Nasaan Ka na Nga Kaya?

0 0 0
                                    

umiikot lang ang lahat. paulit-ulit kong nakakatagpo ang mga masasamang alaala, na sinusubukan ko pa man noong kalimutan at tapalan ng kasiyahan-na 'di pa sigurado kung nadarama ko nga. nakakulong pa rin ako sa nakaraan, bawat makita kong bagay sa lugar na ito'y ipinaaalala sa akin na ang kasiyahang natamo ko noon ay hindi ko na makakamtan pang muli.

bakit pa nga ba ako narito? kahit na nakaharap ako sa mga kaluluwang patuloy akong dinadalaw at tinatakot, wala na akong maramdaman. kahit na mag-isa ako sa madilim na lugar na ito, walang pagdadalawang isip na pasukin ang bawat pintuan, kaharapin ang naghihintay sa akin sa dulo ng mga daanang ito.

makakakita pa kaya ako ng liwanag? buong buhay ko, kadiliman ang palaging nariyan sa akin. bawat pagluha ng aking mga mata, pangungusap ko sa aking sarili, pagtanaw ko sa malayo, aking pagkabalisang paano ko na masisilayan itong muli. matamang nakikinig lang sa akin mga hinaing, pero... kahit na dala nito ang katahimikan, hindi pa rin nito magawang payapain ang aking kalooban.

nasaan ka na nga ba? ang tanging pag-asa ko na lamang sa ngayon para magpatuloy ay may naghihintay sa akin sa labas, upang hanguin ako rito sa aking pagkakakulong. marahil, nandyan lang sila sa tabi, ngunit... may darating kaya?

- ae.

PanoramaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon