CHAPTER 102

61 5 2
                                    

THE TENTH...

KALI'S P. O. V

"The blood will shed, it'll contaminate the water and air..." Sabi ng di familiar na boses sa kanang tainga ko.

Bigla namang parang may nilalang na lumapit sa kabilang tainga ko...

"They will come to end you and your... Sister!" Sigaw nito. Kaya naman napadilat ako ng mata at agad na tumingin sa likuran para tignan kung suno ang mga bumubulong sakin. Pero wala akong nakita kung hindi ang mga kasamahan ko na nakatingin ngayon sa labas ng bintana.

Huminga naman ako ng malalim at tumayo papunta sakanila. Hindi ko kita si Guia. Kaya naman nilapitan ko si Ate Adhira para magtanong.

"Ate," Sabi ko na nagpaharap sakanya, "Nakita mo ba si Guia?" Tanong ko.

"Nasa isa s amga kwarto ata sa taas kasama ni Tan-Tan, gusto raw kase makausap ni Tan-Tan ng pribado si Guia," Sagot niyo. Kaya nag-tango-tango nalang ako at saka narin naki-silip sa bintana.

"Napakaganda naman ng himpapawid," Sabi ko nang makita ang tanawin.

"Pero wala ng mas gaganda pa sayo, Kali," Bulong naman ng isang langaw sa kaliwang tainga ko.

"To tell you, I am not a girl. So, please if you have a decency in your core, Duke Terra, leave me alone." Malamig na sabi ko at saka umalis sa bintana. Hinawakan niya naman ang braso ko na nagpa-irita sakin.

Kaya naglabas naman ako ng death aura para ma-intimidate siya na nangayari naman dahil napabitaw ito sa braso ko. Pumanhik naman ako sa second floor para magpahinga muna sa isa s amga kwarto dahil sa nag-aalala parin ako sa mga bumuling sakin kanina lalo na at nasabi nila ang kapahamakan sa kapatid ko.

"Kuya, saan ka pupunta?" Tanong ni Guia na nagpabalik sa wisyo ko. Napatingin naman ako sakanya at nakitang kasama niya si Prince Dritan.

"Magpapahinga sa isa sa mga kwarto, kayo ba, saan kayo nanggaling?" Tanong ko. Nagtitigan namna sila at sabay tumingin sakin na parang nag-aalangan.

"A-Ah, may pinag-usapan lang," Balisang sagot ng prinsepe.

Napataas naman ako ng kilay ng tumingin sakanila dahil sa parang naging balisa sila.

"Care to explain anong pinag-usapan niyo?" Kalmadong tanong ko. Umiling-iling naman sila sabay hila ni Prince Dritan kay Guia at bumaba. Nagpa-iling naman ako at saka na naglakad.

"Narito na tayo!" Sigaw naman ng Duke na nagpatigil sakin.

Kaya naman dagli rin akong bumaba ng hangdan at saka sumilip. Pero saktong pagsilip ko ay siya namang pagsabay ng isang napakalaking bola ng kulay itim na likido na gumagalaw-galaw pa. Napigilan naman ito ng shield, pero nabigla kami nang biglang matunaw ito ng Shield na naging dahilan naman para sumulong at mabutas nito ang bintana. Nadikitan naman kami ng likidong iyon. Nagtaka naman kaming lahay dahil wala naman itong naging ano mang ginawang pinsala samin.

"Mga mahihinang nilalang!" Sigaw ng isang nilalang sa labas ng house.

Kaya naman tumayo ako at sinilip kung sino iyon. Doon ko nga nakita ang isang lalaking parang hinating na-aagnas na mukha at may suot itong sira-sirang kulay black na cloak na nagpapakita naman sa katawan niyang matipuno ngunit sumobra ang kaitiman nito at may mga parang maliliit na bulate ang gumagalaw-galawa pa sa buong katawan niya.

"Sino ka?!" Sigaw ko. Nginisian niya naman ako at ibinuka ang kanyang bisig.

"Ako ang ikasampung Sempiternal, ang Sempiternal of Plague, Virii Plagues. At narito ako para tapusin ang lahat ng nabubuhay sa Soberania Das Terras!" Sigaw nito at saka namang naglabas ang katawan niya ng maliliit na kukay itim at gumagalaw-galaw na mga bola ng likido at pinalipad ito samin.

"Maghanda!" Sigaw ko naman at saka sabay-sabay kaming naglabas ng mga Held at ang aming mga Fera...

...

DIRETORA ANISHA'S P. O. V

"Diretora, na-kumpirma na namin di Virii ng Sempiternal of Plague nga po ang may kagagawan sa mga pinagdadaanan ngayon ng Soberania Das Terras!" Sigaw ni Señor Antenor na kalalabas lang sa portal na gawa niyo.

Napatayo naman ako at kinalabog ang mesa.

"Inumpisahan talaga nila sa kaharihang bumubuhay sa buong Mundo da Fantasia! Ipatawag ang mga Anciaos Santos sa Circle's Room!" Utos ko. Nag-umpisa naman akong maglakad papunta roon...

Ilang saglit pa ng paglalakad ay nalunta na ako sa loob ng Circle's Room at nakitang kumpleto na lahat ng mga Anciaos Santos.

"Marahil ay alam niyo na kung bakit ako nagpatawag ng meeting, mga Anciaos Santos. Gumagalaw na ang mga Sempiternal at sigurado akong katulong nila ang Deus Lucifero at ang kaharihan ng Pais Das Trevas. Kailangan po namin ang gabay at tulong niya mga Anciaos Santos," Paliwanag ko.

"Tutulungan namin kayo sa abot ng makakaya namin. Pero, sa isa sa lang na lower bracket member ng sampung Sempiternal kaya na niya kaming taluning sampu. Masyadong malayo ang mga kakayahan nila kumpra sa sino man satin dito, Anisha," Sabi ni Santos Andromeda.

Bigla naman akong kinalinutan dahil doon. Kase, kung iisipin ay maihahambing na ang lakas nila kay Olin Luzlo, ang punakamalakas na may Heavenly-Realated Hold sa buong Mundo da Fantasia.

"Anong gagawin natin ngayon, nangako pa naman ang mga Deus at Dea na hindi na sila makiki-alam sa ating pamamalakad sa mundong ito." Nag-aalalang sabi ko.

"Papuntahin natin si Otima Mae Aurelia dito, humingi tayo ng tulong sakanya. Alam kong may maitutuling siya satin," Sabi ni Santos Esmeralda.

Napabuga naman ako ng hangin at umiling-iling.

"Ipapatawag ko siya sa oras na bumalik ang grupo ng Kali. Sana lang ay hindi nila muna makaharap si Virii," Sabi ko.

"Diretora!" Sigaw ni Señor Antenor sa likuran ko na nagpa-inis sakin dahil sa wala man lang itong paalam na gumamit ng portal sa loib ng Circle's Room.

"Ano ba Señor Antenor, alam king hindi pwede ang ginawa ming paggawa ng portal sa loib ng Circle's Room!" Galit na sigaw ko.

"Paumanhin nginit emergency ito, Diretora. Kalaban ngayon nila Kali si Virii, at base sa report ay na-infect na sila ng brain-eating virus ni Virii!" Sigaw ni Señor Antenor. Napatyo naman kaming lahat ng Sampung Anciaos Santos.

"Masama ito, kailangan nating lumunta agad doon!" Sigaw ni Santos Damien.

"Makakagamit ka ba ng portal papunta doon?" Tanong ko kay Señor Antenor. Umiling-iling naman ito.

"May napakalakas na Force Field ang bumabalot ngayon sa buong Soberania Das Terras na pumipigil sa kahit sino man na Portal-Related Holder na pumasok gamit ang kakayahan nila," Sagot ng Señor.

"Tara, gumamit nalang tayo ng mga Feras para makapunta doon. Madali!" Sigaw naman ni Santos Zxhzckr. Kaya tumakbo na kami ng nabilis palabas ng Circle's Room...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)


THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now