Pikit

2 1 0
                                    

PAALALA: Ang mga susunod na mga pangyayari ay bunga lamang ng imahinasyon ng manunulat, at walang kinalaman sa totoong buhay.

Umuwi si Kuya dala ang isang plastik ng pagkain. Gabi na, at gusto ko nang matulog. Hinintay ko lamang siya na umuwi, at nang makarating na siya sa bahay ay saka lamang ako dumiretso papuntang kwarto ko.

Pahiga na sana ako nang kumatok si Kuya sa pintuan. Gusto ko nang matulog, kaya hindi ako umalis sa kamang hinihigaan ko. Pumikit, dinadama ang katahimikan ng gabi. Naririnig ko ang mga yabag ni Kuya sa salas, pero nagsimula nang lumalalim ang tulog ko.

“Saoirse! Kanina pa ako ritong...”

Dinig kong sigaw ni Kuya habang kumakatok sa pintuan nang kwarto ko. Pwede bang bigyan niya muna ako nang kaunting pahinga?

Pero, wala akong nagawa, kaya, muli akong bumangon, at pumunta sa salas. Naroon si Kuyang nag-aayos ng kaniyang suot, pormado, at mistulang may pupuntahan pa... sa ganitong oras?

Marahil, iyon ang kaniyang kasintahan. ‘Yong babae na ang alam lang naman ay magpaganda at magpaikot-ikot sa bahay namin na parang akala niya sa kaniyang sarili ay prinsesa siya. Nakakainis, mukha ba akong katulong sa bahay na ito?

Sana narito na lang sina Mama at Papa.

Si Kuya ang tumatayong magulang ko ngayon. May pamilya na si Papa at lumayo muna si Mama. Si Kuya lang ang hindi umalis sa tabi ko.

“Saoirse, bantayan mo muna ang mga pagkain na ito ha? Para sa Ate Coleen mo iyan. Dito kasi siya matutulog sa ngayon kasi pinalayas siya sa kanila. Basta, bantayan mo ang pagkain ha? Dapat hindi madapuan ng langgam iyan,” paalala niya sa akin.

Tumango lang ako saka niya sinara ang pintuan. Agad akong napatingin sa pagkain. Mamahalin pa ang mga ito. Nakikitira na nga lamang, kailangan pa ganito kasarap ang kinakain niya.

Tumingin lang ako sa orasan, 1:44 AM na. Ang tagal nila. Wala akong sapat na tulog ngayong gabi, pero tiisin ko muna hanggang sa makarating na sila rito sa buhay.

Sa sobrang antok ko na, nakaidlip ako. Nagising ako muli nang ika-lima nang umaga. Bigla akong bumangon dahil maaaring narito na sila sa bahay. Napalingon ako sa pagkain, pero wala pa rin namang mga langgam. Tumayo ako at tinignan kung ang pintuan anmy bukas. Nakasara ito nang maigi katulad nang pagkakasara ni Kuya noong umalis siya. Kumatok rin ako sa kwarto niya, pero bukas ito, at wala rin sila roon.

Umaga na pero wala pa rin sila. Nag-aalala na ako. Sinubukan kong iwanan ng mensahe si Kuya pero hindi man lang siyang paramdam, walang bilog na berde.

Ano kayang nangyayari sa kanila sa loob ng ilang oras kong paghihintay? Sumilip pa ako sa bintana at tinignan isa-isa ang mga sasakyan. Wala pa rin sila. Hindi rin ako makakalabas dahil wala pa rin sina Kuya.

‘Siguro, wala nang saysay ang paghihintay ko rito, pero mukhang nakakapagtaka na matagal silang wala.’

Naghintay pa ako. Sira na ang tulog ko, pero kailangan kong manatiling gising para malaman kung nakarating na sina Kuya sa bahay at para makahingi na rin ng tulong kung sakaling wala pa sila.

Alas syete ng umaga. Halos luluwa na ang mata ko sa kakatitig sa pagkain. Nagugutom na ako, pero sinubukan kong maghanap ng pagkain sa kusina. Wala. Wala akong nahanap.

Binalikan ko ang pagkain sa salas na iniwan sa akin ni Kuya. Gusto kong buksan pero baka magalit siya sa akin. Humiga na lamang ako sa sopa at tinitigan ulit ang pagkain. Nagugutom na ako’t kulang sa tulog.

Wala pa rin sila sa ganitong oras? Sobra namang espesyal ng babaeng iyon, at bakit kailangan pa niyang ibigay ang maraming oras sa babaeng iyon? Talaga bang mahal niya siya? Ako na kapatid niya, naiisip pa ba niya?

Mukhang hindi na mapaghihiwalay ang mga taong itong akala nila sa huli sila’y magkasama pa rin. Aminadong mapait sa mga ganitong usapan.

Naghintay pa rin ako. Umabot na ng alas nuwebe ang paghihintay ko, at ni anino nilang dalawa ay wala akong napansin.

May naisip ako.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at binuksan ang aking bintana. Makakalabas na ako nito sa wakas!

Lumabas ako nang bahay sa pamamagitan ng bintana ng kwarto ko at agad naglakad palibot sa bahay. Nakita ko ang motor na sinakyan ni Kuya sa tabi ng bahay namin, doon sa parteng hindi masisilip sa bintana.

Nasaan na ba sila? Saan ba sila nagpunta?

Nakita ko sa harap ng bahay ang isang pares ng tsinelas na hindi pamilyar. Siguro sa babae ito.

Pumasok ulit ako sa bahay gamit ang dinaanan ko kanina, inayos ko muna ang kwarto ko bago bumalik sa salas. Siguradong narito na sila at kinakain na ang pagkaing binantayan ko.

Pagkarating ko sa salas, napansin kong nakatayo sila, mga likod nilang nakaharap sa akin. Nagtataka ako dahil parang ‘di sila gumagalaw sa kanilang pwesto.

“Kuya? Nandiyan na pala kayo!” Pero, ni anong kibo ay wala. Nagtataka lang talaga ako sa mga pangyayari ngayon.

Pumunta ako sa banyo para maghilamos, pero nandatnan ko...

‘Sino kayo?’

Narito ang katawan nina Kuya at ng nobya niya sa loob ng banyo, nakahubo’t magkayakap. Pero ang mga mata nila ay namumuti.

At, ‘yong mga taong nasa salas, sino sila?
Agad akong dumiretso sa kwarto’t nagtago, nagbabakasakaling isa lamang itong panaginip.

Panoramaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें