Chapter 1: Saved at last or Not

5.4K 98 18
                                    

-Mika's POV-

Ala-5 pa lang ng umaga pero gising na si Mika kahit na mamaya pa namang alas-10 ang klase n'ya. Naisipan kasi n'yang ipagluto ang mga dormmates n'ya bilang pasasalamat sa mainit nilang pagtanggap sa kanya. Dalawang linggo na mula nang lumipat s'ya at so far ayos naman ang stay n'ya sa bagong dorm. Makukulit man ang mga bago n'yang dormmates at madalas na pasimuno ng asaran ay mababait naman ang mga ito. At kahit na mas matagal na silang magkakasama hindi naman naoop si  Mika sa kanila. It was not really hard to feel that she belong. Almost perfect na nga sana ang lahat kung hindi nga lang kay Ara. Paano ba naman mas malamig pa sa pinagsamang North at South pole ang pakitutungo nito sa kanya. Pakunswelo na nga lang sa kanya na ganun naman ang pakikitungo n'ya sa halos lahat sa kanila. Pwera kay Kim na medyo nababawasan ang pagiging yelo nito. Madalas kasing mag-usap ang dalawa ng mga bagay-bagay na sila lang ang nagkakaintindihan palibhasa, ayun na din kasi sa kwento ng mga dormmates nila, magkababata daw sina Kim at Ara pero all in all malamig pa din ang pakikitungo nito na daig pa ang isang taong yelo.

Napansin n'ya din na kung ihahalintulad sila sa isang pack ng mga aso o lobo, si Ara ang nagsisilbing alpha. Ramdam na ramdam kasi n'ya kung paano naapektuhan ng kakaibang mood ni Ara ang mga kasama. Tuwing dumadating kasi ang huli ay parang bumibigat ang atmosphere at tila ba nagbabago ang aura ng lahat. Bigla kasing tumatahimik at para bang ingat na ingat ang kilos at sasabihin ng bawat isa na para bang anumang oras ay may masasabi sila o magagawang mali animang oras. At kung sinuswerte nga naman s'ya naging roommate n'ya pa ito. Laking pasalamat na nga lang n'ya na hindi lang sila ang roommates dahil nagkataong roommate din nila si Kim samantalang sa katapat na kwarto ay roommates naman ang kambal kasama si Carol.

Marahan nagpagpag ng kamay si Mika ng kamay matapos masigurong naihanda na n'ya lahat ng dapat ihain saka s'ya kuntentong ngumite. Inalis n'ya ang suot na apron. Paakyat pa lang s'ya ng halos sabay namang bumaba si Kim at Camille.

"Good morning Mika." Pupungas-pungas pang bati ni Kim sa kanya.

"Good morning din." Nakangiting bati n'ya sa dalawa. Tumango naman sa kanya si Camille.

"Wow ikaw naghanda ng lahat ng to?" Manghang-manghang tanong ni Kim sa kanya na tinugon naman ng huli sa pamamagitan ng isang ngiti.

"Nice. Mukang may bago na tayong cook ah." Biglang sambit ni Camille.

"Camille" Sita naman ni Kim sa huli na lubos ipinagtaka ni Mika.

"Sorry. Nakalimutan ko." Paumanhin ni Camille at sa kauna-unahang pagkakataon ay meron silang nalalaman na hindi nila nagawang ibahagi sa kay Mika. Hindi na lang s'ya nag-usisa pa dahil baka masyadong personal at nirerespeto n'ya iyon.

...

"Kainan na." Masayang sambit ni Carol nang halos lahat sila ay nasa hapag na para mag-agahan ngunit agad naman s'yang pinigilan ni Mika.

"Teka sandali lang. Bago tayo kumain dapat lang siguro na kumpleto muna tayo di ba? Ang mabuti pa gisingin ko na muna si Ara." Nakangiting turan ni Mika. Nagpalitan ng mga kakaibang tingin ang mga kasama na hindi nakaligtas sa matalas at mapagobserba n'yang mga mata pero hindi na n'ya masyadong binigyan pa iyon ng pansin.

"Ah Mika makakabuti kung hahayaan na lang nating magising si Ara ng kusa. Hindi ba?" Pigil sa kanya ni Kim na sinang-ayunan ng iba pa sa kanyang suhestyon.

"Kayo talaga. Para namang ayaw n'yong makasabay kumain yung tao." Nakangisi pang sambit ni Mika.

"Mika ano kasi..." Agad napalingon si Mika na nasa tapat na ng unang baitang ng hagdan dahil bigla s'yang tinawag ni Camille na tila nag-aalinlangan kung paano dudgtungan ang sasabihin.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now