CHAPTER 100

61 6 0
                                    

ANXIOUS...

KALI'S P. O. V

Pagkatapos naming makuha ang Tears of Water Deus ay nasa harapan na kami ngayon ni Haring Poseidon at mahal na Reynang Leviathan, naka-yuko at kinakausap kami ngayon.

"Babalik na nga kayo agad? Parang ayaw ko na kayong umalis; ma-mimiss ko kayo!" Umiiyak na sigaw niya na nagpapalindol sa buong kaharihan ngayon.

"Shhh, tahan na mahal kong hari. Baka maging dahilan oa ng pag-iyak mo ang napakalaking tsunami gaya ng nangyari dati, tahan na." Pagpapatahan ng reyna.

Kaya naman nagpunas na ng luha ang hari at kinalma ang sarili.

"Huwag kang mag-alala ama, pagkatapos na pagkatapos ng pag-aaral namin ay babalik na kami rito para magsilbi na sainyo at s amga nasasakupan natin," Sabi ni Prince Breeze.

Nagulat naman ako ng bumaling ang mata ng hari sakin at nginitian ako.

"Kali, tama?" Tanong ng hari.

"Ako nga po, mahal na hari," Sagot ko naman.

"Kali, may i-aalok sana ako saiyo, nasayo kung tatanggapin mo o hindi," Sabi nito.

Kaya naman timingin ako sakanya at kunit noong ikiniling ang ulo.

"Ano po iyon, mahal na hari?" Tanong ko.

"Gusto ko sanang ipakasal saiyo si Breeze." Sabi ng mahal na hari na nagpabigla at nagpahulog sa panga naming lahat

"Ama, ano itong kahibangan na ito?!" Galit na sigaw ni Prince Breeze.

Huminga naman ako ng malalim, tumayo ng tuwid at saka binigyan ng ngiti ang hari.

"Hindi ko po matatanggap ang alok niyong iyan, mahal na hari. Meron na pong tinitibok ang puso ko, at alam kong meron naring taong nagpapatibok sa puso ni Prince Breeze. Huwag po sana nating kontrolin ang mga anak natin, ayahan po nating sila ang magdesisyon sa mga sarili nila dahil may sarili naman silang utak," Lintaya ko. Kita ko namang napangiti si Rhys dahil sa sinabi ko at lumipat namna sakanya ang mata ng hari.

Tumawa naman ng napakalakas ang hari na nagpalindol na naman sa buong kaharihan.

"Napakagaling mong bata ka, napabilib mo ako, Kali. Kaya, ibibigay ko saiyo ito," Sabi ng hari.

Katapos ay ibinuka niya ang kanyang palad at lumitaw ang isang napakagandang maliit at kulay asul na hiyas na may korteng patak ng tubig ang lunabas sa palad niya.

"A-Ama, seryoso ka bang ibibigay mo sakanya ang Agua Solitaire? Hindi ba iyan ang pinaka-makapangyarihang item ng  Republica De Agua?" Tanong ni Princess Morren.

"T-Tito — I mean, mahal na hari, hindu po ba kayo nabibigla sa desisyon niyo? Ipagkakatiwala niyo po ba takaga ang Solitaire ninyo sa isang mababang uring kagaya niya?!" Sigaw ni Nirvana.

Tinawanan naman siya ng hari at saka umiling-iling.

"Nirvana, hindi ako gagawa ng bagay na alam kong ikapapahamak ng kaharihan ko. Isa pa, hindi ako ang pumili na ibigay ito kay Kali," Sabi ni Haring Poseidon at saka tumingin skain, "Kali, noong wala kayo ay napa-iglip ako at naka-usap si Deus Mar Fluindo. Siya ang nagsabi sakin na ipagkatiwala saiyo ito, ngunit wala siyang sinabing rason. Basta ang sabi niya ay ipagtiwala ko raw ito sayo."

Nabigla naman ako sa ipinaalam ng hari.

"Mahal na hari, hindi ko po ako karapat-dapat sa pribelehiyong iyan," Sabi ko. Umiling-iling namn ito.

"Kali, masamang tinatanggihan ang ibinibigay ng isang hari, kaya sige na, ibuka mo na ang iyong palad at tanggapin ang Agua Solitaire," Sabi ng mahal na hari.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now