CHAPTER 77

172 23 6
                                    

FREED...

ARIOCH'S P.O.V

"Ipatawag ang aking ministro, mga maharlika at ang aking mga anak!" Utos ko sa isa sa aking kawal. Yumuko naman ito ata saka dagliang umalis.

"Mahal, ano bang nais mong pag-usapan natin?" Tanong naman ng aking asawa.

"Maghintay ka Olivia. Mamayang kumpleto na ang mga maharlika at may matataas na katungkulan sa Dark Continent." Sagot ko naman. Hahaha, sa wakas. Nagtagumpay din ang Deus Lucifero sa kanyang plano HAHAHA.

Ilang minuto pa ang lumupas at narito na sa aking harapan ang lahat ng may natataas na katungkulan sa Dark Continent. Tulad ng aking kanan kamay na si Akuji Berno Aluv, ang aking ministro na si Akuji Albeo Nanika, ang aking anak na lalaki na si Prinsepe Akuji Phobes Equinox, Prinsesa Akuji Allure Equinox, at ang aking bastardang si Akuji Lilith Equinox.

"Ano pong nais ng aking mahal na ama at ipinatawag niya kami?" Magalang na tanong ni Allure. Ngumiti naman ako dahil sa inakyo ng aking anak.

"Nais ko sanang ipaalam sa inyo na, nagtagumpay ang Deus Lucifero sa kanyang planong pagsira sa Himlayan ng mga Sempiternal. HAHAHA." Pagbabalita ko sa kanila. Nakita ko namang sakanilang mukha ang pagkabigla, sumunod naman naring ang napakaraming halak-hakan.

"Sa atin na ang tagumpay mahal na hari!" Sigaw ni Albeo na aking ministro.

"Gayon nga ang aking ina-asahan Albeo HAHAHA." Tawang-tawang sagot ko kay Berno.

"Ano na ang susunod nating plano ama? Papatayin na ba natin lahat ng nananampalataya sa mga Deus at Dea? HAHAHA gusto ko ng mabahiran ng dugo ang mga kamay ko HAHAHA, ama! Bigyan mo ako ng maraming dugo! Dugo! Dugo! HAHA." Maligalig na saad ng aking prinsepe. Ito ang gusto ko sa kanya, laging uhaw sa pagpatay, kaya naman ipinagmamalaki kong naging anak ko siya HAHAHA.

"Maghintay ka lang anak, humanap pa tayo ng tamang tiyempo." Sagot ko. "Basta ipangako mo ama na sa akin ang ulo ni Princess Zen. HAHAHA nais ko siyang idagdag sa koleksyon ko HAHAHA." Tawang-tawa saad nito na lalo ko namang ikinatuwa.

"Oo anak, iyong-iyo ang ulo ng prinsesa ng Estados de brisa Unidos." Saad ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng sobrang lapad.

"Kung magkagayon man mahal na hari. Uumpisahan ko ng ipaalam sa mga heneral ng mga hukbo na simulan na ang pag-eensayo ng kanilang mga hukbo." Walang emosyon na suhesyon ng aking  kanang kamay na si Berno.

"Magandang suhesyon iyan. Sige gawin mo na ang nais mong gawin." Utos ko sa kanya. Yumuko naman ito at saka lumakad palabas ng trono.

"Ama, natutuwa po ako sa tagumpay ng ating Deus." Sabat naman ni Lilith. Nag-init naman bigla ang ulo ko dahil sa boses niya. Ayaw kong naririnig ang boses ng bastardang iyan.

"Ako naman ay hindi natutuwang nabuhay ka Akuji!" Pang-iinsulto ko sa kanya. Ka-ugalian sa aming mga Pessoas Mas at mga outcast na may Akuji sa unahan ng aming pangalan at kapag tinawag kang Akuji ng isang nilalang. Nangangahulugang basura lang ang tingin niya sa iyo.

"Akuji, kapag hindi ka hinihingan ng opinion, pwede bang huwag kang makisabat! Umalis ka na rito at bumalik sa kwarto mo!" Galit na sigaw naman ng aking asawa kay Lilith. Alam niya kasing ako ang gagawa ng inuutos niya kapag hindi pa siya nagsalita. Agad namang tumakbo si Lilith palabas.

"Ama, maaari ko bang kunin ang ulo ni Akuji?" Tanong ni Phobes sa akin.

"Hindi pa pwede sa ngayon anak, magagamit pa natin siya." Saad ko naman dito. Kita ko namang ang mga luhang pumatak sa kanyang mukha na naging sanhi para magtakbuhan palabas ang mga kawal na nasa loob ng palasyo.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now