Chapter 16: Back Off

5K 122 20
                                    

AN: Hi folks I know a lot of you has been frustrated for I've been in an almost hiatus state for a month now so I think it's just right that I tell you my side about this. First of all, I want to thank everyone that has been given me enormous amount of support since day one. Truly, you are the inspiration of writers just like me.

Second, I just want to tell you guys that I've been very busy especially last month as May was the final hoorah for our sem this year so the requirements, exams and activities just kept coming and coming. Yes, you have read it right, my vacation just started not so recently. Because of this, as you have probably noticed, I have posted updates thrice the usual for the month of April so I could make it up to you at the very least. By this time I hope you realize that I only post an update at least once every month but since I knew time would not permit any updates last month, I have already prepared for it. And now that school's finally over for the time being, I'll be able to focus more on this master piece so here's the long awaited update. Enjoy :)

_________________________


Kung ano ang akin ay sa akin lang.

∞∞∞

Hindi alam ni Mika kung paanong mula sa pagdating ni Ara ay nauwi sa larong basketball ang lahat. Natagpuan n'ya na lang ang sarili kasama ang mga bata at kapwa n'ya estudyante sa isang own made court sa bandang likuran ng Cottolengco. Isa lang ang ring at hindi ganun kalakihan ang court nila na puro semento lang. Tuwang-tuwa ang mga bata dahil nagkaroon ng parang mini-exhibition game sa kanilang court habang nagbibiruan naman ang ilang mga Lasallista at Atenista sa nagaganap. Mala-UAAP kasi ang dating dahil sa archnemesis pagdating sa sports ang pinaggalingang unibersidad ng dalawang naglalaro. Ang bawat isa ay may ichinecheer. Kung cheer din lang naman ang usapan mas lamang si Ara dahil mas madaming Lasallistang naroroon. Pero pagdating sa score mas angat ang agilang si Keifer dahil basketball player naman talaga s'ya di tulad ng huli na mahilig lang sa naturang sports. Si Mika naman ay matamang nanonoud lang sa isang tabi. Hindi n'ya malaman sa kanyang puso kung sino ang ichecheer sa dalawa.

Kasalukuyang na kay Keifer ang bola at nagdidribble s'ya. Lamang pa s'ya ng limang puntos kaya naman talagang mahigpit ang depensa ni Ara kaya hindi s'ya makalusot pero umopensa s'ya. Tumakbo s'ya diretso sa ring pero talagang matindi ang box in na ginagawa ng katunggali. Nang malapit na sa ring ay bigla s'ya humakbang ng isa paurong. Isang fade away shot! And...shoot! The crowd went crazy! Pagkatapos magpakitang gilas ay ngumiti si Keifer at kumindat pa sa direksyon ni Mika. Napatungo naman ang dalaga dahil ramdam n'ya ang pagiging kamatis ng kanyang muka na ginatulan pa ng kantyawan ng iba pang manunuod. Pati tuloy yung mga bata ay nakikigaya na.

Sa mga oras na yun ay yabang na yabang si Ara sa binata kaya s'ya naman ang umatake. Mas matindi ang ginagawang pagbabantay ni Keifer. Ayaw n'ya talagang bigyan ng tsansang maka-score ang huli. Nahihirapan naman si Ara dahil sa tangkad nito. Kahit anong gawin n'yang panglilito ay hinding-hindi s'ya makalusot. Para bang kaya nitong basahin ang lahat ng gagawin n'ya. Naiinis na s'ya dahil sa magaling na pagdepensa ni Keifer kaya naging agresibo na s'ya. Diretso s'ya sa pagsugod at dahil ayaw tumabi ng binata ay binagga n'ya ito. Nagtama ang mga balikat nila at dahil sa lakas ng impact ay natumba si Keifer. Pagkatapos ay dire-diretso s'ya sa ring at nagpakawala ng isang lay-up shot. Nagkagulo pa din ang ibang manunuod pero natameme sa pwesto n'ya si Mika. Kitang-kita n'yang sinadya ni Ara ang nangyari. Natakot tuloy s'ya para sa binata. Alam n'ya kasing kayang-kaya pilayan ng dormmate si Keifer kung gugustuhin nito.

"Ano Ravena kaya pa? Street basketball lang naman to so no rules." Nang-uuyam na sabi ni Ara kay Keifer. Ngumiti lang naman ang huli na lalong ikinadismaya ng dalaga.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon