Chapter 30: Her Second Chance

2.1K 77 9
                                    



Tulala. Wala sa sarili. Nagpapakalunod sa lalim ng kanyang mga iniisip.

Iyan ang mga salitang naglalarawan sa ngayon kay Mika. Kanina pa s'yang nakatitig sa kawalan at panay ang buntong hininga. Nakatayo s'ya sa veranda at tanaw na tanaw n'ya mula roon ang makulay na night life ng Pampanga pero wala dun ang kanyang isip. May isang parte ng utak n'ya ang parang nanunuya na pagsisihan n'ya ang kanyang ginawa pero may parte din na nagpapasalamat dahil sa kanyang mga nalaman. Hindi n'ya alam kung anong meron sa journal ni Ara pero ramdam na ramdam n'ya ang bawat emosyong inilagay ng sumulat sa bawat pahina. Hindi lamang iyon basta mga salita kundi isang kwento na hinabi ng bawat patak ng tinta ng pluma. Kwento ng saya, pagkakaibigan, pagmamahal, kalungkutan, pagkabigo, sakit, at sa huli ay pighati.

Isang talaaan na nagmulat sa kanyang mga mata sa mapait na nakaraan ni Ara. Habang binabasa n'ya ang nakapinid na pribadong bahagi ng buhay ng huli ay para bang nakita n'ya mismo ang mga ngiti nito; narinig kung anuman ang mga sinabi nito; nasaksihan kung paanong nabuo ang simpleng pagkakaibigan na humantong sa simula ng isang dakilang pagibig; at kung paanong unti-unti iyong nawasak. Para s'yang naglakbay sa panahon at nakarating sa eksaktong oras at araw ng pagtangis nito na alam n'ya, siguro dahil ipinanganak s'ya para malaman, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos. Dala-dala pa rin nito ang sakit at sa kung anong rason ay nasasaktan din s'ya para dito. Hindi naman dapat pero hindi n'ya mapigilan.

-Mika's POV-

Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa puntong ang lungkot-lungkot ko. Lungkot na para bang wala nang pag-asa. Ganito siguro ang naramdaman ni Ara noon. Kung may magagawa lang sana ako. Gusto kong iparamadam sa kanya na hindi s'ya nag-iisa, na hindi pa 'yun ang katapusan, na okay lang maging mahina at pwede pa s'yang magtiwala ulit.

Hindi n'ya namalayan ang unti-unti na namang pagpatak ng kanyang mga luha. Sabihin pa, masyado s'yang naapektuhan sa mga nabasa n'ya. Kanina pa 'yun pero damang-dama n'ya pa rin. She would have never imagined that Ara had that dark past and it was too much to take that it felt like something was gripping her heart.

Wala ako sa posisyon para husgahan si Shiela pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magtapos sa ganun na lamang ang kwento nila. Masakit. Masyadong masakit. Kung halos nalulunod na ako sa lungkot sa mga nabasa ko pa lang, ano na lang kaya si Ara? Sana pwede kong tanggalin ang lahat ng pighati sa kanya. Sobra-sobra na s'yang nasaktan at nagkamali ako. Hindi s'ya masamang tao. Nagkataon lang na nasaktan s'ya ng husto kaya unti-unti n'yang binalot ang sarili n'ya ng yelo hanggang sa tuluyan na s'yang nilamon nito. Ikinulong n'ya ang sarili sa sariling kalungkutan dahil natatakot na s'yang masaktan pa uli.

"Sorry Ara. Kung alam ko lang sana, mas nilawakan ko pa siguro 'yung pang-unawa ko. Sinubukan ko sanang mas intindihin ka." She cried to no one in particular. It wasn't that long before she hugged herself as she couldn't hold everything anymore. Her knees felt weak because of too much crying that with her blurry eyes, she sat on the floor and allowed herself to break down.

Nung pinlano ko ang bakasyon na 'to gusto ko lang magkaroon ng time first sa lahat. 'Yung nasa isip ko magpapa-YOLO muna ako. Magliliwaliw at walang ibang iisipin kundi ang sarili ko na parang akin lang ang mundo. Tipikal na bakasyon kumabaga. Kalilimutan ang lahat at pagkatapos ay saka babalikan. A perfect escape plan. Pero sino ba ang makapagsasabing ito pa pala mismo ang magiging daan para mainvolve ako ng ganito kay Ara? Kung hindi ko siguro binasa 'yung journal n'ya, things could have been a lot different but then if it weren't for my curiousity I wouldn't have known her better. Maybe until now I'd still see her as a heartless, self-centered, full of herself being with an added aura of someone mysterious and a "bad boy" that make girls go crazy about her. Maybe, I woundn't have known that behind the negative image that I came up of her is a heartbroken person. But I believe that there is still hope for her. I have faith that she's not too broken beyond repair. Alam ko magiging okay pa s'ya. Kung paano at kelan, hindi ko alam basta maniniwala lang ako na dadating ang araw na makikita ko s'yang masaya at buo.

Frozen Heart (KARA FANFICTION)Where stories live. Discover now