did you know?" Sagot naman ng Diretora na nagpa-shock sa lahat ng Royalties.

"NOOO!" Sigaw naman ni Princess Guen at Prince Breeze at kasabay no'n ang pagbukas ng pinto ng Diretora.

"La~la~la~la~la!" Pakantang sigaw ng isang babaeng pumasok sa Diretora's Office. Napakaganda nito, may kayumangging balat, may magandang hubog ng katawan, dahil sa kitang-kita mo ang hubog ng kanyang katawan sa suot niyong swimsuit.

"Shit." Dinig kong bulong ni Prince Breeze at Princess Guen na nagbigay n katanungan sa isip ko. Sino ba itong babaeng 'to?

"BABY BREEEZE! BABY GUEEEN!" Sigaw naman ng babae na nagpagulat sa amin; bigla namang tumakbo ang babae at niyakap ang dalawa.

"Did you miss ate?!" Sigaw na tanong nito sa dalawang Royalties na bumigla sa amin nila Guia, Xavier, at Ate Adhira. What the heck, prinsesa siya?

"Jezzz, ate bitawan mo nga kami," iritang saad ni Princess Guen sa babaeng nagngangalang Morren.

"Baby Guen, ah you're so bad, buti na lang si Baby Breeze ay hindi, hali ka nga rito." Sabi ni Princess Morren sa prinsepe sabay lapit ay yakap kay Prince Breeze, kita naman sa mukha ng prinsepe ang pagkayamot sa ginagaa sa kanya ng prinsesa.

"Long time no see, Princess Moren," sabing pagbati naman ng Diretora sa prinsesa.

"OMG! Diretora Anisha, pasensya na kung 'di kita nabati, pero likewise po." Sabing pagbati rin naman mg prinsesa na yakap-yakap parin si Prince Breeze ngayon.

"Hindi pa ba kami aalis?" Yamot na tanong ni Prince Breeze sa Diretora.

L"Maaari na kayong umalis, sige na Princess Morren, gabayan mo na sila." Utos naman ng Diretora sa prinsesa. Nag-salute naman ang prinsesa at tumingin sa amin.

"So, tara na guys!" Maligalig na pang-anyaya sa amin ng prinsesa, grabe ka-vibes niya si Ate Adhira ah. Agad naman kaming sumunod sa kanya palabas.

"Mag-iingat kayo!" Dinig naming sigaw ng Diretora bago kami tuluyang makalabas at ma-isara ang pinto.

"Uyyy, hello pala sa inyong mga bago!" Sigaw na pagbati naman nito sa amin nang makalabas kami na nagpabigla sa amin.

"H-Hello?" Sabi ko naman na nagpatawa sa prinsesa ng sobra.

"Ang cute mo naman, by the way ako nga pala si Morren Serenity Summer, panganay sa tatlong anak ng Hari ng Republica de Agua." Pakilala naman nito sa amin.

"Hello! Ayaan mo ng akong magpakilala ah ses!" Maligalig na sabat din naman ni Ate Adhira na nagpatawa ng mahina sa amin.

"Go ses! Gusto ko 'yan, same vibes tayo!" Maligalig na sabi naman ng prinsesa kay ate.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon