CHAPTER 96

110 15 5
                                    

GOING TO TRENCH OF SCYLLA...

SOMEONE'S P.O.V

"Lucifero, ano't gusto mo kaming maka-anib ngayon?" Sarkastikong tanong ko sa tinakwil na Deus na nasa harapan ko ngayon.

"Dangsin-i wonhagi ttaemun-e-"

[Translation: Dahil gust-]

"Shhh! Huwag mo akong kausapin sa lenggwaheng iyan. Alam mo namang hindi ako nakaka-intindi niyan." Pigil ko sa kanya, "HAHAHA napakamang-mang mo parin hanggang ngayon, Yuwel," panghahamak naman nito na nagpakunot ng aking noo.

"Talaga bang nais mong makipagtulungan o nais mong mamatay?" Inis na tanong ko rito na nagpatawa sa kanya.

"Yuwel, nais ko talagang makipagtulungan sa iyo, sirain natin itong mundong binuo ni Amang Solomon!" Sigaw na pangungumbinsi nito sa akin.

"Ano't naging ganyan na ang iyong kalagayan, magiting na Lucifero?" Sarkastikong sabat na tanong naman ni Aria na tagapamahala ng hukbo.

"Oo nga, sa pagkaka-alam ko ay ikaw ang naka-isip ng plano na pamuksa sa amin, hindi ba?" Sabat din naman ni Rasdia na kanang kamay ko.

"Kinamumuihan ko sila! Silang lahat! Katapos ng mga ginawa ko para mapanatili ang dignidad naming mga Deus at Dea ay may gana pa silang kunin ang lahat sa akin!" Galit na sigaw nito na nagpatawa sa aming tatlo.

"Kaawa-awang Lucifero, huwag kang mag-alala, dahil kahit hindi ka pa nakipagkita sa amin mga Sempiternal ngayon ay kami na talaga ang lalapit sa iyo. Isa pa, nasa iyo parin naman ang Hold mo bilang Deus, kaya may pakinabang ka pa sa amin." Nakangising sabi ko naman sa kanya.

"Nagagalak ako sa desisyon mo, Yuwel. Pumunta na lang kayo sa Pais Das Trevas para doon na lang tayo bumuo ng plano, paalam," saad naman nito. Bigla namang may katanungan sa isip ko ang nabuo.

"Lucifero, hindi mo ata kasama si Aurelia ngayon?" Tanong ko sa kanya, "Bakit ko naman magiging kasama ang babaeng isa sa mga kalaban natin?" Tanong naman nito na magpataka sa aming lahat, nagkatitigan pa kami nila Aria at Rasdia.

Huminga na lang ako ng malalim at sumagot, "Wala, sige na mauna kana."

[Pais Das Trevas: Palace of Dark Continent.]

Bigla naman itong naglaho at doon nga ay hinarap ko ang mga kasamhan kong Sempiternal upang ipaalam ang napagkasunduan namin ni Lucifero, "Narinig niyo naman sigurong lahat ang napagkasunduan hindi ba? Kaya bukas na bukas ay pupunta tayong lahat sa Pais Das Trevas, sige maaari na kayong bumalik sa inyong kanya-kanyang gawain." Utos ko naman sa kanila na agad naman nilang sinunod. Nagsi-alisan na sila hanggang kami na lang ng tatlo kong pinagkakatiwalaang tagasunod ang natira.

"Bakit ganon na lamang kung pagsalitaan ni Lucifero si Aurelia? Anong nangyari sa kanilang dalawa?" Takang tanong naman sa akin ni Aria.

"Hindi ko rin alam, ngunit sa tingin ko ay isa iyon sa naging sumpa sa kanya ni Supreme Deus Solomon." Sagot ko na lang at saka na ako mag-quick step paalis upang pumunta at magsanay sa bundok ng walang direksyon...

...

KALI'S P.O.V

Kasalukuyan na kaming naglalakad at lumalangoy naman ang magkakapatid papunta sa palasyo nila at tawa parin kami ng tawa sa pag-uusap nila Princess Morren at Ate Adhira. Tanaw naman rito amg napakalaking tarangkahan ng kaharian, gosh bakit masyado naman atang malaki ang tarangkahan ng kaharian nila? Hays baka trip lang nila.

"Ow, ses narito na pala tayo sa tarangkahan ng aming kaharian," pagpigil ni Princess Morren kay Ate Adhira at saka ito humarap sa amin,

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat