CHAPTER 90

120 19 4
                                    

KALI'S BACK...

KALI'S P.O.V

"Kali, anak, maaari mo ng idilat ang iyong mga mata." Dinig kong pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Kaya naman agad kong sinunod ang sinabi ng pamilyar na tinig at binuksan ko ng dahan-dahan ang aking mga mata...

Doon nga ay nakita ko ang Mahal na Supreme Dea Justo habang nakangiting nakatitig sa akin. Tatayo na sana ako nang mapansin kong nakalutang ako kaya napatingin ako sa ilalim at doon ko nakitang karga-karga pala ako ng Dea na nagparamdam sa akin ng hiya.

Nang mapansin ng Dea na nailang ako ay ibinababa niya naman ako agad. "P-Pasensya na po Mahal na Dea." Paghingi ko naman ng paumanhin. "Ayos lang iyon, Kali." Nakangiting sagot naman nito. Ay wait nasaan si Death? At paanong napunta rito ang mahal na Dea.

"Anak, nandoon nagpapahinga si Death, nawalan siya ng malay, dahil sa ako ang kahinahan niya. Napunta naman ako rito, dahil nagmaka-awa sa akin si Death." Sagot naman bigla ng Supreme Dea sa akin. Ay oo nga pala! Kaya nga pa lang magbasa ng isip ng Dea. "Pasensya na po." Paghingi ko naman ng tawad sabay peace sign.

"Kali, masaya ka ba sa mundong ito?" Tanong bigla ng Mahal na Dea. "Opo, sobrang saya ko po, lalo na at nagtagpo na kami ng aking tunay na ina na 'di ko inakalang Fantasian." Sagot ko naman.

"Tatutuwa naman akong malaman iyan. Kumusta naman si Lucian at Adhira?" Tanong ulit ng Dea. "Ayos naman po. Ang saya po nilang kasama kahit na lagi pong busangot si Kuya Lucian haha." Masayang sagot ko naman, natawa naman ng kaunti ang Dea.

"Eh, masaya ka naman ba sa iyong pagihing genderless?" Tanong naman nito sa akin. Huminga naman ako ng malalim. "Sa totoo lang po, may part na hindi, may part ding masaya po ako." Sagot ko naman. Ngmuiti naman ang Dea. "Gusto mo na bang bigyan kita ng tunay na kasarian?" Tanong naman ng Dea na nagpagulat sa akin.

"Huwag muna po mahal na Dea, sa ngayon po ay naguguluhan pa ako sa pipiliin kong kasarian, lalo pa ngayon na may minamahal na akong Fantasian." Sagot ko naman. "Ganon ba. Sige 'di na kita iistorbohin lalo pa at kailangan ka na ngayon ng mga kasamahan mo na kasalukuyang linalabanan ang Chimera." Saad naman ng Dea na nagpabigla sa akin. Naku, sana ayos lang silang lahat. Kaya tumalikod na ako sa Dea at pumikit...

"Sige po mahal na Dea pa-"

"Sandali lamang Kali." Pagpapatigil sa akin ng Dea. Kaya humarap akong muli sa kanya. "Ano po iyon mahal na Dea?" Tanong ko.

"Nais ko lamang ipaalala sa iyo sa pagharap mo sa Chimera na, "hindi lahat ng bagay ay nagdadala sa dahas." Paalala ng Dea. "Maraming salamat po sa pagpapalala, alis na po ako." Paalam ko naman. Kaya tumalikod na ako sa Dea.

"Sige, pakisabihan na lang sila Lucian at Adhira na bawas-bawasan ang bangayna nilang magkapatid." Pahabol ng Dea bago ako tuluyang maka-alis...

...

LUCIAN'S P.O.V

Nakikita ko naman ngayon nagliliwanag ang Chimera. Anong nangyayari rito?

Ilang saglit pa ng mawala ang liwanag na bumabalot sa Chimera ay lumitaw ang tatlong nilalang na may kakaibang itsura; isang nilalang na kalahating Fantasian ang pang itaas na katawan at ahas naman ang pang-ilalim. Yung isa naman ay may katawan ng isang Fantasian sa itaas, ngunit pang-ibabang bahagi naman niya ay isang kambing, may sungay din ito na parang sa kambing. Habang ang isa naman at may mukha at pang-itaas na katawan ng isang leon, habang ang pang-ibaba naman nito ay isang Fantasian.

"Sino kayo?" Tanong ko sa tatlo. "Kami ang Chimera. Ginamit lang namin ang isa sa aming Special Energia na kung tawagin ay Humanism. Na inaayahan kaming magmukhang Fantasian o Mortal na tao." Sagot naman ng nilalang na may anyong leon. 

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Where stories live. Discover now