Hindi Ako Matalino, Pero...

2 1 0
                                    

Isa ang pamilya ni Lena sa naapektuhan ng hiking bagyong dumaan sa bansa. Halos lahat ng mga bahay ay sira, kabilang na ang tinitirhan nilang munting kubo malapit sa dagat.

Mahirap bumangon, naubos ang mga ari-arihan maliban sa mga naisalba nilang gamit. Nakarating silang mag-anak sa pinakamalapit na gym.

Mahirap mamuhay nang ganito— sikip, kakaunti lang ang pagkaing natitira dahil sa mga kurakot na mga kasama, minsan pa’y madaling araw na sila naliligo dahil sa dami nang nag-uunahan sa dalawang banyong malapit doon.

Mukhang magtatagal sila roon, kaya napagpasyahan ni Lena na maghanap ng mapapasukang trabaho, kahit tagapagbantay lang ng karinderya o kaya naman ay tagalinis ng bahay. Pero kung magbabantay siya sa tindahan, mapagkakatiwalaan naman siya, pero... Isa siyang out-of-school youth, hanggang ika-dalawang  baitang lang ang naitapos niya— kaya hindi pa rin siya kwalipikado.

Matanda na ang mga magulang niya kaya hindi niya hinahayaan ang mga ito na magbanat ng buto, pero ang kaniyang ama ay sadyang matiyaga, kaya hinayaan niya lang ito sa gusto nito.

“Sa tingin mo, anong dahilan para tanggapin kita sa trabaho na ito?” tanong ng isang masungit na matabang babaeng nasa katanghalian na ang edad, nakataas ang kanang kilay, at matalim ang tingin sa inosenteng babaeng ito.

Inosente, dahil sa mga ganitong mga bagay, patungkol sa pagtatrabaho kasama ang mga ‘di pamilyar na tao, mahihirapan siya. “Gagawin ko po lahat ng mga dapat gawin dito sa karinderya, sa abot po ng aking makakaya—”

“Iyan lang ba? Baka ‘pag tinanggap kita rito, ikaw ang maging sanhi ng pagkalugi ko,” ani ng matabang babae.

“Asahan mo po, doon nga po sa aming barangay, umiikot kaming magkapatid dala ang dalawang kaing ng mga isda, hangga’t—” Hindi pinatapos ng babae si Lena sa pagsasalita.

“Siguraduhin mo lang. Tignan natin kakayahan mo.”

Tumayo na ang babae at tumungo sa kusina. Bumalik siya dala ang isang apron at ibinigay kay Lena.

“Pwede ka na magsimula ngayon. Titignan ko kung maaasahan ka talaga,” hiking winika ng babae.

Araw-araw ay ginagawa ni Lena ang makakaya niya. Kaunting dumi, lilinisin niya. Sa bawat pagdating ng mga kostumer, binibigyan niya ang mga ito ng ngiti. Sobrang binibigyan niya ng importansya ang bawat bagay sa karinderya. Minsan, nakukuha pa niyang magbiro sa mga ito.

Dumating ang araw na ‘di niya inaasahan. Halos araw-araw naman sa palagay niya ay maganda ang daloy ng lahat ng mga pangyayari.

May mga grupo ng mga estudyante na nasa ika-siyam na baitang ang pumasok sa karinderya. Vlogger ‘yong isang babae, bawat babae ata ay may mga kasamang kasintahan maliban sa isa.

“Hi guys, welcome to my vlog!” panimulang bati ng isang mataray na estudyante kaharap ang kaniyang cellphone. Medyo nandidiri sila sa mga naroon sa karinderya, at nabaling ang atensiyon kay Lena.

Sa isip ni Lena, napakaswerte ng mga batang ito dahil nakapag-aral sila, siya? Tumigil dahil sa hirap ng buhay kaya ito ang naging buhay niya.

“Guys, alam n’yo bang may extra roon sa likod? Mukhang bano pa siya sa camera, pero sige lapitan natin, at—”

Napansin niyang lumalapit ang mataray na babae sa kaniya, pero dahil ‘di pa siya nakakakita ng ganoong gadget, hindi niya maialis ang kaniyang paningin doon.

“Hello, Ate! I’m Tiffany, how’s your life here sa stinky place na ito? Ah sabagay, stinky ka rin HAHAHAHA,” panunutya ni Tiffany kay Lena.

“Tiffany kamo? ‘Sensya na, ‘di ko maintindihan ang sinabi mo kanina, pwede pakiulit?”

Tumawa si Tiffany at muling nagsalita, “Guys, HAHAHAHA sorry, siguro there is someone na bingi? Or bobo lang talaga? HAHAHAHA. Ganito ba talaga ang mga taong napapadpad sa mabahong lugar na ito? At yuck! It is a karinderya, baka may germs na mga kinakain ng mga narito, soooo guys, don’t attempt kumain dito. Baka mamaya may mga parasites pa kayong makita sa mga kinakain ninyo.”

‘Nilinis ko nang maayos lahat, ginagawa ko ang aking makakaya para maibigay nang ayos ang mga pagkain nila. Naghuhugas ako ng aking mga kamay nang maigi para ligtas humawak ‘pag inihahanda ang pagkain.’

Iniisip ni Lena kung may ginawa ba siyang mali kaya ganito magsalita si Tiffany.

“Magsalita ka? Bobo ka ‘no? Hindi ka kasi makasagot. Ni hindi ka nga ata nakapag-aaral,” panlalait sa kaniya nito saka pinasadahan siya ng matalim na tingin simula ulo hanggang paa, “Alam mo, hindi ka ba marunong maglinis ng katawan mo? Bakit ang itim mo? HAHAHAHA. Ay, oo nga pala, bobo ka nga pala.”

Wala siya sa posisyon para sumagot, pero kung ganito na ang mga salitang ibinibitaw, kailangan niyang lumaban.

Kaunti lang naman ang mga tao sa loob, pero walang sinuman ang sinubukang pigilan sila.

“Sumagot ka!”

Tumingin siya sa mga mata nito. Gusto niyang maluha dahil sa sakit ng mga salita nito laban sa kaniya at sa karinderya kanina, pero tiniis niya.

“Oo, ‘di ako nakapag-aral. Hanggang grade 2 lang naitapos ko,” wika niya.

“Pake ko? HAHAHAHA. Sabi ko na nga eh, bobo ka!”

“Oo, bobo ako, dahil hindi ako nakapag-aral hanggang ngayon, tulad mo. Oo, hindi ako katulad mo. Wala eh, mahirap kami. Naghanap buhay kami sa murang edad. Hindi ako matalino, pero may pangarap ako. Hindi ako matalino, pero hindi ako katulad mo na bulok ang ugali. Hindi ako matalino pero malinis ang pagkatao ko. Ikaw ba? Nag-aaral ka nga pero pagpapakatao, ‘di mo alam gawin.”

Hindi pala napansin ni Tiffany na sakop pa pala ng vlog niya ang mga tinuran ni Lena. Umalis na lang sila nang hindi humihingi ng tawad kay Lena. Ang iilan na mga nakasaksi sa nangyari, nilapitan siya at kinamusta.

“Anong nangyari, Lena? May ginawa ka bang masama sa mga kostumer kaya ganito kagulo?”

Sinabi ng mga nakasaksi ang nangyari kanina, at agad namang niyakap ng matabang babae si Lena.

“Alam ko pa lang sa una na matiyaga ka. Nakita ko iyong determinasyon mo, kaya ‘di ako nagkamaling tinanggap kita sa trabaho na ito. Nais kong sabihin na, may scholarship ka na! Gusto kong mag-aral ka para tuloy lang ang pangarap mo!”

Nagulat si Lena sa inihayag ng babae. Magandang balita ito para sa kaniyang pamilya.

Hindi ka man matalino kung may tiyaga ka, makukuha mo ang iyong pangarap. Laban lang, darating din iyan, kung magpapatuloy ka.

PanoramaWhere stories live. Discover now